Habang nagmamaneho si Maynard ay itinuro ni Laurenne sa kanya ang isang fast food restaurant. “Kumanan ka dʼyan sa JolliMac Drive-Thru. Dʼyan tayo bumili ng lunch natin.”
Nang tumanggi si Maynard, nagpumilit si Laurenne. “Sige na, kelangan nating kumain. Masaya mag-picnic, promise.” Hindi niya tinigilan si Maymard hanggang sa makapila na sila sa drive-thru.
“Bakit ba ako napapayag na gawin ʼto?” sabi ni Maynard habang kinukuha sa cashier ang inorder nila. “Hindi ako mahilig kumain ng galing sa fast food. At galing pa dito sa hindi kilalang fast food ha.”
“Galing lang sa fast food ang kinakain ko,” pag-amin ni Laurenne. “I hate to cook. Kaya madalas burgers, fried chiken, spaghetti at shawarma lang ang kinakain ko.”
“Walang sustansiya,” sagot ni Maynard habang nakasimangot.
“May gulay naman ʼyon ah.”
“So kino-consider mo ng vegetables ʼyong nakasingit sa burger?”
“Bakit, hindi ba?” nakangiting tanong ni Laurenne. Umismid lang si Maynard.
“Bakit hindi ka mag-aral magluto? Paano pag may asawa ka na, anong plano mong ipakain sa asawa at anak mo? Galing din sa fast food?” tanong ni Maynard.
Asawa? Parang hindi ko pa nakikita ang sarili ko na may asawa. Pero kung kagaya naman nitong partner ko na bukod sa gwapo na, mukhang sanay pang magluto. Lihim na sinulyapan ni Laurenne si Maynard.
“Well, maghahanap na lang siguro ako ng mapapangasawa na magaling magluto. Tsaka matagal pa naman ako bago mag-asawa. Wala pa sa plano ko,” pagsisinungaling ni Laurenne. Nung isang linggo lang, pagkatapos niya mapanood ang isang Korean drama, ay hindi niya napigilang mag-imagine na ikinakasal siya. Iniisip mo na nga ang magiging design ng wedding gown mo! Lalaki lang ang kulang kaya hindi ka pa nagpapakasal! Kaya nga naunahan ka pa ni Levy, ano!
Nakakita sila ng bakanteng upuan at doon sila umupo. Isang malakas na hangin ang halos nagpalipad sa dala nilang pagkain na nasa plastic, pero nahawakan agad ito ni Laurenne. Natabunan ng ulap ang araw kaya bahagyang lumilim sa paligid at patuloy na humangin.
“Sinasabi ko na sa ʼyo iinit pa ʼyan,” sabi ni Maynard habang binubuksan ang balot ng kanyang hamburger.
Umiling si Laurenne. “Mawawala na ʼyang araw at hahangin na, promise!” sagot naman ni Laurenne. Kinagat niya ang kanyang cheese burger. “Teka magpatugtog tayo.”
Ini-on ni Laurenne ang kanyang bluetooth sa cellphone at nag-connect sa kanyang speaker. At nang tumugtog na ang speaker, nakisabay sa pagkanta si Laurenne.
Nakinig si Maynard sa music pero saglit lang at kumunot ang kanyang noo. “Anong kanta ʼyan?” tanong nito. “English na parang ewan. Hindi maintindihan!”
“You Are Everywhere by Big Baby Driver. Favorite song ko ʼyan ngayon. Original sound track ʼyan nung Kdrama na napanood ko.”
“ʼYan na ang favorite song mo?” Nanlaki ang mga mata ni Maynard. “Seryoso ka? Hindi nga?”
“Pakinggan mo muna kasi ʼyong lyrics,” sagot ni Laurenne. “Napaka-romantic kaya!”
“Kanina pa ako nakikinig. Anong romantic dʼyan? Parang kanta ng kung sino.”
“Ewan ko sa ʼyo! Palibhasa wala kang taste sa music.”
“Ganon? Okay, quits na tayo. Wala ka rin namang taste sa pagkain. Eto na ang pinaka-worst hamburger na nakain ko.”
“Ang sarap kaya nitong sa akin.” Pinatugtog niya ulit yong kanta. At inulit pa niya. Hindi siya nagsasawang pakinggan ito.
“Tino-torture mo ba talaga ako?” tanong ni Maynard pagkatapos ng ikatlong replay. “Dahil kung tino-torture mo ako, you are succeeding.” Kinalikot ni Maynard ng isang daliri ang kanyang tainga.
“Ang malas ko naman dahil nagkaroon ako ng partner na hate na hate ang music.” Bumuntong-hininga si Laurenne at ini-off ang speaker.
“Correction, I don't hate music. Ano pa ba ang iba mo dʼyang songs?” Kinuha ni Maynard kay Laurenne ang cellphone at tiningnan ang playlist niya. “Spring I Love You Best. Memory by Ben? Hindi ko pa naririnig ang mga ito kahit kelan.”
“Eh kasi po mga OST ʼyan ng Kdrama. Mahilig kasi akong manood non. Sorry, puro ganyan ang mga kanta ko.”
“I like ballads. Mga kanta nina Erik Santos at Daryl Ong. Mga ganong type of music ang gusto ko.”
“Well,” sabi ni Laurenne, mas sa sarili niya kaysa kay Maynard. “Kahit naman ganon si Sam, at least alam niya ang mga gusto ko at nakaka-relate siya.”
“Aba dapat lang naman!” tumawa si Maynard ng nakakaloko. “Oo, snob nga si Yannie pero wala ka namang masasabi sa kanyang taste in music. Ang dami niyang album collections ng mga classical music. Mas gusto ko pang pakinggan ʼyon kung nasa loob ako ng sasakyan kaysa sa 'Memory' na hindi ko naman maintindihan!”
Sa inis ni Laurenne, tumayo siya at pinilas ang natitira pa niyang tinapay at hinagis sa damuhan. May lumapit agad na mga ibon.
“Utang na loob huwag mo gawin ʼyan!” awat sa kanya ni Maynard. “Dudumugin tayo dito ng mga ibon sa ginagawa mong ʼyan.”
“Eh ano naman? Gusto ko ang mga ibon.” Kinuha pa niya ang tirang burger ni Maynard at ikinalat sa may damuhan. Nadagdagan pa ang mga ibon sa paligid nila. “Pinapakain ko sila lagi.”
“Who cares? I hate birds!” Tumaas lalo ang boses ni Maynard nang makitang may mga ibon pang dumapo at pinagpyestahan ang tinapay.
“Bakit ba ayaw mo sa kanila? Ang cute kaya.”
“Wala silang alam gawin kundi umipot ng umipot. Tingnan mo nga sa umaga kung gaano kadaming ipot ng ibon ang nagkalat sa kotse?”
Nang oras na ʼyon, may pumatak na ipot sa sapatos ni Maynard.
Napatawa si Laurenne. “Ayan, narinig ka tuloy. Birds have feelings too, you know,” nakangiti niyang sagot.
“Sh*t!” Yumuko si Maynard para punasan ang kanyang sapatos. “Pag minamalas ka nga naman! Nagkaroon ako ng ganitong partner. Inaya-aya mo ako dito sa park sa katanghaliang tapat para kumain ng malangis na hamburger, pinasakit mo ang eardrums ko dʼyan sa hindi ko maintindihan mong music, ininvite mo ʼyang mga ibon na ʼyan and worst of all tinawanan pa ako ng maiputan ang sapatos ko,” reklamo ni Maynard.
Mas lalong hindi napigilan ni Laurenne ang mapatawa. “Sorry na. Pwede pa bang i-save ang partnership na ʼto?” malambing niyang tanong sa binata.
“Kung titigilan mo na ʼyang kai-invite ng mga ibon, palitan mo ʼyang favorite song mo at i-improve mo ʼyang taste mo sa panonood ng KDrama,” inis na sagot ni Maynard.
“Well, sa isang banda, pwede namang matuwa ka rin sa mga ibon, i-appreciate mo ang 'You Are Everywhere', at subukan mong manood ng mga Kdramas.”
Nagpalitan sila ng tingin, at sabay silang nagkatawanan. Habol ni Maynard ang kanyang paghinga sa sobrang katatawa. Nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan si Laurenne. Nanginginang ang kanyang mga mata. At ang suot niyang three-fourth-sleeve na light blue blouse -- binigyan siya ng permiso na huwag mag-police uniform pag nasa misyon kasama ni Maynard -- ay bumagay sa eye shadows ni Laurenne.
Ang ganda ng hugis ng kanyang mga labi. Nang sandaling ʼyon parang nakaramdam ng sakit ng tiyan si Maynard. Para siyang sinikmuraan. Hindi siya makapag-isip, hindi siya makahinga. Pilit niyang nilalabanan ang kagustuhang hawakan ang leeg ni Laurenne at ilapit sa kanya para halikan ang mapupulang labi nito.
Para siyang natauhan, he cleared his throat. “Laurenne, ahm, ano…” Ano nga ba ang pinag-uusapan namin? Hindi niya matandaan. Parang nablangko ang isip niya.
“Yes?” Napalunok si Laurenne. Napansin niya na parang may kakaiba sa titig ni Maynard sa kanya. Nakaramdam siya ng tensyon. Tama ba ang nababasa ko? s****l tension ba ito? Tanong ni Laurenne sa sarili. Bumilis ang t***k ng puso niya.
Nagtama ang kanilang mga mata. Siya na yata ang may pinakamagandang mata na nakita ko, sabi ni Laurenne sa sarili.
Gusto ng lapitan ni Maynard si Laurenne at ilapit sa kanyang mga bisig. Pero isang malakas na hangin ang nagpabalik sa kanyang katinuan. She is your partner Maynard! Napaka unprofessional ng gagawin mo for an aspiring Chief of Police. And she is not your type! paalala ni Maynard sa sarili. Two weeks pa lang kayong nagkakasama pero nakita mo na agad ang pagka-amazona niya. Pero okay lang siya as your partner and your friend, but definitely not a lover!
Mabilis niyang tiningnan ang kanyang wrist watch. “Ahm, b-bumalik na tayo sa ano.... sa presinto.” Kahit sa kanyang pandinig, parang iba ang kanyang boses, hindi niya kayang kontrolin. Muli siyang nagsalita. “Baka kasi may mga kaso ng naghihintay sa atin.”
Hindi maitago ang pagtataka sa reaksyon ni Laurenne. Biglang back to business? Where is the deep, dark eyes I had seen in him only seconds before? Anyare? Iba ʼyong nakita ko sa kanya kanina. So, baka mali ka ng interpretation Laurenne. Anong feeling mo, hahalikan ka niya? You are just imagining things! Disappointed si Laurenne.
Maynard is your partner! Muling paalala ni Laurenne sa sarili. We might be suited professionally, pero romantically, we are a complete mismatch. Tandaan mo ʼyan Laurenne. ʼWag kang hibang!
Para maitago ang pagkalito, kumuha si Laurenne ng cookies sa plastic bag. Binuksan niya ito at initsa ang mga laman sa mga ibon. “E-eto na, enjoy sa foods mga birdie.” Kahit si Laurenne ay napansin ang sarili na hindi komportable.
Sa unang pagkakataon, natuwa si Maynard sa presence ng mga ibon. Nagkaroon siya ng dahilan para may mapag-usapan at ibalik ang katinuan niya. “Oh, baka naman pati balat ibigay mo. Dahil sa katakawan nila, baka pati ʼyon pagkaguluhan.”
“Eh ʼdi hindi naman at baka kasuhan mo pa ako ng littering,” sagot ni Laurenne, back to her old self again. Nakahinga siya, bumalik na sila sa normal na sitwasyon ulit.
“Dapat lang,” sagot ni Maynard. “Serves you right, Tweety.”
“Tumigil ka nga! ʼWag mo akong tawaging Tweety. Parang gusto mong sipain lahat ng ibon dito eh.”
“Don't worry, I'll make an exception in your case. Ikaw lang ang ititira ko, Tweety.” Ngumiti siya kay Laurenne. Nagbaba ng tingin si Laurenne at ngumiti rin.
Tumikhim si Maynard. “A-attend ka ba sa Christmas party natin?”
Tinapunan ni Laurenne ng tingin si Maynard. Ano ito, partner talk or he is asking me to go with him? As in his date? Biglang nanghina si Laurenne at muli na namang naguluhan. "Ah, hindi pa ako nakaka-attend ng Christmas party kahit kailan,” maingat niyang sagot. “Saturday nga ba ʼyon?” Tumango lang si Maynard. “Lagi kasi akong naka-duty pag Christmas party kaya wala akong chance na maka-attend. This is the first time na off ako during the weekend. Though marami akong narinig na kwento sa kanila kung anong mga nangyari during the party pagdating ng Monday.”
“Malamang totoo ʼyong mga kwento nila.” Nakangiting sagot ni Maynard. “It's our chance to loose a bit.”
“Yeah. Sounds good.” Nagsalubong ang tingin nila. Nanuyo ang lalamunan ni Laurenne. Nag-intay siya na imbitahan ni Maynard. Kung gusto niya akong i-invite, now is the best time.
Katahimikan pa rin ang namayani. Nakatingin pa rin sila sa bawat isa. Haist! Nag-i-imagine ka na naman Laurenne! Wala kayong chemistry. Baka tawag lang ng laman ang iniisip mo. Ang bastos! Erase, erase, erase!
Wala pa ring iniimik si Maynard. “Parang... Ah... Baka pumunta ako sa party,” halos pabulong na sabi ni Laurenne.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Maynard. “Ah, okay.” Gumalaw ang kanyang Adam's apple. “So, makikilala mo pala ang date ko.”
Uminit ang pisngi ni Laurenne at pinilit niyang pigilan ang pag-ikot ng kanyang sikmura. Ah ʼyon naman pala. Gusto pala niyang makilala ko ang date niya. Ahahaha! ʼYon pala. Humopia ka na naman Laurenne!
"Oo ba, aabangan ko ʼyon," sagot ni Laurenne sa pinakakalmadong boses. Ayaw niyang magpakabog kay Maynard. "Makikilala mo rin ang date ko."
Kailangan ko ng date sa Saturday night! Kung kinakailangan kong mag-kidnap para may date ako, gagawin ko!
“Good,” sagot ni Maynard. Pinilit niyang magmukhang totoo ang kanyang ngiti para hindi mahalata ni Laurenne na hindi ito genuine.
Ngumiti rin si Laurenne. Plastic!
Tahimik silang bumalik ng presinto at wala ng imikan for the rest of the afternoon.