Hope's Pov: Halos isang minuto ko nang tinitigan ang kabuuan ng bahay na tu pagkapasok namin ni Vleice sa gate, Simpleng bahay na minsang nagbigay saya sakin. Sayang nga lang at magiging isang alaala na lamang ang itsura ng bahay na ito sa buhay ko. Ang simpleng bahay na siyang nagsilbing kanlungan namin ni Tristan sa pagiging aso't pusa naming dalawa. Napabuga ako sa hangin, handa na ba talaga akong kalimutan na lang ito? Handa na ba talaga akong mag simula ulit? Pero paano ko gagawin yun? " Hope ! Malapit ng magtanghalian." Pukaw na saad nitong si Vleice. Oo nga pala, kailangan ko ng maimpake ang mga gamit ko sa lalong madaling oras bago pa makarating si Tristan. " Hope." ulit nitong sambit sa pangalan ko. " Hmm !" Sagot ko sabay tingin sa kaniya. " Sa tingin ko may tao ang bahay

