REM "Alam mo ba kung saan dito ang dagat na tinutukoy mo, Rem?" Bago ako sumagot sa tanong ni David ay inalala ko muna ang dagat na nakita ko rito nang bata pa ko. Akala ko dati ay puro bato lang makikita ko bayan na 'to, pero hindi pala dahil pinakita sa akin ng mga magulang ko noon na may dagat pala sa bayan na 'to. "Hindi ko na mas'yadong maalala dahil bata pa ko noon nang pumunta ako rito, pero makakakita ako ng palatandaan ay baka matandaan ko pa." Isang tango ang tinugon sa akin ng dalawa. "Pupuntahan ba na 'tin?" Tumango lang ulit sila sa akin, pero sa pagkakataon na 'to ay ngumiti sa akin si David. Parang nalalasahan ko lagi ang tamis sa tuwing nakikita kong ngumingiti sa akin si David. Pakiramdam ko tuloy ay humihinto bigla ang oras ko sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni

