Napansin kong madilim ang mukha ni Piggy na tumayo at kinuha ang walang laman na pitsel sa ibabaw ng mesa. Alam kong naiirita na siya sa nakikitang closeness namin ni Arkie. And that's the reason why hindi ako tumitingin sa kanya. Baka mabulilyaso ang plano namin lalo na at kumpleto na ang mga babaeng nasa watchlist namin. Kunwari ay minasahe ko ang batok ko at pasimpleng lumingon kay Piggy. Nakita kong nilapitan ni Ikay si Angel. Nag-igting ang panga ko nang makitang napakapit siya nang mahigpit sa hawakan ng refrigerator. Akmang tatayo na sana ako para puntahan siya nang biglang isa-isa sa mga babae ay nagsipagbagsakan ang mga mukha sa mesa. Isa-isa kong tiningnan ang mga lalaki lalaki sa kusina kasama na sina Alex, Drake, Kerby at Matt at tinanguan sila bilang hudyat. Pagkatango ko

