"Uwi na tayo, Ash. Nawalan na ako ng ganang bumili ng regalo," matamlay kong sabi kay Ashley. Napabuntong-hininga si Ashley. Alam kong nag-aalala siya sa akin. "Gusto mo ba i-take out nalang natin itong mga in-order natin?" "Yes, please," sagot ko sa kanya. Ito ang isa sa mga gusto ko kay Ashley. She's sensitive enough to know that something is wrong. But she's not bugging me about it. She's waiting for me to tell her and open up. And I appreciate that a lot. Tinawag na ni Ashley ang server sa pizza place at ipina-take out ang mga inorder namin. Maya-maya pa ay magkasama na kaming lumabas ng mall. Pareho naming hindi dala ang mga sasakyan namin kaya sumakay nalang kami ng taxi pauwi sa bahay. Tahimik lang ako sa taxi habang pasulyap-sulyap naman sa akin si Ashley. Para itong may g

