bc

Play, Pause, Rewind

book_age16+
543
FOLLOW
2.6K
READ
student
lighthearted
straight
witty
male lead
multi-character
magical world
kingdom building
war
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Sinong mag-aakala na ang isang lumang kuwintas na orasan na nakita ni Tyrion ay siya pa lang susi para makapunta siya sa kabilang mundo kung saan puno ng mahika at kapangyarihan na dati ay pinapangarap lamang niya?

Nanaisin pa kaya niyang manirahan sa pinapangarap na mundo kahit na ito ang dahilan ng kaniyang kamatayan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
TYRION LANNISTER Bumuntong hininga ako ng malalim habang nakikinig sa pagtuturo ng guro sa aming harapan. Sa dami ng school papers na kailangan tapusin, nagsasawa na ko. Wala na kong time para makapaghanap ng girlfriend, gumala kasama ang mga kaibigan ko, at higit sa lahat ay manood ng paborito kong anime. Dumagdag pa ang pagiging working student ko. Dahil sa taas ng tuition fee ay kailangan ko pang magtrabaho para lang makapagbayad. "Mr Lannister." Naubusan kasi ako ng slot sa public school kaya napunta ako sa private. Wala rin naman kasi gaanong eskwelahan na mayroon ang gusto kong kurso na BS criminology. "Mr Lannister." Sa sobrang antok ko ngayon ay pumipikit-pikit na ko habang nakapalumbaba at nakatingin sa unahan. "Mr Lannister!" Nagising bigla ang diwa ko nang dumagundong sa buong classroom ang boses ng teacher naming terror na si Ms Capiccino. Hindi ko na nga namalayan na napatayo na rin pala ko dahil sa bigla. "Y-Yes po, Ma'am." Narinig ko ang mahinang tawanan ng kaklase ko sa gilid. Tsk. Kahit college student na, hindi pa rin sila na-graduate sa pagiging bully. "Why are you not answering my question? Does your presence and mind is here or just your body empty shell?" Umiling ako sa teacher ko nang makita ang makapal niyang kilay na nakataas na naman. Sa taas ng buhok niya na nakabalunbon ay mas lalo siyang naging mas nakakatakot ngayon. "I'm sorry po, Ma'am. I'm just thinking." "Thinking of what?" "Thinking about our lesson." "What is our lesson?" Natigilan ako bigla sa tanong niya. Nalintikan na ko. Ni hindi ko nga alam na siya na pala ang teacher na nagtuturo sa unahan e. "A-About social science. The history of social science, Ma'am." Muli akong nakarinig ng mahinang tawanan sa paligid. "Mister, do you even know who I am?" Napapikit ako nang may maunawaan. Hindi nga pala social science ang tinuturo ni Ma'am kundi tungkol sa arts. Hindi ako sumagot dahil alam kong mas lalo lang magagalit sa akin ang teacher kapag may mali pa kong nasabi. P'wede ko kayang ikatuwiran na wala akong alam kasi working student ako? Napailing ako sa naisip. Malamang ay mas lalo lang akong maaalaska ng teacher ko at pagtatawanan na naman ako ng mga kaklase ko. Inangat ko ang paningin ko dahil parang naging mas tahimik ang paligid. Napakagat na lang ako sa aking labi nang mapansin na nakatingin na pala sa akin lahat pati na ang teacher ko. "What are you doing? You know what to do, right? Get out!" "O-Okay po, Ma'am." Kinuha ko ang aking bag at mabilis na lumabas ng classroom. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa hiya at kaba. Pagkalabas ko ng classroom at napabuntong hininga na naman ako. Tsk. Lagi na lang akong napapahiya sa klase. Marami namang nag-uusap at maingay sa loob, pero ako lagi ang laging nakikita ng guro namin. Palibhasa kasi ay mayayaman ang mga kaklase ko. Napailing na lang ako at naglakad papunta sa cafeteria. Hindi pa ko kumakain ng almusal dahil late na ko nakauwi galing trabaho. Napalabas na lang din ako ay kakain na lang ako sa cafeteria. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Ngayon na lang ako nagkaroon ng oras para magamit ang cellphone ko. Sa sobrang busy ko ay wala na kong oras para mag-cellphone. Naalala ko na may dinownload nga pala kong anime series noon at nasa cellphone ko pa rin kaya makakapanood ako ng anime ngayong araw. Akala ko ay tuluyan nang naging masama ang araw ko, pero may mabuti rin pa lang mangyayari. Binuksan ko ang gallery sa cellphone ko at binuksan ang mga naka-save kong videos. Napangiti ako bigla dahil makakapanood na rin ako sa wakas. Parang biglang nawala ang pagod ko. Hindi ko na nga napapansin ang ilang tao sa paligid ko. Wala na kong pakialam basta nanonood ako. Wala na rin akong pakialam kung ano na ang itsura ko habang nakangiti. Patuloy lang akong naglalakad habang nanonood, pero alam ko pa rin naman kung saan banda ako tutungo. Subalit sa kaka-cellphone ko ay tumama ang paa ko sa isang bagay at muntikan na kong matalisod. Napatigil ako sa panonood at tiningnan kung ano ang nakabangga sa 'kin. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makakita ng isang kuwintas na may malaking bilog na pendant. Mukhang luma na rin ito dahil sa kulay. Pinulot ko ito at tiningnan ng maiigi. Napataas ang isang kilay ko dahil ang inaakala kong pendat ay isa pa lang maliit na relo. "Anong ginagawa nito rito?" Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbabakasali na may taong kakadaan lang sa 'kin at nalaglag ito, pero wala naman kaya napakamot ako sa aking ulo. "Mukha pa naman itong mamahalin kahit luma. Wala naman lost and found rito sa school na p'wede kong pagdalhan ng nawawalang gamit." Tinitigan kong maigi ang hawak kong relo at mas lalong nadagdagan ang pagtataka ko. Ang bilis kasi umikot ng mga kamay ng relo. Pati ba oras ngayon ay nagmamadali na rin? Biglang nagtaasan ang balahibo ko nang hindi ko alam kung bakit. Tumingin ako ulit dahil hindi ko sigurado kung nasa earth pa ba ko o nananaginip na dahil sa antok. Nakahinga ako ng malalim dahil nasa paligid ko pa rin naman ang mga taong nakikita ko kanina. Nakakaramdam pa rin ako ng pangingilabot kaya minabuti kong itapon na lang ang hawak ko. Hindi ko rin naman maibabalik sa may-ari dahil hindi ko naman alam kung kanino ito. Pumunta ako sa gilid kung nasaan ang isang malaking puno. Yumuko ako at ilalaglag na sana ng pasimple ang hawak kong relong kuwintas nang bigla na lang umilaw ang sahig na aking tinatapakan. Kinabahan ako bigla at tatakbo na sana pero nakagat ko ang labi ko dahil hindi ko maigalaw ang aking dalawang paa. Tinitigan kong maiigi ang ilaw na nasa aking mga paa at nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil parang familiar sa akin ito. Napapikit ako nang makaramdam ako ng sobrang bigat sa aking ulo. Napaupo na nga ko dahil sa sobrang bigat. Nang mawala ang nararamdaman kong bigat ay minulat ko na ang aking mata. Literal akong napanganga dahil ang lahat ng bagay sa paligid ko ay nagbago at tila napunta ako sa isang mundo na hindi ko akalain na may katotohanan. "Totoo ba itong nakikita ko? Nasa mundo ba ko ng mahika o nang anime na paborito ko?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook