Vleice Pov: Palabas na sana ako para sana bumili ng makakain ni Hope pagka gising na siya ng bigla akong mapalingon sa kinahihigaan niya ng marinig ko siyang nagsasalita habang nakapikit ngunit nakakunot noo. " Hindi .. Hindi ako manloloko, hindi ako sinungaling. Hindi !" " Hindi Tristan, hindi kita niloko, hindi ako nagsinungaling." " Hope ! Hope !" Tapik ko sa balikat niya hanggang sa maramdaman kong tila kumalma na siya at dahan dahang idinidilat ang mga mata. " Hope ! " Bahagya naman siyang napatitig sa akin na tila ba kinakabisa pa ang itsura ko upang makilala. Hope ako tuh, si Vleice. " Vle--Vleice?" Malumanay niyang sagot dahilan para mapatango ako ng tatlong beses. " Oh thanks God !" Sambit ko. " Nas--nasaan ako?" tanong niya habang pinapalibot ang tingin sa kapaligiran.

