“Sinong naghatid kay Angel?” tanong ko kay Jeremy nang pumasok ito sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama at nakakumot ng hanggang bewang habang nakasandal sa headboard. Nagbabasa ako ng libro habang nagpapatulog. Inaatake na naman kasi ako ng insomnia. Lampas hating-gabi na pero gising pa rin ako. Nagkayayaan pa ang barkada na mag-inuman kanina kaya ang iba, hayun at bagsak na. Sina Kerby at Jeremy na lang ang bukod tanging hindi lasing. Si Ashley naman ay umuwi nang maaga at 'di na nakisali. Kaming dalawa lang ni Angel ang babae sa inuman. At kahit hindi naman kami umiinom ay nakikipagsabayan kami sa kwentuhan nila. "Si Kerby na ang naghatid sa kanya," agad na sagot ni Jeremy. Hinubad niya ang suot na damit at tanging boxer short nalang ang naiwan. "Pagtutulungan nga sana namin na ihatid s

