Blurred Lines

1732 Words

LEWIS POV Simula noong gabing iyon, unti-unting nagbago ang dynamics ng relasyon namin ni Rachell. Mula sa simpleng kasunduan na nakadikit sa layunin ng suporta at intimacy, may naramdaman akong pagbabago na hindi ko maintindihan. Para bang masyadong komportable na kami sa isa’t isa. Gabi-gabi, iniisip ko ang simpleng tanong: Is this still just an agreement, or is it something else now? Bumangon ako nang mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Sa negosyo, sanay akong laging may nakahandang plano, ngunit sa usaping ito kay Rachell, pakiramdam ko'y palaging ako ang nahuhuli. Nakaupo ako sa study table ng condo ko, tinititigan ang laptop screen habang nakabukas ang mga financial reports ng kumpanya. Pero kahit pilitin kong mag-concentrate, ang mukha ni Rachell ang nasa isip ko. Tumikhim si Ben

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD