Chapter 9

2536 Words
ERIKA LANDEZ' POV Nang nasa loob na ako ng portal, dito ko na nakita ang lahat na kakaiba sa mundong nakasanayan at naninirahan ko. Ang kalangitan ay kulay dilaw, ang mga dahon sa puno ay kulay red at may bulaklak pala na kulay gray. Maayos naman ang paghinga ko sa lugar na ito, hindi kagaya sa sa ibang planeta na hindi compatible ang hangin na para sa amin. "Ang gandang lugar naman rito." Linya ko na tanging sarili ko lang ang makarinig. Umabante ang kaliwang paa ko, normal lang ang galaw ko sa pag-abante ng paa ko at hindi ako nasaktan. Dahil rito ay dito na ako naglakad na dahan-dahan habang palingon-lingon naman ako sa puno, sa kalangitan at maging sa lupa. Mamaya-maya ay may natapakan ay may isang bagay na muntikan ko na matapakan, napatingin ako roon habang huminto ako sa paglalakad. "A-ano ito?", tumuwad ako at kinuha ko ang bagay na iyon mula sa lupa. Ang hawak ko ay isang necklace na may malaki na parang medalya, kasing laki siya ng palad ko at mahaba ang Nang tumayo ako ng tuwid, kaagad na sinuot ko ang necklace na iyon. Pero may nakita akong mga tao roon, kakaiba ang mga tao na nandoon dahil para silang mga Spartans. Napaisip nalang ako bigla na mga sundalo o mga guwardiya ng mga nandoon. Dito ko na balak na lumabas ng lugar na kinatatayuan ko, baka aatakehin nila ako na basta-basta. Tumakbo nalang ako papunta sa gate bitbit ko parin ang mga gamit ko sa Research ko. Mabuti na lang ay nakalabas ako kaagad roon, sayang lang dahil hindi ako nagtagal roon. AKANE MENDOZA'S POV Nang nakauwi na kami sa bagong bahay ko kasama ang aking ina. Nang pumasok kami, huminto muna kami sa harapan ng pintuan at magkaharap kaming dalawa. Sinarado ko ang pinto at binuhay ko ang kuryente. "Paano yan, aking ina?" Linya ko. "Tayo'y hindi na magkakasama sa iisang bubong ngayon." "Pero palagi mo naman ako bibisitahin, anak." Wika naman ni Inay. "Bumalik ka roon tuwing linggo ah." "Opo, Inay." "Ngayon ay maiwan na kita ngayon rito.", kaagad na binuksan ni Inay ang pinto para siya'y makaalis na. Nag-iwan siya ng isang bilin na "Huwag mo gagamitin ang mahika mo rito." at dito na siya umalis pabalik sa Creper Thorp. "Paalam po, Inay!" Sinarado ko ang pinto na dahan-dahan at kinandato ko. Pagkatapos ay napaupo ako sa aking higaan at binuhay ko ang isang appliances na mayroong gumagalaw na imahe, ang telebisyon. "Ano kaya mayroon rito sa telebisyon na ito?" Nanood nalang ako ng balita na nasa telebisyon habang nakaupo sa higaan ko. ------ "Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansa na pag-ulan rito sa Capital State. Ayon sa Track Weather, maaring maulan ang timog bahagi ng Kapitolyo." ------ Habang nanonood ay dumukot muna ako sa aking bulsa sa aking Dress. Pero hindi ko aakalain na walang laman ang aking bulsa. Ako'y biglang nagtataka kung bakit nawala ang laman na nasa bulsa ko. Impossible naman na mawala iyon. "Pa-paanong nawala ang Ofost Necklace ko?" Tanong ko na pabulong sa sarili ko lang naririnig. Hugis bilog na kulay kayumanggi, medyo malaki siya na halos kasing laki ng palad ko at may pindutan sa gitnaan ng necklace na iyon. Hindi ko aakalain na nawala iyon bigla-bigla, malalim naman ang bulsa ng dress na suot ko pero bakit nawala? Bakit mahulog iyon? ERIKA LANDEZ' POV Bumalik na ako sa mother earth na walang naiwan mula sa mundong pinasukan ko. Huminto muna ako sa harap ng portal at napatingin ako roon. "Sana hindi nila ako mahabol at makalabas pa." Sabi ko. "Mukhang hindi sila makakarating rito, baka hindi compatible ang hangin na ihihinga nila rito since more on air pollution na ang lugar kagaya rito." Lumingon nalang ako sa dinadaanan ko habang sabing "Gagawin ko nalang na sikreto ito, alam ko naman na walang maniniwala sa akin kung ikukuwento ko ito sa iba pero-" "Iha, pumasok ka sa gate?" May isang ale na nagtanong sa akin, napatingin ako sa kanan ko at isang ale nga na naka blouse na puti at black pants. Maputi siya at may dimple. Kakaiba ang mata niya dahil kulay light brown ang mata niya. Tahimik lang ako na nakatingin sa kanya na parang lutang lang. "Iha, pumasok ka ba sa gate?" Tanong pa niya sa akin at tinuro niya ang portal. "Ahhh...", napatingin nalang ako roon sa tinuro niya. Alam niya pala na about roon? Baka taga andoon siya pero nagtatrabaho rito or what. Dito ko nalang napaisip na kunwari wala ako alam at wala ako nakita sa tinuro niya. "Ahhhh... A-asaan po yung gate na sinasabi mo, ale?" "Hugis bilog ang gate." Sabi ng ale. "May bilog bang gate? Ang pagkaalam ko po ay may corners ang gate." Sabi ko. "Rectangle po ang gate or Square." "Sigurado kang wala ka nakita?" Tanong ko. "O-opo..." May napansin ang ale sa akin. Ang hawak kong necklace. Nakatingin siya room at sabing "Bakit nasa iyo yang Ofost Necklace na yan?" "Huh?" "Ano yang hawak mo?" "Ahhhh...", kaagad binulsa ko iyon habang sabing "Wa-wala-" "Alam kong may hawak ka, iha." Saad niya. "Akin na yan." "Wa-wala po ako-" "Huwag ka ngang sinungaling, iha." Wika pa niya. "Alam kong may hawak kang kuwintas kaya akin na." Wala na ako magawa pa kundi ibigay iyon mula sa bulsa na tahimik habang nakayuko ang ulo ko sa kanya. Tinanggap naman niya iyon pero sabing "Mabuti naman kung ganoon pero..." "Ako po ay humihingi ng pasensya sa ginawa ko kasi-" Biglang sinuot niya iyon sa leeg ko ang kuwintas na iyon. Dito ako natahimik at tumingin sa kanya na mayroong pagtataka dahil roon. "Paano kung gagawin sa iyo ito?", pinindot ni ale ang button sa kuwintas ko. Dito na biglang nagbabago ang aking mga kasuotan, kulay ng buhok at maging ang paningin ko. Asul ang kulay ng buhok ko, asul rin ang kasuotan ko na kita ang aking tiyan, kulay dilaw ang aking palda at maging ang aking sapatos at mayroon rin akong kapa na kulay dilaw. Bitbit ko parin ang gamit ko sa Research at ang bag ko sa likod ko. Nagtataka ako na bakit ganito ang itsura ko ngayon. "A-anong ibig sabihin nito?" "Sa iyo na yang Kuwintas na yan, iha." Sabi ng ale sa akin. "Pa-paano mo-" "Ako ang pagmamay-ari ng kuwintas na iyan." Sabi pa niya. "Pero mas gugustuhin ko na mayroong isang taong gagawin ang lahat bilang isang Ofost Witchcrafter." "Ofost Witchcrafter?" Pagtataka ko. "Basta gawin mo ang ganyang anyo sa kabutihan." Paalala pa niya sa akin. "Huwag mo gawin yan para sa sariling interes kagaya ng streetfighting, o kahit maging wrestler ka pa eh huwag mo gawin." "Pwede po ngayon?" "Ahhh... Oo naman, iha." "Ay wait lang po muna!", nilapag ko ang bag ko at ang gamit ko sa lamesa malapit roon at may binigay akong papel at ballpen sa ale at ang papel na iyon ay survey form. "Ahhhh... ano yan?" Tanong niya sa akin. "Pwede pa-survey po para lang sa research namin." Sabi ko sa kanya. "Tungkol lang naman po sa News." "Ah... sige naman iha.", tinanggap niya iyon at sabi pa niya na "Subukan mong lumipad." "Pa-paano po?" "Sabihin mo na 'Mahiwagang kapangyarihan ng Ofost, ako'y nasusumamo sa iyo na lumipad'." Ani ng ale. "Si-sigurado ka po?" "Oo naman, iha." Wika ng ale. "Basta magtiwala ka lang." Huminga ako ng malalim at pumikit ang mga mata ko. "Mahiwagang kapangyarihan ng Ofost, ako'y nasusumamo sa iyo na lumipad." Dito na ako dahan-dahan na lumutang paitaas. Nadala ako ng kaba dahil rito ay parang natatakot ako, hindi ko ba alam kung bakit. Nang namulat ang aking mga mata, dito ko nakita na nakalutang nga ako sa atmospera ng mundong ginagalawan ko ngayon. Namangha nalang ako sa sarili ko at ako'y nakangiti. "Ngayon ay maari ka nang lumipad." Wika ng ale sa akin. "Si-sige po." Kaagad lumipad ako paitaas, palayo na palayo ako sa kanya hanggang sa malagpasan ko na ang ulap sa kalangitan. Napalula ako lalo sa mga nakita ko, nakita ko ang skyline ng Maynila at nakita ko rin ang baybayin mula sa kaliwa ko. Napalula nalang talaga ako sa lugar ng Capital State. Pero biglang may naramdaman ako na something at napatingin ako sa isang kahabaan ng Libertad. May nanyayaring habulan, dalawang lalaki ay tumatakbo habang hinahabol sila ng isang babae. Mukhang ninakawan si Babae ah. Kaagad na pumunta ako roon para sugpuin iyon. Nang lumanding ako sa harapan ng lalaki, dito sila huminto. "At sino ka naman, ah?" Tanong ng isang lalaki. "Nagtatanong ka pa ah." Pangising sabi ko naman. "Umalis ka nga sa daan." Sabi naman ng isa pang lalaki. "Ibalik mo muna ang bag." "Ayoko." "Ayaw mo?" Kumuha ng patalim ang dalawang lalaki, mukhang manglalaban. Pero kahit nakangisi lang ako sa harapan nila ay dala naman ang kaba ko dahil roon sa kanila. Hindi ko alam kung ano gagawin ko since wala ako alam sa bugbugan. Hindi! Kaya mo toh Erika, kunwari ikaw si Darna. "Madali lang yang talunin yan, irape natin yan pag nanalo tayo sa kanya." "Ako na bahalang umatake, utol." Kaagad na sumugod ang isang lalaki at balak niya ako saksakin sa tiyan Pero hinawi ko iyon at tinulak ko siya with stron wind. Dito napalipad ang lalaki palayo sa akin at tumama sa pader. Napatingin nalang ako sa kamay ko na pinagkawalan ko ng hangin at nagtataka. Hindi ko aakalain na magagawa ko iyon. "Pa-paano..." "Hoy! Tara! Suntukan." Napatingin ako sa isa pang lalaki at lakas-loob kong sabing "Talagang hinahamon mo ako? Gusto mo talaga sa Pasay City Jail o Pasay city Hospital ang bagsak mo?" "Ano? Tara!!" "Naku! Kung ako sa iyon eh ibigay mo na sa akin yang bag o sa may-ari ng bag na yan." Sabi ko pa sa kanya. "Gusto mo lang ata masaktan." Kaagad na sumugod siya sa akin Pero kaagad na nagbuga ako at apoy ang lumabas, naisipan ko lang iyon at hindi ko aakain na apoy ang lalabas. Nag-sidestep nalang siya bigla at lumayo nalang ang lalaki sa akin para maiwasan niya ang atake ko. Pagkatapos ko magbuga, ang daming tao na nakapaligid sa amin. May audience na ata ako ah. "Ano? Papalag ka pa ba sa akin?" Pangising sabi ko. Nataranta na ang lalaki sa akin at maihi na siya sa salawal. Takot na takot na siya sa akin ngayon. Ang lakas na loob niyang kalabanin ako. Kaagad nalang na tumakbo ang lalaki kasi takot na siya sa akin at naiwan nalang ang bag sa lapag. Kaagad na kinuha iyon at binigay ko sa may-ari which is kay ale na kulot ang buhok. "Ma-maraming salamat po miss F." Pagbati niya sa akin at tinanggap niya iyon. "Miss F?" Pagtataka ko. "F kasi nakalagay sa Dibdib mo kasi eh." Sabi niya. May F pala sa damit ko, ngayon ko lang napansin. At dahil rito ay napaisip nalang ako na ano ang maaring pangalan ko if ganito ang form ko. Common na yung FANTASTIC eh paano nalang kung FANATIC? Hindi na bali! Alam kong magkaibang ang hulugan ng Fanatic at Extreme pero hindi sila magkasalungat so tatawagin nalang nila ako bilang si FANATIC GIRL. "Ako nga pala si Fanatic Girl." Pagpapakilala ko. Yes! Dito isinilang si Fanatic Girl, kilalang kilala na ako hanggang sa kasalukuyan. Kahit naging 4th Chairman na ako eh hindi parin mawawala ang pinagmulan ko talaga which is si Fanatic Girl. **** A few minutes later ay nakarating na ako kay Ale na nagbigay sa akin ng Fanatic Necklace. "Fanatic Girl?" "O-opo." Sagot ko pero nakabalik na ako sa dating anyo. "Eh may F kasi na nakalagay sa damit ko noon eh." "Pero iha eh kung may mangyaring delubyo rito ay nasa iyong kamay lang ang susi para masugpo iyon kaagad." Bilin niya pa sa akin. "Huwag mo gagamitin ang Ofost Necklace sa masama at sa pansariling interes." "O-opo!" "Oh siya! Mauna na ako sa iyon, ito na ata ang huling pagkikita natin." Sabi ng ale. "Ako po'y masaya at natuwa sa iyo po dahil nakausap kita." Sabi ko naman. "Nice to meet you po." "Nice too meet you din." Wika pa niya. "Ako na mauna sa iyo, iha." Umalis na ang ale sa kinatatayuan ko at pumasok siya sa portal. Ako naman ay umalis kaagad papunta sa karinderya na kung saan nandoon sila Amygee. Sana umabot ako roon. Sa ale na iyon ang dahilan kung bakit may Fanatic Girl na nag-eexist rito sa Capital State at ako ang pinili niya na gampanan ang role na iyon. Kaya simula ngayon ay kada may mangyaring crime-crime eh mag sign out muna si Erika para i-login si Fanatic Girl. Dito na tuloy nabago ang lahat. AKIHIRO LANDEZ' POV Noong pagkatapos ako mag-ensayo para sa Wing-chun, napaupo muna ako sa isang upuan at kinuha ko ang isang boteng may lamang tubig. Puno ng pawis ang katawan at maging ang mukha ko sa sobrang intense ng ensayong binigay sa akin ng aking Master Chen. Nga pala eh sumali lang talaga ako bilang Varsity ng University sa larangan ng Wing-chun. Inalok lang ako ni Euanne na Sumali. Si Euanne kasi ang anak ni Master Chen, at si Euanne ang Vice Chairman ng Capital State. Mag-tiyuhin ang relasyon namin dalawa which pamangkin ko siya. Wala ako paki kung Vice Chairman siya, nakakainis nga kasi! Nakakainis nga si Euanne eh, hinila ako para sumali ang walang hiya. Hindi na bali! Kasama naman ito sa buhay. Mayamaya ay lumapit si Master Chen at sabing "Mukhang pagod kana kaagad, iho." Uminom ako ng tubig at pagkatapos ay tanong ko sa kanya na "May next drill pa ba tayo, Master Chen?" "Wala naman sa ngayon." Sagot naman niya. "Kailangan mo muna ngayon magpahinga para bukas ay ihanda mo na ang sarili mo sa susunod na hakbang na pagsasanay natin." "Eh paano po sila-" "Kagaya na sinabi ko na Night Shift ang ibang Varsity ng Wing-chun." Ani pa niya. "Ang iba naman ay hapon pero ikaw lang siguro ang hapon kong tuturuan sa ngayon." "O-okay lang po sa akin kung ganoon." Sabi ko naman. "Basta ako eh willing po talaga ako maging isang Varsity ng Unibersidad natin." "Baka eh mahihirapan ka sa susunod na hakbang dahil maari ay mapipilipit ang mga paa mo at kakaiba ang training mo." Ani Master Chen. "Mala-Yoga Exercise ang gagawin natin bukas." "Kahit pilipit pa ang atay ko eh maayos naman iyon sa akin." Sabi ko naman. "Natural naman ang ganyang training sa isang Chinesw martial arts, Master Chen." "Mabuti naman kung ganon." Mamaya-maya ay dumating si Euanne at pagbungad niyang sabing "Oh! Die-die! Akihiro!" "Hayzzz! Bansot." "HOY AKIHIRO, ANONG BANSOT?!" Pagalit na wika ni Euanne. "Wala kang respeto sa Vice Chair-" "Bansot ka naman talaga ah..." "Ikaw...." So ayun! Ako lang ang panghapon na tinuturuan niya, mostly eh mga taga panghapon at mga nightshift ang tinuturuan niya. Siya nga pala ay Teacher namimln about Humanities at syembre eh dati siyang Mayor ng Quezon City. Medyo may edad si Master Chen, kasing tanda sila ng Unang Chairman na si Ellenardo Buenacarpio. Varsity na ako ng Univerisity tapos star studded pa dahil tiyuhin ako ng Vice Chairman na bansot. Pero need ko talaga makapagtapos ng pag-aaral, since PolSci ang pinasok ko, kailangan ko tapusin iyong para may maitulong na rin ako para sa bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD