Chapter 74 - PIGGY

2151 Words

“Ano nga kasi ang pinag-uusapan ninyo ni Ashley kanina?” tanong ulit ni Jeremy sa akin. Nasa loob na kami ng kwarto niya at naghahanda ng matulog. Nasa kama na siya at nakasanda sa headboard samantalang nagsusuklay naman ako ng buhok sa harap ng vanity mirror at nakaupo sa ottoman. Nakasuot na rin ako ng cami top na itim at cotton shorts na puti na may printang strawberries na mas matanda lang ng kaunti sa underwear dahil sa sobrang ikli nito Si Nexus naman ay maagang nakatulog na sa kwarto niya. Mukhang napagod ito sa pakikipagkulitan sa mga barkada namin ni Jeremy. Kanina pa ako kinukulit ni Jeremy tungkol sa kung ano ang pinag-usapan namin ni Ashley pero nanatiling pinid ang mga labi ko. Ayoko namang sabihin sa kanya tinatanong ako ni Ashley tungkol sa kasal. Ayokong pangunahan siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD