Discovery

2851 Words
Lewis’s POV Sa harap ng salamin, tinitigan ko ang sarili ko. Simple lang ang suot ko—isang puting polo shirt at dark jeans. Walang makakapagsabing ako ang may-ari ng ilang malalaking negosyo dito sa Pilipinas. Pero ayos lang iyon sa akin. Ayokong maging sentro ng atensyon. Ayoko ng komplikasyon. “Lewis, bakit ba lagi kang ganyan kaseryoso? Hindi ka ba napapagod na maging boring?” tanong ni Noah, ang matalik kong kaibigan, sabay pasok sa opisina ko nang hindi man lang kumakatok. Umupo siya sa sofa na para bang bahay niya ito. “I’m not boring. I’m just... practical,” sagot ko habang isinusukbit ang relo ko. “Practical? Dude, secret billionaire ka, pero mas mukha ka pang accountant kaysa business tycoon. Kailan mo balak mag-level up? Wala ka bang balak i-enjoy ang yaman mo?” Napailing ako. Ganito talaga si Noah—walang preno ang bibig. “Hindi lahat ng tao katulad mo, Noah. Hindi ko kailangang ipakita sa mundo na mayaman ako para lang maging masaya,” sagot ko habang inaayos ang mga papeles sa mesa. Tumawa siya nang malakas. “Masaya? Ikaw? Kailan ka pa naging masaya? I swear, Lewis, you need a life. Literal!. Lumapit ako sa bintana ng opisina ko at tumingin sa labas. Tanaw ko ang malawak na syudad, puno ng ilaw at ingay. Sa likod ng mga gusaling iyon, may mga tao ring nagtatago ng sarili nilang mga kwento—katulad ko. “Hindi mo ba naiisip na napaka-ironic ng buhay mo? May-ari ka ng isang university, pero mas bihira ka pang pumunta doon kaysa sa moon,” biro ulit ni Noah habang nakataas ang paa sa sofa. “May tiwala ako sa management team ko. Besides, kaya ko nga sila kinuha, para hindi ko kailangang asikasuhin ang mga maliliit na bagay,” sagot ko, tinutulak ang usapan sa mas seryosong direksyon. “Small things? Dude, it’s your university. Hindi ka man lang curious sa mga estudyante mo?” Umupo ako paharap kay Noah at seryosong tiningnan siya. “It’s not about curiosity. It’s about efficiency. Alam ko ang priorities ko.” Nag-ring ang phone ko. Si Celeste, ang kapatid ko, ang tumatawag. “Lewis, are you coming to dinner tonight?” tanong niya. “Yes, Celeste. I’ll be there. Maaga akong aalis sa opisina.” “Good. Don’t forget, 7 PM. And please, don’t be late like last time.” Tumawa ako nang mahina. “Alright. See you later.” Pagkatapos kong ibaba ang tawag, nakatingin lang si Noah sa akin, mukhang may iniisip. “What?” tanong ko. “You’re a good brother. But seriously, when will you take care of yourself? You spend too much time working and making sure everyone else is okay. What about you?” Hindi ko alam kung seryoso siya o nagbibiro lang. Pero totoo ang sinabi niya. Sa dami ng inaasikaso ko—mga negosyo, mga empleyado, pamilya—parang wala na akong oras para sa sarili ko. Pero ganoon talaga. May mga bagay na kailangan unahin. Bago ako umuwi para sa family dinner, dumaan muna ako sa isa sa mga restaurant na pagmamay-ari ko. Simple lang ang lugar na ito, pero ito ang isa sa pinaka-paborito kong puntahan. Wala halos nakakakilala sa akin dito, kaya nakakaramdam ako ng normalcy. Habang umiinom ng kape sa isang sulok, nakita ko ang manager na si Vivian. “Good evening, Mr. Tria. Hindi niyo po sinabi na dadalaw kayo,” bati niya. “I’m just checking in. How’s everything here?” “Everything’s good, Sir. We’ve been getting a lot of customers lately.” “Good. Keep it up,” sagot ko, sabay bigay ng isang maliit na ngiti. Si Vivian ang isa sa mga empleyado kong laging maaasahan. Alam niyang hindi ko gusto ng labis na pormalidad, kaya nasanay na siyang kausapin ako nang diretsahan. Pagdating ng gabi, nasa bahay na ako ng kapatid ko. Kumpleto ang pamilya namin—si Celeste, ang asawa niyang si Daniel, at ang dalawa nilang anak. “Uncle Lewis!” sigaw ng panganay nilang anak na si Mia habang tumatakbo papalapit sa akin. “Hey, Mia! How’s school?” tanong ko habang binubuhat siya. “It’s fun! We’re learning about planets,” sagot niya nang may excitement. “Good. Remember, study hard and always ask questions, okay?” “Yes, Uncle Lewis!” Habang kumakain kami, hindi maiwasan ni Celeste na kulitin ako. “So, kuya, kailan ka naman mag-aasawa?” tanong niya bigla. Tumawa si Daniel. “Oo nga, Lewis. You’re not getting any younger.” Napailing ako. “Can we please not talk about that?” “Why not? You’re 39. Don’t you want a family of your own?” Tumahimik ako sandali. Totoo, minsan naiisip ko rin iyon. Pero paano ko hahatiin ang oras ko kung halos wala na nga akong oras para sa sarili ko? “Maybe someday,” sagot ko bang matipid. “Someday, huh? Well, I hope that someday comes soon,” sabi ni Celeste habang nakangiti. Pagkatapos ng dinner, naupo ako sa veranda kasama si Noah, na sinama ni Celeste dahil alam niyang bored na bored ako sa mga usapan sa loob. “So, what’s next for the great Lewis Tria?” tanong niya habang iniinom ang wine na galing sa koleksyon ko. “Work. What else?” sagot ko. “Dude, you need more than work. You need someone to share your life with.” “Here we go again,” buntong-hininga ko. “I’m serious. Alam mo kung anong problema mo? Takot kang maging vulnerable. Takot kang masaktan.” Tumawa ako, pero hindi ko siya sinagot. Siguro tama siya. O baka lang hindi ko pa talaga natatagpuan ang tamang tao. Pag-uwi ko ng bahay, naupo ako sa study ko at binuksan ang laptop. Tiningnan ko ang latest financial reports mula sa mga negosyo ko. Pero habang nagbabasa, hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Noah at Celeste. Paano nga ba kung maglaan ako ng oras para sa sarili ko? Para hanapin ang “happiness” na sinasabi nila? Pero paano kung hindi iyon para sa akin? Tumitig ako sa screen ng laptop. Sa mga numerong nagpapakita ng tagumpay. Pero sa likod ng lahat ng ito, nararamdaman kong may kulang. Hindi ko alam kung ano. O sino. Pero sa ngayon, sapat na ang trabaho. Sapat na ang kontrol. Hanggang sa araw na magbago ang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero palagi akong bumabalik sa restaurant na iyon. It’s not the food—kahit masarap ang mga pasta nila. It’s not the ambiance either—maingay minsan, lalo na kung peak hours. Pero may isang bagay na laging humihila sa akin pabalik. Pagpasok ko, gaya ng dati, walang nakakakilala sa akin. Isang ordinaryong customer sa mata ng lahat. At gusto ko iyon. Ayoko ng komplikasyon, ayoko ng atensyon. Sapat nang alam kong may kapangyarihan akong hawakan ang buhay na ito nang pribado. Minsan, gusto kong isipin na isa akong simpleng tao lang. Walang pressure, walang matataas na expectation. Naupo ako sa paborito kong mesa sa sulok, malapit sa bintana. Binuksan ko ang menu kahit pa kabisado ko na ito. Habang nagbabasa, napansin ko siya—ang waitress na laging nagdadala ng order ko. Her name tag read Rachell. Lagi niyang itinatali ang mahaba niyang buhok kapag nagtatrabaho, pero may mga hibla pa rin na tumatakas, bumabagsak sa gilid ng mukha niya. Maamo ang mukha niya, parang wala siyang alam sa bigat ng mundo. Pero sa mga mata niya, may nakikita akong kung ano—pagnanasa para sa mas mataas na bagay. Pangarap. Nakatayo siya sa counter, may hawak na tray, habang kinakausap ang mga kasamahan niya. Tahimik kong pinagmasdan siya mula sa mesa ko, nagtataka kung bakit tila pamilyar ang kilos niya. “Dude, ano ba ‘yang iniisip mo? Kanina pa ako nagsasalita, pero wala kang naririnig,” boses ni Noah habang umupo siya sa harap ko, bitbit ang dalawang tasa ng kape. Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. “What are you doing here?” “Bakit? Exclusive ba ang table na ‘to?” pabirong tanong niya habang pinapagitna ang mga tasa sa mesa. “I’m working,” sagot ko nang malamig. “Working? Yeah, sure. Sinong niloloko mo? Kanina pa ako nandito, and you’ve been staring at that waitress like she’s the most interesting thing in the world.” “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” tanggi ko, pero ramdam ko ang init sa mukha ko. Tumawa nang mahina si Noah. “Lewis, it’s me. Your best friend. Hindi mo ‘ko pwedeng lokohin. Sino siya?” Wala akong sagot. It’s not like I knew her personally. But there was something about her that kept pulling me back to this place. “Good evening, Sir. Are you ready to order?” Halos matapon ko ang iniinom kong tubig nang bigla siyang tumayo sa harap ko. Si Rachell. “Yes,” sagot ko, pilit nilalabanan ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. “I’ll have the usual.” Ngumiti siya, pero tila pormal. “Noted, Sir. Anything else?” “That’s all,” sagot ko nang maikli. Tumango siya at umalis, dala ang tray niya. Nang mawala siya sa paningin ko, huminga ako nang malalim. “Wow. Smooth move, Mr. Secret Billionaire,” asar ni Noah habang iniinom ang kape niya. “Can you not?” iritadong sagot ko. “Lewis, seriously. Bakit hindi mo siya kausapin? Alam mo, it wouldn’t kill you to act human once in a while.” “I’m fine, Noah. And stop acting like you know what’s best for me.” Umiling lang siya at tumawa. “Alright, man. But don’t come crying to me when you realize you let an interesting person walk away.” Habang hinihintay ko ang order ko, bumalik ang mga mata ko kay Rachell. Sa bawat galaw niya, makikita mong sanay na siya sa trabaho. Hindi siya nababahala kahit gaano ka-busy ang restaurant. Pero may kung anong bigat sa mga mata niya, kahit na laging may ngiti sa kanyang mukha. “Interesting, isn’t she?” sabi ulit ni Noah, pero seryoso na ngayon ang tono. “Who?” tanong ko, pilit nililihis ang usapan. “Rachell. I saw her name tag. You’ve been coming here for weeks, pero hindi mo man lang tinangka na makilala siya.” “And why would I?” sagot ko, pilit na parang walang pakialam. “Because she seems... different. At ikaw, Lewis, kailangan mo ng bago sa buhay mo.” Pagbalik ni Rachell para ihatid ang order ko, tahimik lang ako. Pero hindi ko maiwasang pansinin ang mga kamay niya—magaspang na tila sanay sa trabaho. “Here’s your order, Sir. Enjoy your meal,” sabi niya, na may kasamang pormal na ngiti. “Thank you,” sagot ko, halos hindi siya matingnan nang diretso. Pag-alis niya, nagsalita ulit si Noah. “Dude, this is getting painful to watch.” “Stop it, Noah.” “Fine, fine. But promise me one thing.” “What?” tanong ko, wala sa mood para sa drama niya. “Promise me you’ll at least say something real to her next time.” Pag-uwi ko ng bahay, tahimik akong naupo sa study ko, iniisip ang sinabi ni Noah. Ano nga ba ang pumipigil sa akin? Wala namang masama kung makilala ko siya, ‘di ba? Pero ano naman ang sasabihin ko? Sa buhay ko, sanay ako sa kontrol. Ako ang may hawak ng lahat. Pero sa tuwing nakikita ko si Rachell, parang may kung anong gumugulo sa isip ko—isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Tumitig ako sa bintana, iniisip kung anong klaseng buhay ang meron siya. Ano ang mga pangarap niya? Ano ang mga hinaharap niyang problema? “Maybe next time,” bulong ko sa sarili ko. Makalipas ang ilang araw, bumalik ulit ako sa restaurant. Pagpasok ko, nakita ko siyang abala na naman sa trabaho. This time, I promised myself one thing. “I’ll say something real.” Nasa sulok ulit ako ng paborito kong mesa. Ang lamig ng kape ko sa harap, pero wala akong balak inumin. Sa labas ng bintana, tanaw ko ang mga ilaw ng syudad. Pero kahit gaano ito kaaliwalas, tila mas malinaw pa ang imahe niya sa isip ko—si Rachell. It’s not like me to fixate on someone, lalo na kung halos wala akong alam tungkol sa kanila. Pero sa tuwing bumabalik ako dito, siya ang hinahanap ng mga mata ko. Minsan, nararamdaman ko ang sarili kong nagiging mapangmatyag—isang ugali na hindi ko naman ginagawa noon. “Pang-ilang kape mo na ‘yan?” tanong ni Noah, sabay lapag ng sarili niyang tasa sa mesa ko. Wala siyang pakialam kung inimbita ko siya o hindi. “First,” sagot ko nang hindi siya nililingon. “Wow, progress. Usually, you don’t even drink it. Pero seryoso, dude, ano ba ang meron sa lugar na ‘to?” “You wouldn’t understand.” “Let me guess. It’s not the food, hindi rin ambiance. Hmm…” Nagkunwaring nag-isip si Noah. “Wait, don’t tell me. It’s her, isn’t it?” Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. “Can you stop?” “Stop what? Calling you out? Lewis, you’ve been coming here regularly for weeks. Kung hindi pa obvious, medyo stalker vibes na ‘to.” “I’m not stalking anyone.” “Oh, sure. Pero bakit siya lang ang pinapansin mo dito? Do you even know her name?” “Rachell.” Tumigil siya sa pag-inom ng kape at tinitigan ako. “You know her name? Impressive.” “Shut up, Noah.” Habang nag-uusap kami, muling lumapit si Rachell sa mesa ko para kunin ang natitirang tasa. Ngumiti siya nang magalang. “Is there anything else you’d like, Sir?” “No, I’m good,” sagot ko, pilit na maayos ang tono ko. “Alright. Let me know if you need anything,” sabi niya, at naglakad papunta sa ibang mesa. Tahimik akong nagmasid, pero nang bumalik ang tingin ko kay Noah, abot-tainga ang ngiti niya. “Wow. That was painful to watch,” sabi niya. “What’s painful?” “You. Talking to her. It’s like watching a robot malfunction.” “Thanks for the vote of confidence,” iritadong sagot ko. “Lewis, seriously. Bakit hindi mo siya kausapin nang maayos? I mean, hindi ba mas okay na makilala mo siya kaysa maghintay lang na mapansin niya ka?” “Hindi ito ganoon kasimple, Noah. Hindi lahat ng tao kailangan kong makilala.” Tumawa siya. “Sabi ng lalaking hindi makaalis dito dahil sa isang waitress. Ano ba’ng kinakatakutan mo? Na malaman niya kung sino ka talaga?” Tahimik akong napaisip. Totoo, iyon ang isa sa mga dahilan. Kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ko, magbabago ba ang tingin niya sa akin? Magiging isa na lang ba akong mukha ng kayamanan sa paningin niya? Gusto kong isipin na kaya kong makilala siya nang hindi nadadala ang bigat ng pagiging “Lewis Tria.” Pero paano ko sisimulan? Pagkalipas ng ilang araw, nagdesisyon akong subukan. Dumating ako nang mas maaga kaysa dati at naupo sa parehong mesa. Habang inaayos niya ang tray sa kabilang dulo ng restaurant, hindi ko maiwasang pansinin ang kanyang sigasig. Lahat ng ginagawa niya ay tila laging may layunin—parang wala siyang gustong sayangin na oras. Lumapit siya ulit sa akin. “Good evening, Sir. The usual?” “No, I’ll try something new today,” sagot ko, nagulat sa sarili kong sinabi. Nagtaas siya ng kilay, pero ngumiti. “What would you like to try, Sir?” “Surprise me,” sagot ko. Tumango siya. “Alright, Sir. I’ll bring you something special.” Habang hinihintay ko ang order, dumating si Noah nang hindi ko inaasahan. “Of course, you’re here,” sabi niya habang umupo. “This is becoming a habit, isn’t it?” tanong ko, sinasabayan ang tono niya. “You tell me. Pero seryoso, ano na? Did you finally talk to her like a normal human being?” “I’m trying.” “No way! This I have to see,” sabi niya, mukhang excited. Nang bumalik si Rachell dala ang order ko, may kasamang inumin ito na hindi ko kilala. “Here you go, Sir. I hope you like it,” sabi niya habang inilalapag ang pagkain at inumin. “Thank you. Ano ito?” tanong ko, tinuturo ang inumin. “It’s an iced caramel macchiato. One of my favorites,” sagot niya, bahagyang ngumiti. Ngumiti ako pabalik. “Let’s see if it becomes my favorite too.” Pag-alis niya, binalingan ako ni Noah. “Wow, that was… almost charming.” “Shut up,” sagot ko, pero hindi ko maitanggi ang bahagyang ngiti na nakalabas sa labi ko. Sa gabing iyon, habang nag-iisa na ako sa opisina ko, iniisip ko pa rin si Rachell. Ang simpleng ngiti niya, ang paraan ng pagsasalita niya. Hindi ko alam kung ano ang meron siya, pero alam kong gusto ko siyang makilala nang higit pa. Maybe, just maybe, it’s time to take a chance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD