Chapter Six

1474 Words
Nang makabalik ng presinto, pagkagaling sa tanghalian sa parke, ginugol na ni Maynard at Laurenne ang kanilang oras sa trabaho. Halos hindi sila nagkausap dahil pareho silang abala sa mga kaso na kanilang pina-follow up. Hindi tuloy niya namalayan na kinakausap na pala siya ni Maynard kung hindi pa siya nagulat dahil may tumalsik na rubber band sa kanyang table mula sa direksyon ng binata. Pinagtawanan siya ng detective dahil sa kanyang pagkagulat. “Ano ba? Wala kang magawa ano?” nakakunot-noong tanong ni Laurenne. “Anong wala? Eto nga, tambak oh.” Itinuro ni Maynard ang mga folders sa kanyang table. “Ang bingi mo kasi. Kanina pa kita tinatawag. Nagbi-busy busyhan ka naman.” “Bingi agad? Busy-busyhan? Hindi ba pwedeng busy nga lang talaga ako? Bakit, ano ba ʼyong sinasabi mo?” tanong ni Laurenne. “Sabi ko kung kagaya mo rin bang Tweety Bird ang isasama mo sa Sabado?” Gusto lang niyang kulitin si Laurenne at alamin kung sino ang isasama nito party. “Ahm... Well, sana mahilig din siya sa mga ibon para naman may common interest kami. Pero hindi ako sure eh. Hindi kasi namin napapag-usapan ang ibon pag magkasama kami,” pilyang sagot ni Laurenne. Gusto niyang isipin ni Maynard na may 'iba' silang ginagawa ng tinutukoy niyang ka-date sa party. Gumalaw ang Adam's apple ni Maynard, pero mahinahon ang boses niya nang muling magsalita. “Gaano katagal na kayong nagde-date?” curious na tanong ng binata. “Teka nga, ano ba ʼto, interrogation? O sige don tayo sa interrogation room tapos tutukan mo ako ng ilaw sa mata hanggang sa masagot ko lahat ng tanong mo sa akin,” nakaismid na sagot ni Laurenne. “Hm... Parang effective nga ʼyon,” sagot ni Maynard sa pag-itan ng tawa. “Bakit ba parang wala kang kainte-interest na pag-usapan itong lalaking sinasabi mo?” giit ni Maynard. “Dahil may kailangan pa po akong tapusing trabaho at ayokong mag-aksaya ng oras sa pakikipag-tsismisan. Satisfied?” Iniwasan niya ang mapanuring tingin ni Maynard. “Kasi naman po meron akong partner dito na gusto akong alilain. Kelangan ko pang mag-fill up nitong pretrial information request forms na binigay mo. At hindi lang isa ha, dalawang kaso pa talaga. At kung walang interruption, kaya ko ʼtong tapusin agad at nang maipadala na sa korte bago sana tayo umuwi,” dire-diretsong paliwanag ni Laurenne. “Wow! Paki-translate nga ng mga sinabi mo?” nakangiti pa ring sagot ni Maynard. Tila nanunudyo ito. Pinamay-awangan niya si Maynard. “Ang sabi ko po, ang sipag ko kasing partner, ʼdi ba?” nakangiti ding sagot ni Laurenne. Ramdam ni Maynard ang epekto ng ngiti ni Laurenne hanggang sa kanyang mga daliri sa paa. Ang mga labi niya... Sh*t! Hindi niya tuloy naiwasang mapamura. Kailangan niyang tumingin sa ibang direksyon upang ikubli ang nararamdaman. Ang labi na yata ni Laurenne ang pinaka-sexing labi na nakita niya. Napalunok siya kahit wala naman siyang isinubo. Kusa silang bumalik sa kani-kanilang ginagawa nang hindi nagsasalita. Tumitigil lang sila pareho pag palihim silang tumitingin sa bawat isa. Napakaingat nila na hindi mahuli ang bawat isa. DON JAIME, ito ang pinakamalapit na restaurant and bar sa presinto. Ito rin ang nagiging headquarters ng mga pulis na off-duty bago o pagkatapos ng kani-kanilang mga shift. Nagse-serve sila ng breakfast, lunch at dinner kaya nawiwili silang kumain o kaya minsan ay tumambay lang. Sanay na sa kanila ang may-ari ng restaurant kaya hindi na nito pinupuna kahit minsan ay magulo sila at maingay. At sa loob ng pitong taon, ito ang naging venue ng Christmas party ng presinto. Isinasara ito ni Jaime, ang may-ari ng restaurant, at ginagawang exclusive ng magdamag para lang sa mga pulis. Hindi naman interesado si Laurenne sa Christmas party, mas gusto pa nga niyang mag-duty. At lalong hindi rin naman siya excited na makilala ang date ni Maynard. At wala din siyang planong pumunta doon ng walang kasamang date pagkatapos niyang ideklara kay Maynard na may kasama siya. Ayaw niyang mapahiya sa binata, kaya naman nang gabing ʼyon, tinawagan niya ang kaniyang bunsong kapatid na si Levy Ann. Minsan nagbibiro si Laurenne na si Levy Ann, isang nurse at mas bata sa kanya ng dalawang taon pero mas mature ng sampong taon kung mag-isip, ay hindi nagkakamali sa kahit anong desisyon sa buhay. Noong nakaraang buwan lang ay ikinasal ito sa isang gwapo at very successful na doctor. “Levy, ʼdi ba ang laki naman ng hospital na pinagta-trabahuhan ninyo ni Jake, baka naman meron kang mairereto sa akin na pwedeng ka-date,” pakiusap ni Laurenne. “Natanong ko na lahat ng kilala kong lalaki pero walang available na pwedeng sumama sa akin sa party. Hindi pwedeng wala akong date! Save me, please!” pakiusap niya sa kapatid. “Ah, ganon? So, sinabi mo sa kanila na may ka-date ka pero wala naman. Ano ka ba! Hindi ka pa ba nadala sa nangyari nung third year high school ka? Pinagyabang mo sa mga classmates mong babae na pupunta ka sa prom--” “Eh, ʼdi ikaw na talaga ang magaling ang memory,” naiinis na sabi ni Laurenne. “Please lang, ʼwag mo na nga akong bigyan ng lecture on how I should have learned my lesson. Because obviously, I did not learn. Thanks for saving me that time kaya ngayon I'm asking you, I mean, I'm begging you para tulungan ulit ako! Haist, kung hindi lang ako nakipag-break kay Sam--” “Wait lang! Alam mo, ʼyon na yata ang pinakatama mong ginawa in your entire adulthood,” pigil ni Levy Ann sa sasabihin pa sana ni Laurenne. “Hindi kayo bagay nun at alam mo ʼyan! Mas kailangan mo ng lalaki na... Ahm, exciting, kaysa naman doon sa boring at halos ayaw humiwalay sa kanyang nanay. Kasi naman Ate, pinipilit mo siyang baguhin eh hindi nga pwede. Naglolokohan lang talaga kayo. Good decision sistah!” “Ah, talaga ba, exciting? I also tried dating someone exciting, remember? Pero ano? Nag-break din kami ni Percy. Kaya nga sabi ko sa sarili ko eh mas gusto ko naman ʼyong stable. ʼYong kagaya ni Sam.” “Ah, oo si Percy, ʼyong nagbabanda,” sagot ni Levy Ann. “Pero grabe naman ʼyon! Hindi ko malimutan ʼyong pardible sa ilong niya. Tapos ʼyong mga ahas na naka-tattoo sa mga braso niya! My gosh! Hindi naman siya exciting Ate, nakakatakot siya! Ew!” Nai-imagine ni Laurenne ang itsura ng kapatid niya habang nagsasalita. Hindi niya napigilang mapangiti. “So ayon na nga. Eh, ʼdi ba sabi niya boring daw ako that's why he tried to change me. Mabuti na nga lang at hindi niya ako napapayag na magpalagay din ng tattoo! Kaloka si Percy!” “Loka-loka ka kasi! Paano ba naman ginawa mo lang siyang rebound pagkatapos nʼyo mag break nung isnaberong si Kiepper,” sagot ni Levy Ann. “At kaya naman naging kayo ni Kiepper ay dahil nag-break naman kayo nung aktibistang si Allan na gustong pabagsakin ang Malacanang. Parang nagpapalit ka lang from one extreme to the other. At wala ni isa man sa kanila ang para sa ʼyo.” Muli na namang napangiti si Laurenne sa kwento ng kapatid niya. “Ok Levy, that's enough. Pwede bang sa ibang araw na lang ʼyang analysis kineme mo, please? Right now kailangan ko ng ka-date para sa Christmas party. That's the reason why I called.” Saglit na tumahimik si Levy Ann. “Hm, teka lang may naisip na ako Ate. May kilala akong doctor na available right now. Kaka-break lang nila ng girlfriend niya. Hindi ko lang sure kung naka-move on na siya at kung ready to mingle na ulit.” “Huhulaan ko, wala pa siyang five feet, malamang ang timbang niya eh 100 kilos, at bakwet magsalita.” ʼYon ang unang pumasok sa isip ni Laurenne kaya marahil nakipag-break ang girlfriend. Ang sama mo talagang babae ka. Maganda ka girl? Narinig ni Levy Ann ang tawa ng kapatid niya. “Hoy, hindi ha! Guwapo kaya siya.” Naging excited ang boses ni Levy Ann. “Ang pangalan niya ay Zeus Orbase. Bakit nga ba hindi ko siya agad naisip? Magkasing-edad lang kayo at nasa second year residence na siya sa pediatrics. Sige, patatawagan ko kay Jake mamaya at ipapatanong ko kung available siya bukas sa party nʼyo.” Attending pediatric surgeon ang asawa ni Levy Ann sa hospital na pinagta-trabahuhan din niya. Mas mataas ang position ng attending physician kaysa sa mga residents. At si Jake ang nag-e-evaluate kay Zeus kaya imposible na tumanggi ito sa request ng kanyang superior. Kaya sigurado na si Laurenne na meron siyang date na maiipakilala kay Maynard para sa kanilang Christmas party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD