TYRION LANNISTER Patuloy pa rin ako sa paglutang sa ere hanggang sa unti-onti akong dinala ni Vlamir sa ulap na inuupuan niya. Binaba niya ko roon. Akala ko ay malalaglag pa ko dahil parang wala naman akong inaapakan at ang lambot sa pakiramdam ng ulap, pero unti-onti ay nasanay na rin ang mga paa ko. Nagsimulang umandar ang sinasakyan naming ulap. Sina Aurora at Rex ay nakita kong nakasakay na rin sa kanilang mga walis at sinundan kami ni Vlamir. Gano'n pa man, parang hindi man lang natinag si Vlamir at patuloy pa rin siya sa pag-andar at hindi man lang bumibilis ang pag-andar namin. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Hindi na ko nagpumiglas sa kaniya dahil alam ko na mas lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon ko. Sinubukan akong kuhanin ni Aurora nang maabut

