TYRION LANNISTER Naglakad ulit kami ng mga kasamahan ko pati si Rhea na nakasunod lang sa amin. May ilang higante kaming nakakasalubong, pero binabati lang kami nito at pagkatapos ay hindi na kami pinapakialaman ng mga higante. "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa aking mga kasama habang umiinom ng tubig na dala ko kanina pa. Hindi ko na kinalimutan magdala ng tubig dahil madali akong magutom. Umiinom na lang ako ng tubig kapag sa tingin ko ay nakakaramdam na ko ng uhaw. Samantala, huminto kami sa paglalakad nang may madaanan kaming isang tumpok ng lupa. Tinitigan ito ng mga kasamahan ko habang ako naman ay nagsalubong ang dalawang kilay dahil sa pagtataka. Una, nalaman kong mga higante pala ang naninirahan sa bayan na 'to at ngayon naman ay may nakita kaming lupa na paran

