Chapter 102

1012 Words

TYRION LANNISTER Pagkabalik ni Harold sa amin ay may dala na siyang isang balot ng prutas. Hindi na ko namili ng makakain dahil gano'n din naman. Baka mas lalo lang akong magutom kapag nag-inarte pa ko. Tsk. Tumingin siya sa direksiyon ko at nilapag niya ang isang balot ng prutas sa aking harapan. Pagkatapos ay umupo na si Harold sa aking tabi. "Ano nga ulit ang pangalan ng hinahanap na 'ting tao?" tanong bigla ni Harold sa akin. Lumingon ako sa direksyon ni Harold at sinagot ang kaniyang tanong. "Jade ang pangalan niya. Bakit? Nakita mo na ba siya?" Mabilis na umiling sa akin si Harold bago niya pinagpatuloy ang kaniyang pananalita kanina. "Hindi, pero kanina ko pa kasi nararamdaman na may sumusunod sa atin. Hindi ko lang pinapaalam dahil ayaw kong magambala ang 'yong damdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD