Hope's Pov: Halos limang minuto na akong nasa harapan ng malaking pintuan ng mansion ni lolo, pero hindi ko man lamang maigalaw ang mga kamay ko para buksan ito. Ngayon lamang ulit ako tutungtong sa pamamahay ni lolo sa tinagaltagal na panahong pinilit kong kalimutan ang kabuuan ng bahay na ito. Hindi ko alam kung tama bang dito ako magpunta. Wala rin akong mukhang maihaharap kay lolo. Sa pangalawang pagkakataon binigo ko na naman siya. At sa pagkakataong ito hindi ko na alam kung paano ko pa ipapaliwanag sa kaniya ang lahat, saan ko sisimulan sa pagsasabi ng katotohanan? Pano ko sasabihin gayong alam kong may sakit siya. Ginawa ko ang lahat ng yun para kay lolo pero bakit sa huli ako pa yata ang magiging dahilan sa oras na malaman niya ang buong katotohanan. Napabuga ako sa hangin, b

