Chapter 96

1021 Words

TYRION LANNISTER Kinabukasan na nagkaroon ng malay si David. Pagkagising niya ay tila wala siyang alam sa nangyari at palinga-linga siya sa kaniyang paligid. "David, ayos ka lang ba? Nakikilala mo na ba kami?" Nagsalubong ang dalawang kilay ni David sa pagtataka dahil sa tanong ni Rex sa kaniya. "Bakit? Ano ba ang nangyari? Pasensiya na. Wala akong naaalala simula nang pumasok tayo sa bayan. May nangyari bang hindi maganda?" Nagkatinginan kaming lahat dahil sa tanong ni David. Sabi na hindi niya maaalala ang nangyari kahapon. "Nagpakita si Jade." Nabaling naman ang atensiyon namin sa direksiyon ni Aurora. Akala ko ay nais niyang itago kay David ang lahat ng nangyari kahapon, pero hindi pala. Tahimik na lang kaming naghintay sa susunod na sasabihin ni Aurora. Si David naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD