Chapter Two

1223 Words
Isang modulated at maotoridad na boses ng babae ang nagpalingon sa lahat sa gawing pintuan. Nakatayo si Laurenne sa bungad habang umiikot ang mata sa loob ng opisina. “Na-transfer ako dito.” Walang partikular na tao kung kanino niya ito sinabi. Pinagmasdan ni Maynard ang kanyang bagong partner habang tumayo si Sergeant Pascual para lapitan ito at batiin. Nakasuot si Laurenne ng required na asul na police uniform, pero napakaganda ng lapat nito sa kanyang katawan. Five feet, five inches ang taas, balingkinitan at maganda ang hubog ng katawan. Abot sa balikat ang buhok nito, maaliwalas ang mukha. Mahaba ang mga pilik-mata at mapupungay, matangos ang ilong, kissable lips at may maliit na baba. Sa unang tingin ay nakakamukha niya si Sarah Geronimo, simple pero pag tinitigan ay nagiging classically perfect ang ganda. Siya ang pinakabata, pinakamaganda, at kauna-unahang babae na makaka-partner ni Maynard. Huminga ng malalim si Maynard. Walang makakapigil sa kanya para maging hepe, at hindi niya papayagan na ito ang maging balakid. Napapailing si Maynard. Bakit naman bigla ko ʼyon naisip? Anong balakid naman ʼyon, Maynard? tanong ni Maynard sa sarili. “This is your partner, Detective Maynard Santiago,” pagpapakilala ni Sergeant Pascual kay Maynard. “I’m sure excited na siya to show you around at para i-orient ka with the way things are done here. Natutuwa kami na makasama ka, Officer Manzano. Tambak na ang mga kaso namin. More than a year na kaming kulang sa tao simula nung mag-retire si Lumanglas. At tsaka...” Tumigil sa pakikinig si Laurenne kahit nagsasalita pa si Sergeant Pascual. Nawala ang kanyang atensyon sa sinasabi ng sarhento. Napako ang tingin ni Laurenne sa kanyang bagong partner. Sinuri niya ito na animo ay isang potential suspect o witness. Hindi required na magsuot ng police uniform ang mga detectives, kaya isang komportableng jeans at white shirt ang suot ni Maynard. Dahil isang fashion designer ang kuya ni Laurenne, masasabi niya na hindi kamahalan o sikat na brand ang suot nito. But it doesn’t matter. Dahil maganda ang built ng katawan niya, nagmukha itong designer clothes. Tumingala pa ng bahagya si Laurenne para muling suriin si Maynard. Mataas ito, baka six feet, broad-shouldered, at mamasel ang katawan. Clean cut ang buhok, mahaba ang pilik-mata, medyo makapal ang kilay at brown eyes. Malakas ang s*x appeal sa mga matrona at lalo na sa mga kabataan. Makalaglag-panty ang kagwapuhan. Sinigurado ni Laurenne na wala itong epekto sa kanya. He is just my partner! No more, no less! Hindi pa siya nagkakaroon ng partner na lalaki. Ang una niyang partner ay nag-aalaga ngayon ng kanyang anak na kambal. Ang pangalawa naman ay isa ring babae. Halos hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad, pareho ng ranggo at pantay lang ang responsibilidad bilang mag-partner. Mukhang malabo ang salitang equality sa bago kong partner, disappointed na sabi ni Laurenne sa sarili. Una, mas mataas ang ranggo ni Maynard sa kanya. Mas matanda ito ng ilang taon sa edad. Matagal na ito sa serbisyo kaya seniority at experience-wise, mas nakatataas si Maynard sa kanya. Siguradong mas bihasa na siya sa Burglary Division, kaya nga tinatawag na siyang mentor ng ibang police. So, sa partnership na ito, I would definitely be the junior partner. Hmp talaga! Lihim na nagmamaktol si Laurenne. Na-assign na nga ako dito sa Burglary, na-trap pa ako sa pagiging subordinate. Grrrr, adding insult to injury! Kailangan niyang patunayan sa kanyang bagong partner na kaya din niyang gawin ang ginagawa nito. Easy! I have to prove to him that I am his equal. Pinilit ibalik ni Laurenne ang atensyon sa kasalukuyang sitwasyon. Lumapit sa kanila si Maynard. “Pleased to meet you, Laurenne.” Inilahad ni Maynard ang kanyang palad. Walang choice si Laurenne kung hindi abutin ang kamay nito at pilit na ngumiti. Naghawak sila ng kamay, pinaparamdam ng bawat titig na wala silang tiwala sa isa’t-isa. “Tara, ililibot kita sa buong opisina,” pormal na sabi ni Maynard. “Let’s start with the coffee.” Iginiya niya si Laurenne sa isang sulok na mayroong lamesa at nasa ibabaw nito ang lalagyan ng mga coffee mugs at coffee maker. Kumuha si Maynard ng mug at pinakukuha niya din si Laurenne. “Ayoko ng kape.” Umiling si Laurenne. “Softdrink ang iniinom ko.” “Kahit alas-otso ng umaga?” “Kahit alas-tres ng madaling araw.” “Hindi pa ako nagkakaroon ng partner na hindi umiinom ng kape,” halos pabulong na sagot ni Maynard. Nakatitig siya sa hawak na mug. “Sige lang, go ahead. Magko-Coke na lang ako.” Nagkibit-balikat si Maynard. “Nasa cooler ʼyong softdrinks.” Lumapit siya sa kanyang table at may kinuha na susi. Sinundan lang siya ng tingin ni Laurenne, ginamit ni Maynard ang susi para buksan ang cooler. Kumuha siya ng isang bote ng Coke Zero, ginamit niya ang isang maliit na metal para buksan ito. “Ang handy naman niyan.” Nakatingin si Laurenne sa hawak na metal ni Maynard. “Army can and bottle opener lang ito.” Iniabot ni Maynard ang binuksang Coke at ang can opener kay Laurenne. “Ilang taon na sa akin ʼyan. Very useful lalo na dito sa opisina.” Ngumiti si Laurenne at uminom ng Coke. “Saan ka na-assign nung army ka?” tanong ni Laurenne, at nagulat siya sa tono ng pagtatanong niya. Naisip niya na parang napakakaswal ng kanyang pagtatanong na parang nasa isang date lang sila or something. Syete! Partner ko nga pala siya! Baka mamaya may asawa na pala si Detective. Delubyo ang love life mo Laurenne, kaya utang na loob, tumigil ka! Huwag sirain ang magandang career, diyan ka na nga lang nag-e-excell! Pero sinagot naman ni Maynard ang kanyang tinatanong. Umupo siya sa corner ng kanyang table, at tiningnan niya si Laurenne sa mata. “Pumasok ako sa army right after college. Mas gusto ko sana sa Mindanao para may challenge pero na-assign ako sa Bicol.” Halata ang disappointment sa mukha ni Maynard. “Well, at least nagkaroon ka ng opener,” sagot ni Laurenne. Napansin niya na halos ayaw na niyang alisin ang tingin kay Maynard, at ayaw pa niyang tapusin ang kaswal nilang kwentuhan. Tumawa si Maynard. “Tama. At dahil doon, na-realize ko na mas okay ang trabaho ng police and knew it was the right career for me. Pagkaalis ko sa army, I got a degree in criminology and went to police academy. Ikaw, bakit ka nag pulis?” Hindi agad nakasagot si Laurenne. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ang tanong ni Maynard. Parang more than fifteen minutes pa lang kaming nagkakakilala at mag-o-open up na agad ako sa kanya ng saloobin ko? “Bakit ako nag-police?” ulit ni Laurenne sa tanong ni Maynard. “Nung grade one kasi ako, may bumisita sa klase namin na isang pulis. Tapos may dala siya na snipping dog tsaka carbon para sa finger printing. Ayon! Ngayon, gusto mo bang sabihin na sa akin kung ano ang gagawin ko dito sa Burglary o isang round pa ng getting-to-know-you sa oras ng trabaho? Sayang naman ang ibinabayad ng mga tax payers.” “Hindi naman masasayang ang bayad ng mga tax payers nang dahil lang sa limang minutong friendly conversation.” Nawala ang sigla sa mga mata ni Maynard at bigla itong naging seryoso habang umiinom ng kape.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD