Hope's Pov: Nagpumilit akong makalabas sa ospital kay Vleice kanina para dumiretso sa bahay at para sabihin na kay Tristan ang buo talagang katotohanan. Ayaw ko ng patagalin pa ang mga araw, gusto ko ng sabihin sa kaniya lahat lahat, pati ang pagiging tatay niya na. Pero mukhang ako ang nagulat sa nadatnan ko dahilan para mahulog ng tuluyan ang bote ng tubig na hawak hawak ko. Hindi ko alam pero parang may kung anong kidlat na tumama sa puso ko. " Fe-Faith?" Kunot noo ko, bakit nandito sya? Nalilito man ako, marami mang mga katanungan sa isip ko ang mahalaga nasa harapan ko siya ngayon, nasa harapan ko si Faith para matulungan niya ko na ipaliwanag kay Tristan ang buong katotohanan. Alam kong pag si Faith ang mag sabi maniniwala na siya sa akin. " Hope?" saad niya sabay tingin kay Tr

