Hindi pa rin maintindihan ni Laurenne ang gustong mangyari ni Maynard. Tutol siya na sabihin kay Sergeant Pascual ang tungkol sa kanila. “Pagkatapos ng nangyari sa atin kagabi--” Gusto pa rin niyang kumbinsihin si Maynard na huwag na lang ituloy ang binabalak. Ngunit nagsisimula pa lang siya ay pinigilan na siya nito. “Mahal mo ako, I should know,” pigil ni Maynard sa sasabihin pa ni Laurenne. “Pinatunayan mo ʼyan sa akin kagabi. You're acting like my lover, not my partner. We can't just switch it on or off, Laurenne,” giit pa rin niya. Mabilis naman siyang sinagot ni Laurenne. “Nangyari rin naman ang ganitong sitwasyon kay Levy Ann nang makipag-date siya kay Jake. Si Jake ang Head Doctor sa department kung saan isa si Levy Ann sa mga nurses. Pinag-usapan sila, pero hindi nila pinans

