Tristan's Pov: Napapakunot noo ako habang tinititigan ang phone ni Hope na naiwan niya simula ng araw na nabisto ko siya, dalawang araw ng di siya bumabalik, pero wala akong pakialam sa kaniya. Siguro natakot lang yun sa ginawa kaya nagmadaling umalis? O baka naman nag papalamig lang tapos mag iisip na din kung paano ulit ako mapapaikot. Isa pa babalik at babalik yun dahil lahat ng gamit niya nasa pamamahay na tu ultimo wallet nasa sa akin at phone niya kaya maghintay ka lang Tristan may anino din niyang lilitaw dyan sa harapan mo. Tsk ! Sayang ! Sayang nga lang yung panahong pinagkatiwala ko sa kaniya ang lahat. Di bale, hindi naman siya pababayaan ng karma. Napabuga ako sa hangin saka dinampot ang isang bote ng alak na nasa harapan ko saka tinunnga. Hindi ko lubos maisip kung bakit ni

