Nagising akong masakit ang ulo ko. Agad akong napahawak sa sintido ko at marahang hinilot iyon. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nasa pamilyar akong silid at nakahiga sa malabot na kama na ginamit namin kagabi ni Jeremy. “Gising ka na pala.” Napalingon ako may main door ng kwarto kung saan nagmula ang boses. Nakita kong papasok na si Jeremy na may dalang isang tray na puno ng pagkain. Mukhang kaliligo lang nito dahil medyo basa pa ang buhok nito. Sobrang gwapo at kisig nito kahit simpleng black tank tops at grey jogger pants lang ang suot nito. Napalingon ulit ako sa bintana at doon ko napansin na madilim na pala sa labas. ‘Di ko alam kung anong nangyari . Ang huli ko lang natatandaan ay umiikot ang paningin ko noong nasa harap na ako

