TYRION LANNISTER 'Hindi ba ay hindi naman kayo nakikita ng mga kalaban? Subukan n'yong umatake sa mga kalaban hangga't hindi pa kayo napapansin ng mga kalaban.' Pasimpleng tumango sa akin 'yong tatlo pagkatapos nilang marinig ang aking salita sa kanilang mga isipan para hindi makita ng mga kalaban ang pasimple naming pag-uusap. Umihip si Rhea at humangin ng malakas patungo sa direksiyon ng kalaban. Si Harold naman ay iniangat ang kaniyang kamay at umulan ng snow sa direksiyon ng kalaban. Si Chers naman ay umikot at tumuro sa direksiyon ng kalaban. Habang patungo sa direksiyon nila ang kapangyarihan ng kalaban ay ginawa ko namang pain ang sarili ko para mapunta sa akin ang atensiyon ng kalaban. Batid kasi naming lahat na hindi nakikita ng mga kalaban ang tatlo kong kasama, pero nararam

