TYRION LANNISTER "Tyrion, nakakabigla. Ngayon lang kita nakita na parang nananabik sa pagkain." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Rem malapit sa aking mukha. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil sa bigla. Hindi ko kasi alam na malapit lang pala si Rem sa direksiyon ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang magkasalubong ang aming mga mata. Isang mahinang tawa naman ang narinig ko mula sa kaniya. "H-Hindi ako nananabik. Natuwa lang ako sa nakita kong pagkain. Tss." "Parang gano'n na rin 'yon, hindi ba?" Nanliit ang mata ko nang muli kong marinig ang tawa ni Rem. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Hindi nga. Natuwa lang ako dahil nakakita ako ng pagkain na katulad ng kinakain ko sa mundong pinagmulan ko." Tumango sa akin si Rem. Yung mga kasamahan nam

