"Kailangan ba talaga nating bumili ng regalo para sa babaeng 'yun?" bagot na bagot na tanong ni Ashley. "Mamili na lang tayo ng gamit para sa baby mo." Naka-abrisyete ito sa braso ko habang naglalakad kami sa mall. One month na lang at matatapos na ang kalbaryo namin sa skwelahan at pagkatapos noon ay panimulang challenge na naman para sa board exam. Tapos na rin naman ang final exam at halos napasa na rin namin lahat ng mga projects namin. Ang results na lang sa exam ang hinihintay namin para malaman kung ga-graduate na ba kami or kailangan namin mag-special test para makasuot ng toga. At dahil naghihintay lang kami sa result kaya gumala muna kami ni Ashley sa mall. “Ang laki talaga ng inis mo kay Angel, ano? Give her a chance malay mo inaasar ka lang nu’n sa bahay, natatawang sabi ko

