“Kumusta na ang Mommy mo, Jayden?” Pagkatapos ko kumain ay agad akong pumunta sa office ni Dad. Nakapalibot sa buong paligid ang aming mga tauhan. May mga kapit na baril ang mga ito. Kailangang magdamag kaming magbantay upang hindi makapasok ang mga kalaban sa aming mansiyon. “Tulog na siya,” sagot ko sa aking Ama habang nakatingin sa mga nakalatag na iba’t ibang mga baril sa malaking lamesa. Mukhang mga bago pa ang mga ito. Ang iba ay ngayon ko lang nakita, siguro ay mga bagong labas na armas. Wala rin akong naalala na nagdala kami ng baril dito sa mansiyon. “Pinadala ko ang mga ito kung sakali man na pumunta tayo rito,” sabi niya, nabasa agad ang aking nasa isip. “Kumuha ka na, Jayden. Kailan nating magbantay dito.” Tumango ako sa kaniya saka tiningnan lahat ang mga ito. Halatang m

