Chapter Seven

1512 Words
CHRISTMAS PARTY Dumating si Zeus Orbase sa apartment ni Laurenne bago mag-alas otso para sa kanilang blind date. Hindi makapaniwala si Laurenne habang sinusuri ang doctor. Paano naging available si Doc ngayong Saturday on such a short notice? Hindi nagsisinungaling si Levy Ann. Hindi lang siya guwapo. Matangkad rin at very athletic pa ang wankata! Hindi tuloy maiwasan ni Laurenne na ikumpara ang doctor sa kanyang mga naka-blind dates noon. Wala ni isa man sa kanila ang pwede niyang ipakilala kay Maynard ngayong gabi maliban kay Zeus. Isang black fitted dress ang piniling suotin ni Laurenne. Exposed na exposed ang kanyang neckline dahil sa plunging V-neck na suot niya at ang hubog ng kanyang waistline ay mas lalong napansin ang kasexyhan. Naka-light gray stockings siya at black stiletto heels. Itinali niya ang kanyang buhok kaya lumitaw ang hugis puso niyang mukha. Diamond dangling earrings ang napili niyang i-match sa kanyang dress. Nagpaganda rin siya para hindi naman mapahiya ang kanyang kapatid sa pagreto kay Dr. Orbase. Nang marating nila ang Don Jaime, unti-unting nakaramdam ng kaba si Laurenne. Gwapo nga si Dr. Orbase pero mukhang hindi ito sociable. Parang tatlong beses lang narinig ni Laurenne itong nagsalita simula nang dumating ito sa kanyang apartment hanggang sa makarating sila sa Don Jaime. Maingay na sa loob ng venue. Merong live band na tumutugtog. May mga nagsisiksikan na sa bar para kumuha ng maiinom, ganon din sa buffet table. Ang maliit na space para gawing dance floor ay unti-unti na ring napupuno ng magkakapareha at magkakagrupong pulis. Mausok at madilim sa paligid maliban sa buffet table dahil naiilawan ito ng Christmas lights. “Sorry, allergic ako sa usok,” sabi ni Zeus, at humatsing ito. “Nagluluha ako and it blocks my sinuses.” Kinuha nito mula sa pantalon ang isang puting panto para itakip sa ilong. “Ha, ganon ba?” sagot ni Laurenne. Nakita niya na naglabas ito ng inhaler at habang nag-uusap sila ay patuloy niya itong ginagamit. Napaisip si Laurenene. Mukhang disaster ang blind date na ʼto. Iba nga siya sa mga naging blind dates ko before pero mukhang kapareho lang din ng resulta. Haist! “Manzano! Mabuti naman naka-attend ka ng party this time,” halos pasigaw na bati ni Sergeant Villones, dati niyang squad leader sa kabilang division. Pinagmasdan siya nitong mabuti mula ulo hanggang paa. “Hindi kita nakilala ah. Sayaw tayo?” Upbeat na ang tinutugtog ng banda ngayon. Dumako ang tingin ni Laurenne kay Zeus. “Zeus, okay lang ba na iwan kita saglit?” “Yeah, sure, go ahead. Kukuha lang ako ng maiinom.” Tumayo si Zeus at nagtungo sa bar. Habang nakikipagsayaw si Laurenne sa mga opisyal ng kanilang department, mukha namang nag-e-enjoy na rin ang kanyang date sa pag-inom sa bar. Nang lapitan siya ni Laurenne, hindi na tahimik si Zeus. Madaldal na ito pero mukhang malungkot. “Shana mag-enjoy ako ngayong gabeh,” malungkot na wika nito. “But I didn't. I wash glad when Jake recommended I come to this party kashe akala ko malilimutan ko shi Liam. Well, nagkamali pala ako. Si Liam lang ang babaeng mamahalin ko. Wala ng iba!” Tumulo ang luha sa mga mata ni Zeus. “I really miss her now.” “Liam.” Ulit ni Laurenne sa pangalang binanggit ni Zeus. “Ah, oo. Parang nasabi nga ni Levy na kaka-break mo nga lang sa girlfriend mo.” Lalo pang humagulhol si Zeus. “Mahal na mahal ko kasi sʼya. Pero ayaw na niyang makipagbalikan sa akin. It's over!” Inalalayan ni Laurenne si Zeus patungo sa pinakamalapit na table sa bar at pinaupo ito. Mas pinili niyang samahan ang isang gwapo pero broken-hearted na lalaki kaysa makipagsaya sa kanyang mga katrabaho. “Okay lang ʼyan. ʼWag kang mawawalan ng pag-asa,” payo ni Laurenne, habang inaabutan niya ng tissue si Zeus. “Malay mo baka naman magbabago pa ang isip ni Liam. After all, Pasko naman at-” “ʼYon na nga eh. Kung kailan Pasko pa! I miss her more.” Mas lalo pa itong umiyak. “Pakiramdam ko hinde ko khakayanin. Palagi ko siyang naiisip. Kaya nga ako umiinom na lang para makalimutan siya but I want her even more. Anong dapat kong gawin?” Sumulyap si Laurenne sa mga tao sa paligid. May mga nagku-kwentuhan, may tumatawa, sumasayaw, kumakanta at kumakain. Lahat nagsasaya. Dumako ang tingin niya sa kanyang date. “Ahm... Maybe we should leave,” suhestyon ni Laurenne. Kung aalis na kami ngayon, malamang makakailang episodes pa ako ng pinapanood ko na Kdrama. At least hindi na rin nasayang ang gabi ko. “Alam kong hindi madali sa ʼyo ang mag-move on,” dagdag pa ni Laurenne. “Yeah! It's like hell!” Isinubsob ni Zeus ang ulo sa lamesa at muling umiyak. Haist! Lasing na nga, heartbroken pa! The best combination! Nagdesisyon siya na kailangan na nilang umalis. At nang akma na siyang tatayo, narinig niyang may tumawag sa kanya. “Hi Tweety! Pwede ba kaming maki-join sa inyo?” tanong ni Maynard, nakatuon ang tingin kay Zeus. Narinig ni Laurenne ang boses ni Maynard kaya agad siyang lumingon sa kanyang balikat at nakita niya itong palapit sa kanilang table. Bumilis ang t***k ng puso ni Laurenne. Pakiramdam niya ay nasa loob ng katawan niya ang amplifier na ginagamit sa kanilang sound system. Ang lakas ng s****l energy at karisma ni Maynard habang naka-focus ang tingin nito kay Zeus. Simpleng long sleeves na white, nakatupi hanggang siko, at black pants ang suot ni Maynard. Nginitian niya ang binata. Pero unti-unting nawala ang ngiti ni Laurenne nang mapansin niyang hindi nag-iisa ang binata. Hawak nito ang kamay ng isang matangkad, demure at sexing babae. Pinagmasdan ni Laurenne ang suot ng kasama ni Maynard, tight-fitted dress na may plunging neckline. As in kita na halos ang pisngi ng langit ha! Mukhang GRO. Pinigilan ni Laurenne ang mapatawa. So, ito ang date ni Maynard? Nabuhayan ng loob si Laurenne. “Siya nga pala si Laurenne, partner ko,” pakilala ni Maynard sa kasamang babae. Hindi pinansin ni Maynard si Zeus na nakatungo sa table at humihikbi. Ikinatuwa naman ito ni Laurenne. “Laurenne Manzano, si Keiah Macaraig,” pakilala niya kay Keiah. “Keiah Alva Macaraig,” pagtatama ng babae. Nag-chin up pa ang babae at animo ay proud na proud sa kanyang pangalan. Alva... Macaraig? Wala naman akong kilalang ganon. But sounds familiar. Ngumiti lang ang babae at muling nagsalita. “My father is Joseph Macaraig,” taas-noong sabi nito. “Joseph Macaraig?” Napahawak sa dibdib si Laurenne. “Talaga? Favorite singer ko siya. OMG! Hihimatayin yata ako!” Nanlaki ang kanyang mga mata. “Sana nag-e-enjoy ka sa party, Ms. Keiah.” “Well, medyo magulo, tsaka ang ingay, ha,” dismayadong sagot ni Keiah. “At ang usok ng sigarilyo,” Ikinampay niya ang kamay sa kanyang ilong at sa paligid na para bang mapapaalis niya ang usok. “Kaya nga, grabe, ” pagsang-ayon ni Laurenne. “Naluluha nga din ako, eh.” Nagtaas naman ng ulo si Zeus at muling humikbi. “Excuse me, gusto ko ng umuwi!” “Umiiyak siya,” gulat na wika ni Maynard habang titig na titig kay Zeus. “Gawa ʼyan ng allergy attack,” mabilis na sagot ni Laurenne. “Ang usok kasi dito sa loob.” Tumayo si Zeus. “Can we go now Laurenne?” tanong nito kay Laurenne. Medyo paos na ang boses nito. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Maynard kay Laurenne at Zeus. “Siya ba ang ka-date mo?” Tumango si Laurenne. “This is Dr. Zeus Orbase. At paalis na talaga kami.” Hinawakan ni Laurenne ang braso ni Zeus pero muli itong umupo. “I think we should leave too, Maynard,” sabi ni Keiah habang inis na pinagmamasdan ang paligid. “Nagpakita na naman tayo, eh, I think it's enough for these staff parties?” Hindi nagustuhan ni Laurenne ang sinabi ni Keiah. “Well, siguro para sa iyo ay boring makipagsalamuha sa mga ordinary people--” Biglang nagsalita si Maynard bago pa man matapos ang sasabihin ni Laurenne. “Before we leave, I have to have at least one dance with my partner,” sabi ni Maynard kay Keiah pero hindi niya inaalis ang tingin kay Laurenne. “Okay lang ba na pakisamahan si... ah, ang date niya for a few minutes, Keiah?” Kahit inis, umupo si Keiah sa tabi ni Zeus. Iniabot ni Maynard ang kamay niya kay Laurenne. “Ahm, I don't feel like dancing. Mas gusto ko pang makipagkwentuhan kay Keiah.” Hindi pinansin ni Laurenne ang kamay ni Maynard. “Meeting the daughter of Joseph Alva is a dream come true for me, you know!” sarkastikong sabi ni Laurenne Para kay Maynard, invitation ang paglalahad niya ng kamay kay Laurenne nung una. Pero mababasa mo sa mukha ni Maynard nang muli niyang ilahad ang palad kay Laurenne na nagde-demand na siya. Hinawakan niya ang kamay ni Laurenne at hinila siya sa dance floor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD