Nagkunwaring nagbabasa ng files si Maynard habang wala si Laurenne. Pero ni isa sa kanyang binasa ay walang pumasok sa utak niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa CDs na binigay ni Laurenne. A very special and thoughtful gift. Ang tagal ko ng gustong mag-collect ng mga album na ito. At ngayon eto na, salamat sa generosity ni Laurenne. Parang alam na alam niya kung ano ang makapagpapasaya sa akin. Huminga siya ng malalim. Nang bumalik na si Laurenne ay nabasag ang katahimikan. Naisip ni Maynard na sa isang banda, si Laurenne ang nagpapagaan ng atmosphere sa opisina. Masaya itong kasama. Halos lahat ng tao sa opisina ay kakuwentuhan na niya. Madaling pakisamahan at walang kaere-ere sa katawan. Parang hindi niya alam na napakaganda niya at balingkinitan ang hubog ng katawan. Pinagmasdan

