Walang sawang pinagmasdan ni Maynard ang maamong mukha ni Laurenne. Hindi na siya nakatiis, marahan niyang hinila si Laurenne palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Sana sinabi ko rin kay Lenard na hindi sa lahat ng oras ay dapat mong gawin ang gusto mo. Pumikit siya at huminga ng malalim. Ipinaalala niya sa sarili kung bakit hindi puwede at hindi dapat maging sila ni Laurenne. She felt so warm and sweet in his arms. Para sa kanya, ito ang pinakatamang gawin kahit pa kumokontra ang isip niya. “Gusto kita, Tweety. Gustong-gusto!” halos paos na sabi niya. Isinandig naman ni Laurenne ang kanyang ulo sa dibdib ni Maynard. “Gusto rin kita, Maynard.” Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa kanyang pag-amin. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg ni Maynard at tumingala sa binata. “M

