Part-1
"anak Sigurado ka bang dun ka muna kina Lola mo?" napalingon ako kay mama nang mag salita sya.
"Oo ma, isa pa wala din namang kasama si Lola dun kaya Ako nalang muna"
"sigurado ka ah"
"Yung bilin ko sayo tandaan mo nak ha"
" Oo ma Sige na bye"
" Oh sya Sige na sumakay kana dun sa bus"
Nagising Ako ng may biglang tumapik sakin, kaya napatingin Ako kung sino.
"ay hehe ma'am andito ba Pala kayo"
napatingin Ako sa labas ng bus, maraming tricycle ang naka parada maraming ding mga tao ang iingay pa,ito siguro Yung bayan.
Pag baba ko ng bus agad sumalubong sa akin ang malamig at sariwang hangin, ang sarap sa pakiramdam.
Hay sana oll nalang hindi polluted.
"Ineng, saan ka pupunta ihahatid na kita"
Napatingin Ako sa nakitingin matanda sa harap ko.
"Um samay baranggay San Diego ho"
"Sigurado ka ba sa pupuntahan mo Ineng?" Natataka ko syang tinignan.
"Oho bakit?"
"Wala naman ineng, oh sya sige sakay na"
Tinitigan ko muna sya bago pumasok sa loob nang tricycle.
Sa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang mag salita si manong
"Ah ineng sino Yung mga kamag anak mo sa San Diego?"
"Si Amalia Santiago po Ako Yung apo nya"
"Amalia Santiago? Ang alam ko matagal ng Patay Yun"
"Ho? Buhay pa po si Lola kausap ko pa nga Yun kagabi ih hahaha" natatawa kong sambit, pano naging Patay si lola? mga tao talaga dito oh kahit di pa Patay pinapatay na.
"Sa may sityo agdawa po Ako mag papahatid manong ah"
"Oo Ineng"
*************
"ineng Hanggang dito nalang Ako, di na makakapasok ang sasakyan ko Jan"
"Sige po manong ito po Yung bayad ko"
"sundin mo lang yang daan na yan diretso, wala namang pasikot sikot papunta sa Bahay ng Lola mo"
"Aw Sige po manong Salamat"
" Walang ano man Ineng oh sya aalis nako"
Napatingin Ako sa harap ko pinapalibutan ng Puno ang daan maraming nag kalat na mga dahon ng puno.
Nagsimula nakong mag lakad, naalala ko pa Yung sinabi ni mama na wag daw Ako mag papagabi dahil dilikado daw.
Binilisan ko nang maglakad dahil malapit ng dumilim at mahaba pa ang lalakarin ko.
Hapong hapo Ako ng makarating na ko sa Bahay ni lola,pano ba naman ang layo Pala my god, ang sabi ni thirty minutes lang Yung Pala isa't kalahating Oras Pala.
Hmm luma na Pala Yung Bahay ni Lola bat di nya pina ayos?
Nang makalapit nako sa may pintuan ay kakatok na sana ako,pero biglang bumukas kaya napa atras ako.
"Apo anjan kana Pala"
"Si Lola naman di pa nga Ako kumakatok binuksan mo na, nagulat tuloy Ako"
"Hmm Sige na pumasok kana dini dahil madilim na Jan sa labas"
Namangha Ako ng pumasok Ako sa Bahay ni Lola lahat yata ng mga gamit na nandoon ay sinauna pa nga antic.
"Apo ito Pala si Dayday sya Yung katulong ko dito".
"Ang sabi mo Lola mag isa kalang? Di mo naman sinabi sakin na may kasama ka pala".
"Sinabi ko lang naman yun para pumunta ka".
"si Lola talaga"
"Dayday ihanda mo na Yung mga pagkain natin, Tara na apo kakain na Tayo,mamaya nalang natin dadalhin yang nga gamit mo sa kwarto"
"Sandali lang la di pa kita na yakap ih, payakap nga miss na miss kita la"
"Sige na nga, Miss na Miss din kita apo" tyaka niyakap Ako pabalik.
"ma'am handa na Yung pagkain"
"Sige na apo kain na Tayo"
————————
"nabusog ka ba apo?"
"syempre po Lola"
"Dali na dalhin na natin sa itaas yang mga gamit mo"
"dito Yung kwarto mo apo, may tubig din Yung cr dyan, at apo wag ka nang lalabas mamaya ng kwarto mo ha"
"bakit la?
"Basta, wag mo ding bubuksan Yung pinto pag may kakatok mamaya, naiintindihan mo ba Clarence apo?
"oo la, wala ba kayong TV dito? Ang boring ih"
"napatingin Ako sa pintuan ng walang sumagot,Luhh asan na sila?
Hayst okay hayaan nalang natin.
kinuha ko nalang yung cellphone ko para tawagan si mama.
Hala walang signal?
Pano ko tatawagan si mama neto?
Pero teka bat naka tawag samin si Lola eh wala naman palang signal dito?
Hayy hayahan mo na, matutulog nlang Ako inaantok ba kasi Ako.
___
Nalimpungatan Ako ng may biglang kumalabog sa labas ng kwarto ko,
Wait ano Oras na ba? Dali dali kung kinapa ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table alas tres palang ah.
Napabangon Ako nang may biglang malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko.
Sa lakas ng katok parang masisira Yung pinto,Sino ba to parang di naman makapag hintay.
Bubuksan ko na sana Yung pinto pero naalala ko Yung sinabi ni Lola na wag bubuksan.
Pero dahil sa ba curious Ako ide binuksan ko. Pero teka wala namang tao sa labas sino Yung kumakatok?
Baka siguro pinag lalaruan lang Nina Lola oh ni Dayday hay nako.sinarado ko na ulit Yung pintuan at nahiga sa kama, malapit na sana Ako hilahin ng antok ng may biglang kumatok na naman, kaya napa bangon Ako at binuksan ang pinto...
Pag bukas ko ng pinto tumambad sakin Yung O my god halaaa di to maari....