TYRION LANNISTER Nang matagumpay kong nakuha ang isang bagay na sinasabi ng mga kasamahan ko ay agad akong tumingin sa aking likod tawagin sila. "David! Rex! Kuhanin n'yo ang bagay na 'to sa mga higante! Ito ang bagay na hinahanap na 'tin!" Nang una ay hindi agad kumilos ang dalawa na tinawag ko dahil pinoproseso pa nila sa kanilang isipan ang binanggit ko, pero pagkalipas din ng ilang minuto ay agad silang pumunta sa aking direksiyon para gawin ang aking sinabi. Naghiwa-hiwalay kaming tatlo para magtungo sa iba't ibang higante upang kunin ang bagay na hinahanap namin. Hindi ko pa sigurado kung tama ang hinala ko sa bagay na 'to, pero maigi na rin na makakuha kami nito kaysa naman magsisi kami sa huli dahil hindi kami nakakuha. Isa pa, sinabi nila na ang bagay na kailangan namin a

