TYRION LANNISTER Hindi ako sumagot agad sa mga sinasabi ng tatlo kong kasama dahil may iba akong iniisip ngayon. Nakumpirma ko kasi sa prinsipe na hindi pa siya lalabas kaya hindi ko tuloy alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. "Itigil na muna na 'tin ang paghahanap sa prinsipe. Mapapagod lang tayo sa kakahanap sa kaniya dahil wala pa naman siyang balak magpakita." Natigilan ang mga kasama ko dahil sa aking sinabi. Pagkatapos ay nagtataka pa nila kong tinitigan. Ako naman ay bumuntong hininga lang ng malalim at saka tumayo. Inunat ko ang aking dalawang kamay at tumalon-tumalon dahil tatlong araw din akong nakahiga lang sa lupa. "T-Tyrion, anong ibig mong sabihin na walang balak magpakita sa atin ang prinsipe? Totoo ba ang sinabi mo?" Tumango ako kay Rhea at tinitigan ang nag-aal

