Niccolo's POV
---flashback--
"Himala, Ferrer! Anung gnagawa mu dito?" nandito kase ako sa resto-bar na pagaari ni Thunder.
"Masama ba? Sabihin mo lang.."
"Ang suplado mo talaga. Lalaki ka ba talaga, pre?" Natatawang tanung sa akin ni Thunder.
"Try me with this bottle." sabi ko sa kanya. Medyo nakita ko siyang napangiwi.
"Kung di ka lang talaga ganyan kaangas--Haayy tsaka wag na, baka masira ang mukha ko sa bote na yan. Anyway, orderin mu lahat ng gusto mu... basta ba wag ka lang mag 1-2-3." Tsk! Parang bata! Andaldal talaga.
Umupo ako dun sa bandang dulo, yung wala talagang tao.. Stress na kase ako masyado, pinipressure ako nila Daddy na magtrabaho na sa kompanya, For pete's sake! Kaka 19 ko lang.
"Ako shi Yenor Yive--vera Hihihi... huhuhu" Tumawa sya at tapos iiyak.
Baliw ba siya?
Bakit naman tumatanggap nang ganyang klaseng customer si Thunder?
Tsaka anu daw? Yenor Yivera? Tama ba?
Nilingon ko sya. Nasa likod ko kase yung nagsalita eh..
*boink*
Aray! Bakit naman niya binato nang tansan ang noo ko!!
"Shumayikod ka nga! Waka humayap ji--to" Pigilan nyo ko! Baliw na ngang talaga ang babaeng 'to.
"Di mo pag aari ang lugar na'to, Miss" painis na sagot ko sa kanya.
"Uwwwaaaaahhh" Pagpalahaw nya. Tinignan ko mga tao sa paligid ko. Iba na tingin nila sakin.
←_←
→_→
Kung minamalas ka nga namang talaga oh! Bwiseet!
"Hoy! Tumahan ka nga!" Sigaw ko sa kanya na dapat diko na lang ginawa. Dahil... yung.. tingin...nila..
"Uwaaaahhhh.. Mashama ka.. Uwaaaahhh"
'Hanu ba yan'
'Grabe umiyak yung girl..'
'Gwapo kase yung lalaki kaya manloloko'
'Kawawa naman yung girl'
'Ginagawa nyang katulong gf nya'
Napabuntong hininga ako.
-_-///
Umalis ako ng bahay para hwag mastress pero kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, nagkulong na lang sana ako sa kwarto ko. Pambihirang buhay talaga! OO!
Nilapitan ko sya. "Miss? Tara ihatid na kita sa labas" yaya ko sa kanya gamit ang pinaka sa lahat ng pinakamahinahon kong boses. Pag kase pagalit ang tanung ko, sigurado maglulupasay 'to.
"Yanyachid mo ko?" Tumawa sya na parang tuwang tuwa talaga. Akala siguro ng nerd na'to, gusto ko ang sinabi ko. "Peys taym.. pero yaw ko pa umuwi.. Chayamat na lang" At tumayo na siya. Pero dahil sa lasing siya natumba din sya at natanggal ang pagkakakabit ng salamin nya sa mata.
Wew! Ngayun ko lang napagmasdan ang babaeng 'to, may pagkabaduy pala talaga ang babaeng 'to. Mahabang palda, hanggang sakong nya yata?. Tapus white plain t-shirt, tapos yung tsinelas nya bakya,?? Medyo sira pa! Pucha! Napangiwi ako. Wala man lang kafashion fashion ang babaeng 'to.
*sniff*
Nakayuko kase sya. Kaya diko makita kong anu ba nararamdaman nya, kung umiiyak ba o sinisipon lang. But then, I saw a teardrops on the floor.
At dahil isa akong 'gentleman' Uulitin ko 'gentleman'. Lumapit ako sakanya. Tumalikod and umupo and I ask her.
"Hey Miss.. Piggy back ride kana. Ayaw mu naman maglakad ng nakapaa no? And besides, sira na ang eyeglass mo oh!" Bago pa kumontra ang ibang part nang utak ko, nasabi ko na. Luhh! Mapapanindigan ko kaya ang baliw na'to? Baka mamaya may tabak na pala 'to. Tapos... yung headline sa dyaryo bukas...
"Anak na lalaki ng isang business tycoon, patay! matapos pagsaksakin ng isang babaeng baliw"
Creepy! Ayoko nang ganun... Tatanggi sana ako pero sumakay na si Ms. Baduy sa Likod ko.
See? I even create a petname to her. Putcha! Baka ako ang may diprensya.
'kyaaah answeet nila'
'Swerte ni girl kht pangit sya'
'Ang gwapo nya'
'yan ang true love'
Bulong bulong sila. Dinig na dinig ko naman. Habang palabas kame, bumulong sya.
"Pweding hilahin mu pababa ang palda ko? Nakikita yata nila ang hita ko e" Conservative huh? Sabagay manang nga..
"Tsss.." Sabi ko na lang. Wala akong masabi eh, saka baka pumalahaw nanaman ng iyak. Tsaka... anu.... ano kase... haaay... Ang bango nang hininga niya... alam nyo yung mas nangingibabaw yung bango ng hininga nya kaysa sa amoy ng alak?
Palihim ko namang inamoy sya, amoy ordinary brand ng mga panlaba ang suot nya. Di nako nagtaka.. mukhang mahirap eh.
Pero ang ipinagtaka ko lang, eh yung mismong sarili ko. Why I find myself liking that detergent scent of her?
Ako yata ang baliw eh?
"Alam moba? First time na may nag alok sa akin ng piggy back ride.. Ahmm., tanung ko lang, bakit mu ba ako inalok?" Tinatanung paba yan? Umeeksena ka kaya!
"Kaseee um----"
"Wag mu na palang sagutin. Hayaan mu muna akong mag isip sa bagay na gusto kong isipin.. Ha-ha-ha" Tumatawa sya pero alam kong peke. Damang dama ko ang hirap nang nararamdaman nya.
"Mister? Alam mu bang ang bango bango mu? Hihihi~ " T_T Napakaprangka nya. Hanep!
10 minutes of silence.
"Haayy ang boring mong kausap.. akala ko pa man din... akala ko... haaay.. akala ko sasaya ako kahit sandali lang.. kahit sandali lang.,"
Guilty!
"May problema kaba?" tanung ko sa kanya. Alam nyo kase kahit sinu sgurong tao, madadala sa boses ng babaeng 'to.
"Wala. Sa pagpapakahulugan ko ng salitang problema. Wala talaga.. pero... sa depinisyon nyo, meron.. maraming marami.. ~Ayyy!" Kita mo'to, ang gulong kausap, muntik pa tuloy mahulog.
"Alam mu ba na ang problema sa akin ay yung masaya ako? at ang normal sa akin e yung may problema ako. Ang gulo ko 'no?" Oo! Magulo talaga! Pero medyo gets ko naman.
"Siguro di ka naman palakwentong tao, baka ito na nga ang una't huli nating pagkikita, Mister... pwedi siguro akong magkwento sa'yo, ano? ~Hihihi" Pwede ba? Sige na nga!
"Alam mu bang kamamatay lang ng inay at itay ko last week? ~Hahaha.. Ang galing 'no? Iniwan na nila ako, siguro nagsasawa na sila sa akin." Kamamatay lang? Aww! Parang sumakit din puso ko dun ah.. kawawa naman sya.. kaya pala nag inum siya. Narinig ko siyang humikbi.
"Pero masaya din ako na iniwan na nila ako, alam mu kase sa heaven bawal ang sad kaya sigurado happy na sila dun, sumama kaya ako? ~Ay! wag na lang pala... sigurado kukurutin ako ni inay, tapos tatawanan ako ni itay.." narinig ko pa siyang tumawa. Miss na miss nya na sguro mga magulang nya.
"Pero may tampo ako sa kanila...." Aray! Nanggigil pa yata sya, nasasakal na ako eh.
"Yung hanggang kamatayan nila, di man lang sila nag-abalang palitan ang pangalan ko. Aping api talaga ako e. Leonor Rivera! The fudge!"
Pfft! What did she said?
Leonor Rivera? Hahahaha Laptrip 'to men!
*boink* Hinampas nya likod ko.
"Wag muko pagtawanan.. Haaay! Kaya ayaw ko kinikwento e.. pero atleast mister.. hindi Seguna Catigbak ang pangalan ko. Kahit papanu, maganda na pakinggan ang akin." Defensive -_-!
"Alam mu din bang wala akong kapatid? Dahil si inay ay baog mula dalaga? Ibig sabihin , ampon lang ako" Luhh! Ganun sya kamalas? Nakakahiya tuloy ang problema ko.
"At alam mu bang nabubully ako sa school dahil sa mga suot ko? Eh sa walang pambili, bwisit lang! Para silang mga bata! Nakoo! College na nga kame e " Ow? San sya kumukuha ng pansuporta sa pag aaral nya? May lalaki ba sya na 4M's? Eeww! -_-!
"Salamat din at scholar ako.. At salamat kahit papanu nakakasideline ako.. Pero dahil sa Illustrados, di nagiging sapat! " Mind reader ba'to? Nasasagot nya mga tanung ko sa isip eh.
But wait.... Illustrados?
Kilala ko mga batchmates ko, kahit iba iba ang course namin.
Pero siya hindi.. so 'schoolmates kame huh?' Nice!
Ay teka! Scholar siya diba?! So, siya yun? Ang nag iisang nakaperfect ng 500 questions na gnawa pa nang iba't ibang dean ng different colleges? Genius pala 'to eh!
"minsan din ba ikaw nakaramdam ka na nang pagsuko?" Ang lungkot naman nya.
"Yung feeling na... na... dika man lang nagkaroon ng bestfriend? na magkaroon ng kaibigan na tao, puro na lang si Usman na aso ko ang lagi kong napagsasabihan. Minsan nga iniisip ko, lalo na ngayun, lalo na... wala na sila inay at itay... " Umiyak na talaga sya..
"Sshhhh... tahan na" pag alo ko sa kanya.
"Minsan ba, .... minsan ba may mga taong natutuwa pag nandyan ako? malulungkot pag nawala na'ko. Kung sakaling mamatay na'ko, may pupunta ba at iiyak? o talagang mamatay ako na walang nagmamahal sa'kin."
"Ako... Nandito ako.. Di kita iiwan... Pangako."
Puprotektahan ko siya. Yun ang nararamdaman ko. Ewan.. pero piling ko.. piling ko.. sa gabing 'to.. iba na ang takbo nang pangyayari..
Putcha! Nasan na kame? Kakaisip ko sa kanya, diko napansin na malayo na pala kame, mula sa bar.
"San ka ba nak----" Di ko natuloy yung pagsasalita ko. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakakapit nang kamay nya. Tama bang tulugan ako?
May nakita akong pweding maupuan. So, dinala ko sya dun, pinaupo at hiniga sa lap ko.
DUG. DUG.
DUG. DUG.
DUG. DUG.
Ang ganda niya!
Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Maganda talaga siya. Mahahaba ang pilik mata. Ang pula ng labi niya.
At tumibok ang puso ko.'
Siya.
Siya......
Siya ang 'IDEAL GIRL KO'
Babaw no?
Pero, yun ang sabi ng puso ko.
LEONOR RIVERA! Pfft!
My Love at First Sight
***
Leonor's Pov
Nakaupo ako sa ilalim ng puno. As ussual, mag isa ako. Syempre! Wala naman akong kaibigan 'no.. Since birth... wala akong friend.. Hindi ako anti-social, sadyang wala lang talagang gustong makipagfriend saken.
Kasaklap ng buhay ko! Pistii!
Tumingin ako sa paligid ko, lahat ng estudyante may kanya kanyang circle of friends. Ako lang yata ang wala eh.. Kahit sa sss wala ako masyadong friends. Kokonti lang.. Nasa 166 lang yata sila. Lagi naman akong online, lagi din ang message nila, pero lagi nalang sila palike ng palike. Pa peymus lang e anu po? Tapos... Alam nyu bang NBSB ako, pero madaming nanliligaw sa akin.
Hep! Hep! Hep!
Teka lang.. Wag muna kayung mag isip na 'kagandahan ako' dahil big big NO! yan!
Anu kase.. Ahm, yung mga nanliligaw sa akin puro dito lang din sa sss! Haay, buti sana kung same age, kaya lang hindi e.. puro sila forty's above. Kaimbyerna!
Hanap s*x? Tsk!
*Kruuuu*
Eh?
"Tsk! Oy.. wag muna kayu mag ingay dyan. Mamyang gabi ko pa kayu pakakainin, pag uwi na lang. para tipid" bulong ko sa mga bulate ko sa tyan.
*kruuuuu*
Tinignan ko yung laman ng bulsa ko. At hanep! Tumataginting na Singkwenta pesos.
Anong magagawa nito? Eh hanggang Biyernes pa'to. ≧﹏≦
Kung miyerkules ngaun.. baka di na ko makapasok sa friday.
Pero gutom na'ko e.
Tumayo ako. Bahala na nga!
Pumunta ako sa canteen. _(._.)_
Nakakahiya naman! Lahat ng mata nila nasa akin..
I ignore them. Lagi naman e.
'what she's doing here'
'bibili sya? for real?'
'baka malasin tayo'
'ang pangit nya'
(>_)
Napipikon na'ko. Pero, gaya nang parati kong ginagawa. I just ignore them. Afterall, I can live my life without them. So, I chin up.
Pumila na'ko. At grabe lang! Kahit si Ateng Tindera, mukhang di makapaniwala..
"Ahmmm.. ano po.." Tumahimik ang lahat. Pinapakinggan nila kung anong bibilhin ko.
"Ano ba yun iha?" sabi sakin ni Ateng Tindera.
"B--bo--bottled water" Narinig ko pa ang hagikgikan nila.
"Ano pa?" tanung ni Ateng Tindera.
"Wala na po." yumuko na'ko. Wrong move talaga eh. Nagtawanan kase sila. Naiiyak na'ko.
'yun lang?'
'sabi na e'
"I want all of that." sabi nung lalaki sa likod ko. Tumabi muna ako. Gumilid.
"Large fries, 2 burgers yung combo, lasagna, isa lang nun.. Ahmm... I change my mind.. just give me all the foods in your menu." Yaman!
'Mayaman!'
'yan ang nagoorder'
'kyah!! Ang cool ni Niccolo'
Niccolo? So, siya to? Lagi ko naririnig ang pangalan nya everywhere.. Popular..
At piling ko, nanliliit ako. Gusto ko na sanang umalis kaya lang di pako nakaka bayad e.
"Sir. Heto na po lahat ng order nyo."
"Okay. Can you put it there. Dun sa 26 table. Heto ang bayad, including that bottled water of her."
Huh? bakit pati ito?? Gusto nya sa kanya din ito?
-_-!
"Ah.. Kuya, order ka na lang ng iyo. Wag mo na ito isali.."
"Huh?"
"Akin na'to e .. Bili ka na lang ng sariling sa'yo."
"Woman... Ako na magbabayad ng sa'yo" Nakangiti nyang sabi.
Ohemjie! Kay pogi! Namumula yata ako eh.
'what? Nanaginip yata ako e'
'ngumiti si Niccolo?'
'Himala!'
'Kinausap nya si Nerdy'
'For the first tym din syang nagsalita'
Nakita kong sumimangot sya. Siguro narealize nya na kung sinu 'tong nasa harapan nya. "Ms. Nerdy ng Lahat"
"Kuya, thank you po." Sabi ko sabay alis. Pero bago pa ako maka alis. Hinila nya kamay ko at naglakad papuntang table 26. Teka! Yung buhok kong straight pero di shiny naaapakan ko na. Haba ng hair ko.
"Sit."
"Huh?"
"Upo." Alam ko ang tagalog ng sit. Pero bakit nya ko pinapaupo. Tinignan ko siya. Nakataas ang kilay niya..
"Ano pa tinatayo mu? Umupo kana.." Eh bakit ba kase ako uupo dyan?
"Haaay! Ang kulit kulit mu." Tumayo siya at pinaghila ako ng upuan. Tapos.... -_- Sapilitan nya kong pinaupo.
Talaga bang nangyayari saken 'to ngayon? As in! Sya ay popular... tapos kinakausap nya ko?
"~Aww.." Kinurot ko pisngi ko, masakit naman, so di ako nanaginip... totoo sya at nasa harapan ko sya..
"Ano ginagawa mo?" tanung niya sa akin.
"Wala po." Napayuko ako. Bat pala ang tahimik ng canteen?
→_→
←_←
Tingin dito, tingin doon.
Bat nakanganga sila?
~(*+﹏+*)~
"Kuya...." tawag ko sa kanya. Graduating na daw 'to eh. Engineering ang course, samantalang sa line of business naman ako.
"ahmmm...?"
"Ano kase... di ka ba nahihiya?" tanung ko sa kanya. Baka kase idislike siya ng mga students dito.
"Kumain ka na lang. Wag mu sila pansinin" Anu? kakain din daw ako? Yung totoo, sya naba ang anghel na hiniling ko kay Papa God? Grabe! Napakagenerous naman ni Papa God! Empogeee ng sinend nyang anghel. Pero...
←_←
→_→
Tingin ulit sa kaliwa tapos sa kanan..
Ang sama na ng tingin ng mga babae saken. Yung mga boys, nakanganga pa din.
"Sige. Thanks na lang po. Di ako gutom e" sabi ko sa kanya. Nakakatakot kase ang mga face nila, baka mamaya di na'ko makalabas ng buhay.
*Kruuuuuu*
"~Pftt! (binitawan nya ang kutsara) HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
(*>.)
Hege! Tawa pa! Tawa lang!! Mabilaukan ka sana. Litsi!
At kayung mga walang hiyang bulate! Bukod sa wala kayung pakinabang sa akin, wala din kayung karapatan lumandi. Wengya!
Kakahiya yun..
Σ( ° △ °|||)︴Σ( ° △ °|||)︴Σ( ° △ °|||)︴
Their faces! As if they see a miracle.
Anu ba 'tong araw na'to..
"Hahahahahahahahaha" -_-!
Dipa yata tapos tumawa ang taong 'to.
"Sige itawa mo pa. Lakasan mo. Yung sobrang lakas ah. Nahiya naman kase ako sa'yo. (>_" Napatakip ako sa bibig ko. Narealize ko yung sinabi ko. My God! I'm dead! X﹏X
"~Wahahahahahahahaha :D Ang cute cute mu." Sabay kurot nya sa pisngi ko.
'My God!'
'Unbelievable'
'Himala'
'Slut'
'Malandi'
'Manggagayuma'
Napangiwi ako. Ako pa? Ako pa ang malandi..
_(._.)_
Napayuko ako. Lagi na lang bang ganito? Alam nyo kase habang kinakausap at tumatawa itong lalaking 'to, diko maiwasan na hindi mag assume na sana... na sana... na sana... pwedi ko sya maging kaibigan.
"Excuse me." Paalam ko. Tumayo nako. Una pa lang kase, dapat diko na talaga hinayaan sarili ko na madikit sa kanya.. Sya ang Niccolo nila.. tapos didikit saken? Nakakapagtaka nga naman.. Naglakad ako ng nakayuko.
"Stop from where you are Leonor." Huh? Nabigla ako. Bukod sa first time na may tumawag sa pangalan kong hindi binuo, kilala nya ko? Hindi naman ako nagpakilala ah.. Tsaka,the way he pronounce my name, it sounds good. 'Le-ye-nor'
, pang mayaman.
Nakita ko syang palapit ng palapit sakin. Kinakabahan ako.
"All of you!! Don't you ever dare to insult my girl in front of me or else.... you all know what I can do to you, to your family and to your business" O.O my girl? Hala! ininsulto nila ang gf ni Niccolo? Haru!! Lagot kayo.
→_→
←_←
Bakit nanaman ba sakin parin ang tingin? -_-///
"Whoah! Girlfriend mu si Leonor Rivera, pre??" Tanong ni Makoy. Kaklase ko'to eh. Yung tawa ng tawa. Parang baliw ~T_T~
Bakit ako nanaman ang nasali. Mongoloid talaga tong lalaking 'to.
"Not now. I'm still courting her." Sabi nya at again and again... kinaladkad nya na ako palabas.
My world will change!