TYRION LANNISTER Binigay ko ang mga cellphone na nagawa ko sa aking mga kasama. Muntikan pa kong matawa nang makita ko ang itsura ng mga mukha nila habang nakatingin sa hawak ko. Para silang mga bata na nananabik sa kanilang nakita. "Tyrion, paano mo nagawang umusal ng spell at nakapaglabas ng isang bagay katulad ng nakita namin sa 'yo dati?" Tinuro ni Rem ang hawak kong cellphone at gulat akong binalingan ng tingin. Bumalik ako sa aking upuan at lakas-loob na ngumiti sa kanila. "Hindi na mahalaga kung paano ko napalabas ang bagay na 'to. Ang importante ay maituturo ko na sa inyo kung paano gagamitin ang bagay na 'to." Sinubukan kong buksan ang system ng isang cellphone na pinalabas ko. Magsasalita na sana ulit ako sa kanila, pero pare-pareho kaming natigilan nang may bigla na la

