Hindi makapaniwala si Troy sa ginawa ni Laurenne. Iiling-iling na lang ang Detective nang lumabas ang dalaga. Humarap ito kay Maynard. “Wow! Okay talaga si Manzano, magaling ng police, ang sweet pa! Kaya kung gusto mo siya, aba kilos-kilos, Santiago! Baka maunahan ka pa ng iba.” “Kagaya mo, Troy?” Inis na tanong niya dito. Siya pa talaga ang hinalikan? Mistletoe lang pala ang dapat kong hawakan! “May tama ka!” Tumawa si Troy ng malakas. “Ano pa ba naman ang hahanapin niya sa isang tulad ko? Mahigit na akong kuwarenta, may asawa at dalawang anak, plus may hinuhulugan pa akong bahay at lupa. Saan ka pa? Para siyang tumama sa lotto!” Tinapik niya sa balikat si Maynard. “Alam mo, ikaw ang gusto niya, Pare. Kung pagmamasdan mo lang ʼyong brown eyes niya, iba ang tingin sa ʼyo, aba--” “Gray

