TYRION LANNISTER Pagkatapos naming mag-usap kanina ni Harold ay lumabas na kami ng space magic para magsimula ng gawin ang tinuro sa akin ni Chers kahapon. Tumingin muna ako sa paligid bago ako nagsimulang umusal ng spell dahil baka may makakita pa sa akin at maudlot pa ang aming plano. "Magsisimula na ko." Tumingin muna ako sa tatlo kong kasama isa-isa bago ko sinimulan umusal ng spell. Pinikit ko ang aking mata at pagkatapos ay hinawakan ko gamit ang kaliwa kong kamay ang kuwintas na orasan. Umusal na ko ng spell at nang matapos ay may iba't ibang lugar akong nakita. Hindi ito itsura ng eksaktong lugar. Para lang itong draft ng mga engineer kapag nagdedesenyo sila ng isang bahay. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko dahil wala akong maintindihan sa nakikita ko. H

