TYRION LANNISTER Pagkamulat ng aking mata ay mukha agad nina Aurora at Rex ang nakita ko. Parehong nag-aalala ang expression ng mukha nila habang nakatingin sila sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang habang nakatingin sila sa akin. Naalala ko kasi 'yong mga salita na sinabi ko sa kanila. Nang magkasalubong ang mga mata namin ni Aurora ay agad akong umiwas ng tingin. Sinubukan kong tumayo kahit na med'yo masakit pa rin ang katawan ko. Pagkatapos ay med'yo lumayo ako sa kanila dahil sobrang lapit nila sa akin. Binalikan ko ang mga nangyari sa akin kanina. Kahit saan banda ko halukatin sa aking memorya ang lahat ng nangyari ay wala akong maalala na nakarating ako rito pabalik kila Aurora. Wala rin akong alaala na ginamit ko ang kuwintas na orasan sa huling pagkakataon. Isa pa, bakit pa

