Dahil tablado na agad si Maynard sa unang pagkikita pa lang nila ni Laurenne, nag-iba ang magandang mood niya. Pero nilapitan siya ni Laurenne na tila nagpapaliwanag.
“Sir, hindi naman po tayo pumunta dito to make friends. Nandito tayo para imbistigahan ang mga kaso ng pagnanakaw at hulihin ang mga kriminal na ʼyon.”
“So ʼyon pala ang pinupunto mo,” nakakunot-noong sagot ni Maynard. “Sa akala mo ba ay hindi importante sa akin ʼyon? Well, I have run across your attitude before, at para sabihin ko sa’yo Police Officer Manzano, I find it unacceptable in my partner.”
Wow! Police Officer daw. Pinapamukha pa talaga niya sa akin na mas mataas ang ranggo niya sa akin ha! Tumaas ang kilay ni Laurenne.
“So we’re pulling ranks already, Detective Santiago?”
“Kinukwestyon mo rin ba ang seniority ko?” galit na tanong ni Maynard. “Baka kailangan mo ng immediate adjustments in your attitude, Officer Manzano. You can start by pulling off that star from your shoulder.”
Namula ang pisngi ni Laurenne. “Maaring mas mataas ang ranggo mo SIR! But we are still partners. So please refrain from talking to me na akala mo ay...ay isa akong paslit.”
“Then stop acting like one.”
Galit si Laurenne. Galit siya kay Maynard dahil ang baba ng tingin nito sa kanya. At galit din siya sa sarili niya dahil hindi niya naitago ang pagkapahiya. Galit siya kay Maynard dahil siya pa rin ang may final word. At galit siya sa sarili niya dahil wala namang dahilan para makaramdam siya ng galit kay Maynard.
Katahimikan ang namayani sa kanila. Hanggang sa muling magsalita si Maynard. “Ito ang mga kaso na iniimbestigahan ko ngayon.” Ipinakita nito kay Laurenne ang isang makapal na folder. “I just realized they seem not important to someone, mukhang mas gusto pa niyang lumabas para magpabugaw, pero --”
“Sandali nga!” galit na sabat ni Laurenne. “Mukhang hindi lang ako ang may attitude problem. Mukhang mas malaki ang problema mo, Detective Santiago. For your information, hindi ko gustong magpabugaw. Baka nakakalimutan mo na may batas tayo sa anti-prostitution at ipinapatupad lang namin ang batas. Part lang po ng trabaho ang magpanggap, SIR!”
“Ganon din naman dito sa Burglary. Pero hindi naman kami nagpapanggap na magnanakaw, we just go after the criminals who break the law and just recover the stolen property. Our work is every bit as important as--”
“Excuse me lang, PO! I didn’t mean to imply na hindi importante ang ginagawa ng mga pulis dito,” mabilis na sagot ni Laurenne.
Kumalma si Maynard at naghintay ng apology mula kay Laurenne. Okay I will accept her apology.
Kinagat ni Laurenne nang bahagya ang kanyang lower lip. “Well, importante naman talaga ang ginagawa ninyo sa Burglary-Pawnshop,” pagpapatuloy ni Laurenne. Huminga siya ng malalim. “Medyo... boring nga lang.”
“That’s your apology?”
“Ha? Apology?” nagtatakang tanong ni Laurenne. “Bakit naman ako magso-sorry? As far as I know I am entitled to my own opinion. At hindi dahil mag-partner tayo ay kailangan magkapareho din ang laman ng utak natin at ugali.”
“Dahil magiging mag-partner tayo for the next twelve months, I hope our minds and attitudes find at least some small common ground,” sagot ni Maynard. Akala ko madali lang ang twelve months, pero pag ganito ang makakasama ko mukhang delubyo ang mga araw ko. “Otherwise, it’s going to be a tough long year.”
“Wala naman akong naging problema sa mga naging partners ko before,” sagot ni Laurenne. Hindi ko kasalanan kung hindi man tayo magkakasundo! Hmp!
“Wala rin naman akong naging problema with any of my partners either.” Sa tono ng pananalita ni Maynard parang sinasabi din niya na hindi niya kasalanan kung hindi man sila magkakasundo.
Grrr! So let’s call this partnership off! Ganon naman pala eh! gustong sabihin ni Laurenne. Pero bago pa siya muling makapagsalita, inunahan na siya ni Maynard.
“Kailangan ko ng umalis, may aasikasuhin ako sa korte. Kailangan kong mag-witness doon sa inaresto naming magnanakaw na pumasok sa isang jewelry store,” sa halip ay sabi ni Maynard. “Bakit hindi ka muna magbasa nitong mga kasong ito and familiarize yourself with them? Bilang partner ko, that will be your cases too. Pwede kang magtawag para i-verify ang kanilang mga pangalan at address at nang malaman mo rin ang description ng mga witnesses.”
Pinilit pakalmahin ni Laurenne ang sarili. Kung isang baguhang pulis ang gagawa ng assignment na sinasabi ni Maynard, maaring wala itong ka-challenge-challenge para sa kanya. Sa isang kagaya ko na officer na at may anim na taon ng experience ito lang ang ipapagawa niya sa akin? This is too much!
“So ganito pala ang magiging trabaho ko,” sarkastikong sagot ni Laurenne pero pabulong lang.
Pero narinig pa rin ʼyon ni Maynard. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.
“Bibigyan mo ako ng order na dapat kong sundin. Akala mo naman ay isa akong mabait na batang babae na kung anong sabihin ng matanda ay basta na lang susundin. Eh, ikaw, may gagawin tapos hindi mo man lang tatanungin kung ano ang masasabi ko? Anong role ko dito sa partnership na ʼto, to honor and obey?” Pilit na pinipigilan ni Laurenne ang galit na nararamdaman.
“Wow! Wow talaga!” sagot ni Maynard sa malalim na paghinga. Pinipigilan niya ang kamay na angatin. Kung lalaki ka lang, malamang nasuntok na kita! Dahil alam ni Maynard kung paano rumespeto, hindi niya ipinahalata sa kanilang mga kasama kung ano ang nangyayari sa kanila ni Laurenne.
“Look, labag sa loob mo ang paglipat dito sa division, labag sa loob mo na mas mataas ang ranggo ko sa’yo, at ngayon naman ay pinagbibintangan mo ako ng unfair treatment just because you are a girl!” Kahit mababa ang boses ni Maynard na halos si Laurenne lang ang nakakarinig, alam mo na nag-iinit ito sa galit.
“Wow! Nakaka-impress naman PO pala ang perception mo,” sarkastikong sagot ni Laurenne.
“Well, you’ve got it all wrong, PARTNER! I want my partner to share the work load. Gusto ko na maaasahan ko ang partner ko, not have him--” tumikhim si Maynard. “--her dependent on me. Walang magbabago sa akin kahit lalaki ka man, I still would have given you those reports to read today and suggested--yes, suggested, not ordered-- na magtawag ka dahil kailangan ʼyon gawin dahil kailangan kong pumunta sa korte hanggang hapon. There will be times na ikaw naman ang pupunta sa korte and I’ll be staying in the office to make the phone calls. At ipinapangako ko sa’yo that when the time comes, hindi ako magrereklamo about taking orders or honoring and obeying.”
Kailangan nang tumigil ni Maynard para huminga dahil mauubusan na siya ng hangin. Huminga siya ng malalim.
“Huwow! Hindi pa ako nakakita ng tao na ganyan katagal at kabilis magsalita ng hindi humihinga.” Ginamit ni Laurenne ang kanyang sense of humor. “Well, I must admit I’m impressed. Sigurado akong mahahabol mo talaga ang mga kriminal dahil hindi mo kailangan tumigil sa pagtakbo para huminga.”
Hindi napigil ni Maynard ang bahagyang mapangiti. “Ganyan ang mangyayari pag ginalit ang isang Caviteño. Mas mabilis pa akong magsalita sa machine gun. At hindi ako tumitigil hanggang hindi ako nauubusan ng bala.”
“Caviteño? Taga-Cavite pala ang mga Santiago?”
Tumango si Maynard. “Parehong taga-Cavite ang mga magulang ko, magkababata sila actually. Pero Spanish ang Lolo ko na nag-migrate dito sa Pilipinas. Nanirahan siya sa Cavite at doon niya nakilala ang Lola ko na isang half Spanish naman. Nag-settle na sila roon and they opened a restaurant,” paliwanag ni Maynard.
“I see. Nag-o-operate pa ang restaurant nila?”
“Yes. They serve the best Spanish food in Cavite. Family business naman talaga ʼyon since it started. Nung mga bata pa lang ang mga magulang ko, ʼyong mga Lolo ko ipinagkasundo na sila at nakalagay na sa last will nila na hindi nila pwedeng ibenta ʼyong property. So, sila ang nagma-manage ngayon katulong nila ʼyong brother ko na si Ferdie tsaka ʼyong wife niya.”
Labag man sa kalooban ni Laurenne, nakaramdam siya ng paghanga kay Maynard dahil sa family background nito. Mabilis itong nagkaroon ng pogi point sa kanya. Pero mabilis niya ding sinaway ang sarili, pinilit niyang ibalik kung ano ang mood nila kanina habang nagtatalo. Ano ka ba Laurenne, partner mo ʼyan at napakadominante pa. Tsaka malay mo, may asawa na siya! Ano nga kaya?
“Ang parents mo rin ba ang nag-arrange ng babaeng pinakasalan mo at sa kapatid mo? Alam mo na, old tradition.” Strategy mo talaga Laurenne. Lihim na napapangiti si Laurenne. Pwede naman kasing tanungin na lang siya kung may asawa na ba.
“Ay sorry!” mabilis na sabi ni Laurenne. “Partner nga pala kita, hindi…”
“Hindi potential date?” nakangiting tanong ni Maynard. Natutuwa naman si Maynard makita na na-conscious si Laurenne.
“Ha? Believe me, hindi ko man lang naisip na potential date ka. At isa pa, hindi ako nakikipag-date sa mga pulis. At lalong-lalo naman na... na hindi ako makikipag-date sa p-partner ko!” nauutal na sagot ni Laurenne.
“Hindi rin ako nakikipag-date sa mga pulis. And I never thought about dating my partners before. Si Eric, si Jim, si Henry at si Bill ay mas nauuna pang makahanap ng prospect dates nila kaysa sa akin.”
Natawa si Laurenne. “Hindi ko rin na-consider na date material ʼyong mga dati kong partners, si Heidi at si Sher.”
Nagkatawanan sila, nagtama ang kanilang mga mata at nagkatitigan ng ilang sandali. Hindi naman kinaya ni Maynard ang tingin ni Laurenne kaya siya ang naunang nagbaba ng tingin.