Walang nagbabawi ng tingin at walang nagsasalita kina Laurenne at Maynard. Pero hindi nakatiis ang una. “Bakit, Maynard? Why don't we just do it and get it over with?” mapangahas na tanong ni Laurenne. Tumaas ang kilay ni Maynard. Hindi pa ito nakakasagot pero muling nagsalita si Laurenne. “Sige, subukan mo lang i-deny na hindi mo alam ang ibig kong sabihin, tatamaan ka sa akin,” pagbabanta ni Laurenne nang hindi pa rin sumagot ang binata. “Ahm... Pwede bang liwanagin lang natin... kung... kung ano ʼyong... it?” pag-aatubiling sagot ni Maynard. “Do you mean, go to bed? ʼYon ba ang ibig mong sabihin?” pagkaklaro nito. Nanlaki naman ang mata ni Laurenne. “Ha! Anong go to bed ka dʼyan! With you?” habol ang hiningang ulit ni Laurenne. “H-hindi mo pa nga ako hinahalikan! That's what I'm

