“Babe! Daddy! Good morning!” bati sa amin ng anak namin nang sabay kaming pumasok sa kwarto niya. “How’s your sleep, Son?” nakangiting tanong ni Jeremy. “So good po, Daddy! It’s so nice waking up po in the morning and seeing you both in my room!” nagniningning na sambit nito. “Are you both okay na po ba?” Tumingin ako kay Jeremy pero hindi niya ako nilingon kahit katabi niya lang ako. Mukhang pinanindigan na nito ang pagpapanggap naming dalawa. Ngumiti lang ito kay Nexus at ginulo ang buhok nito na kaagad ikinasimangot ng anak namin. “Dad, don’t do that! Not my hair!” agad nitong angal. Inayos nito agad ang buhok na dati nang magulo dahil mukhang kababangon pa lang nito. Napatawa nang mahina si Jeremy. “Why? Naglalambing lang naman si Daddy sa iyo.” Kinawayan niya si Nexus palapit sa

