RACHELL POV Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan. Para akong nasa isang sitwasyon na walang tamang sagot. Ang alok ni Lewis—hindi ba’t ito ang sagot sa mga problema ko? Isang benefactor na magpapagaan ng buhay ko habang sinusubukan kong abutin ang mga pangarap ko. Pero habang tumatagal, mas nararamdaman ko ang bigat ng desisyon ko. Pagising ko kinabukasan, natagpuan ko ang sarili kong nakatitig sa kisame. Ang mga salitang binitiwan ko kay Lewis kagabi ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. "Okay, I’ll do it... but only under my terms." Ano nga ba ang terms na iyon? Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang hinihingi ko sa sarili ko. Parang kahit ano pang ilatag kong kondisyon, may bahagi sa akin na alam kong nagbigay na ako ng higit pa kaysa sa dapat. Sa klase, hirap akong mag-foc

