Chapter 34 - JEREMY

1197 Words

"Hey, Jeremy mag-isa ka lang yata ngayon. Nasaan si Piggy?" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita si Angel na naglalakad sa hallway palapit sa akin. Nasa harap ako ng faculty room at nakatayong nakasandal sa may railing habang naghihintay na dumating 'yung prof namin para maipasa ko na ang documentation sa project ko. 'Yun na lang ang kulang at pagkatapos nu'n ay maghihintay na lang sa results ng exam. At syempre pa, pwede ng gumala. "Oh, hi, Angel! Anong ginagawa mo dito sa Engineering building?" "Ah, pumunta kasi ako sa coop tapos nakita kita. Kaya, here I am. Just dropping by to say, hi!" anitong nakangiti pa sa akin revealing her dimple. Kumunot ang noo ko. Nasa labas ang coop canteen na tinutukoy niya. Katabi nga ito Engineering building pero imposibleng makita niya ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD