TYRION LANNISTER Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Baka kasi nananaginip lang talaga ko at ang nararamdaman kong sakit ngayon ay nasa isipan ko lang at hindi ko talaga nararamdaman. Nakita nang kaharap ko ang ginagawa ko at tumawa na naman siya ng malakas habang nakatingin sa direksiyon ko. Hindi ko na lang siya pinansin dahil abala pa rin ako sa pagpapakalma sa aking sarili. Tsk. Kailan pa kasi ako natuto na maging alerto kahit sa panaginip. Dati naman ay hindi ko agad nalalaman na nananaginip lang ako. Naging ganito lang ako nang mapunta ako sa mundong ito. "Sigurado ka ba na tatayo ka lang d'yan? Sige ka. Ikaw din naman ang mahihirapan at hindi ka na makakalabas sa panaginip mo." May parte pa rin sa pagkatao ko ang hindi naniniwala na nananaginip pa rin

