“Babe, wake up!” Kasama noon ang paulit-ulit na paglundo ng kama na para bang may tumalon dito. Agad kong nahila ang kumot nang ma-realize ko na kasama ko si Nexus sa kwarto. Inimulat ko ang mga mata ko at kinusot ito saglit. “Babe, wake up! Everyone is waiting for you already!” malakas na sigaw ni Nexus. Napatingin ako sa ilalim ng kumot and I sighed in relief nang makita kong nakadamit pala ko noong suot ko kagabi. Buti na lang at binihisan muna ako ni Jeremy bago niya pinapasok ang anak namin. Ni hindi ko man lang napansin kung kailan niya ako binihisan. Magmamadaling-araw na rin kasi nang matapos kami. Inabot ko ang cellphone na nasa nightstand at chin-eck ko kung anong oras na. Meyo na-shock pa ako nang makitang alas onse na pala ng umaga. Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto sa p

