Chapter 8

2478 Words
AKIHIRO LANDEZ' POV Hindi na ako bumalik pa sa Pasay simula noong sinabi ni Erika na huwag na huwag ko siya kausapin at makita pa. Alam kong mas masaya siya kung ganoon pero ako'y nasasaktan at dala-dala ko na iyon hanggang sa pagtanda ko. Hindi ko na alam kung paano ko maiwasan ang lahat-lahat na kasama kami ni Erika. Sa tuwing naalala ko si Erika, nararamdam ko parin ang sakit sa aking puso. Mas nanatili nalang ako na nasa bahay nalang dahil dala ko parin ang sakit na nararamdaman. Parati akong mapang-isa sa bahay noong bakasyon. Umabot na rin iyon hanggang sa pagpasok ko sa bagong unibersidad, hindi rin ako pakikipag-ugnayan sa iba pang estudyante dahil ayokong isipin na lahat na nangyari noong nakaraan na magkasama kami ni Erika. **** Year 1989... Siyam na buwan na nakalipas... Ngayon ay nag-aaral na ako sa Kolehiyo mula sa Academic Institute of Capital State. Ako'y nasa unang taon sa kolehiyo bilang Political Science Student. Ako'y nasa kalagitnaan ng klase, nakikinig lang ako sa aking propesor na nagtuturo sa amin. "Behaviouralism studies how individuals behave in group positions realistically rather than how they should behave." Binasa ng propesor namin na nasa manila paper na nakapaskil sa white board. "So, when we say Behaviouralism, it focuses na kung paano 'talaga' sila kumilos sa kani-kanilang posisyon instead na paano 'dapat' sila kumilos." Nakikinig parin ako sa aking professor, nakatingin lang ako sa harap habang hawak ko ang ballpen ko sa akin kamay. Narealize ko nalang na nakakalimutan ko nalang ang lahat noong panahon na nakaranas ako ng sakit, napaisip nalang ako na mag-aral lang ako ngayon at wala nang iba pang isipin sa utak ko. Kakalimutan ko nalang iyon at magpokus nalang sa kung saan ako ngayon. **** Breaktime, ako'y mapang-isa sa aking table. Kumakain lang mag-isa ng kanin na may ulam na tahimik. Wala na akong dalang mabigat sa aking damdamin, parang nakalimutan ko na ang lahat na sakit noon. Sa madaling salita, ako'y naka-move on na mula sa panahon na naranasan ko noon. Mamaya-maya ay may isang babaeng dumating sa akin. Medyo maputi, mahabang buhok at bilugin ang kanyang wangis. "Hello!" Pagbati niya sa akin. "H-hi, miss..." "Anong miss? Magkaklase tayo, Landez." Sabi pa niya. Nagulat nalang ako sa sinabi niya at nagtataka ako kung bakit. "Hindi mo ba ako kilala? Ako si Leanny Quirino, kaklase mo." Oo! Si Leanny nga! kaklase ko siya noon. "Hindi mo ba alam na ka-grupo kita sa activity na gagawin natin sa isang-" "Sandali lang! Pa-paano kita naging kaklase eh hindi kita nakikita sa room?" Tanong ko sa kanya. "Nasa likod ako, Landez." Sabi pa niya sa akin. "Nga pala eh since na ikaw ang may mataas na marka noong nakaraan quiz eh ikaw na ang assistant leader sa grupo natin." "Ah... Eh..." "Huwag ka mag-aalala dahil hindi kita aawayin." Wika pa niya. "Nga pala eh samahan mo ako sa bahay ko mamaya dahil sa activity natin." "Eh..." "Huwag ka mag-aalala..." linya pa ni Leanny. "Safe nga akong tao." "Teka lang! Ilan ba tayong members sa grupo natin?" Tanong ko pa sa kanya. "Ahmmmmm... Dalawa." Nagulat nalang ako sa sagot niya dahil dalawa lang kami sa grupo. "ANO?!" "Bakit Landez, may problema ba?" "Bakit da-dalawamg tao lang?" "I mean, tatlo pala." "Ta-tatlo?!" May isa pang babae na dumating sa amin, nakasuot naman siya ng salamin at medyo kulot ang kanyang mahabang buhok, mas maputi pa kaysa kay Leanny pero maliit lang ang kanyang height. "Ahhh... Leanny." "Huy! Timberline..." linya ni Leanny. Ang babaeng dumating ay si Timberline Banal, kaklase ko rin siya noong college era ko. "Siya ba yung isa pa nating member?" Tanong pa niya kay Leanny. "Ahhh... Siya nga, Timmy." Linya niya habang tumingin siya sa akin. "Hello!" Pagbati ni Timberline sa akin at kaagad na umupo sa tabi ko. "Ako nga pala si Timberline Banal." "Ahhhh... A-akihiro Landez nga pala." Linya ko naman. "Actually Akihiro eh magkaklase kami ni Timmy simula High School." Ani Leanny. "She is my bff since First Year." "Kaya magkakilala kami, noh?" Timberline. "Eh bakit tatlo lang tayo???" Tanong ko naman. "Kasi tayo pinili ng mga teacher." Sagot naman ni Leanny at sabay ngiti sa akin. Natahimik ako bigla at napalula nalang sa wangis ni Leanny, tila ba'y may kakaiba sa kanya. Ngayon ko lang narealize na ang ganda ni Leanny, mas maganda pa kaysa kay Erika. Kapag ngumiti siya ay mayroon siyang dimple sa kanan't kaliwang pisngi at nakikita ko ang highlight sa mata niya. Siya na ba ang papalit kay Erika? Parang mas mabait at masarap makisama si Leanny. "Ah.... Akihiro?" Leanny. "Ay! Sorry na.", nagising ako sa pagkalula sa wangis ni Leanny. "P-paano natin simulan?" "Ganito iyon..." dito na kinuwento ni Leanny tungkol sa activity na gagawin namin. Nanibago nalang ako bigla noong si Leanny at Timberline ma ang kasama ko. Kaya ko silang sabayan sa kung ano namin at masarap sipang kasama. Unti-unting ginagamot ang sugat ko mula sa nakaraan, at dito ko nalaman na mas masasaya pa ako kaysa noong nakaraan. AKANE MENDOZA'S POV Ako ngayon ay bumalik sa kaharian namin para mamahinga muna sanglit. Nasa sariling kuwarto ako muna mamahinga para mamaya-maya ay pupunta na ako sa tinatrabuhan ko. Nakaupo lang ako sa aking kama at umiinom ng tubig. Nga pala! Alam ng mga magulang ko na parati ako labas-pasok sa mundo ng mga tao at pinayuhan nila ako na hindi ako gagamit ng mahika roon kahit mayangyaring sakuna pa. Sinusunod ko naman ang payo ko pero hindi ko maiwasang labagin iyon, pero hindi ko sinasabi na ginawa ko iyon para mangligtas ng mga kababaihan laban sa r**e. Ngayon ko lang naisip na manirahan nalang roon sa mundo ng mga tao para hindi na ako pabalik-balik pa rito. Mamaya-maya ay dumating na ang aking ina, pumasok siya sa kuwarto ko na nakabukas ang pinto at nasa harapan niya ako. "Anak, anong oras ka ba lalabas ng kaharian?" Tanong niya sa akin. "Mapagalitan ka pa ng amo mo roon kung ika'y mahuhuli sa iyong trabahong pinapasukan mo bilang isang tao." "Alas-tres palang sa mundo ng mga tao." Wika ko naman. "Huwag po kayo mag-aalala dahil mas mabilis ako kaysa sa tumitilaok ng mha manok sa umaga, inay." "Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli." Wika pa ni Inay. "Maari'y matangalan ka ng trabaho kaagad kung mahuhuli ka." "Hindi naman po sila ka-strikto, inay." Sabi ko naman. "Alam nila na nasa malayo akong lugar kaya minsa'y pinagbibigyan nila ako." "Mabuti naman kung ganoon, anak." "Ay inay! Gusto ko sana sabihin sa iyon na..." "Na ano, mahal kong anak?" "Na titira muna ako sa mundo ng mga tao." Wika ko. "Si-sigurado ka ba?" "O-opo, Inay." "Eh wala tayong mahanap na marentahan ng bahay roon." Sabi pa ng aking ina sa akin. "Mataas ang populasyon ng bansang nakasakop sa pintuan kaya mahihirapan ka pa maghanap, kung gusto mo eh baka lagpas pa sa Kalakhang Maynila na nandoon." "Pero inay eh kaya ko naman ang sarili ko." Sabi ko pa. "At saka may nakita akong ROOM FOR RENT sa isang gusali malapit sa lagusan pabalik rito. Pwede eh doon nalang ako tumira muna para hindi na ako pabalik-balik pa rito?" "Bakit naman anak?" "Kasi po naman na maari tayo mabukin ng mga tao na tayo ay mga witchcrafter." Ani ko naman. "Alam ninyo naman na ang tingin sa mga kagaya natin ay masasama at ang iba naman ay hindi naniniwala na tayo'y nandirito o nasa mundo tayo nila kung-" "Sigurado ka talaga, anak?" "Opo, inay." **** "Two hundred per month po?" Pagtataka ng aking ina. Ngayon ay nasa silid na irerenta namin bilang tirahan ko. Kakaiba ang aming kasuotan, ako'y nakapulang kasuotan na kung tawagin ay Dress habang ang aking ina nama'y naka puting sa itaas na tinatawag sa kasuotan ay blouse at itim na 'pantalon' kung maitawag sa mundo ng mga tao. Kausap namin ang isang ginang na may-ari ng gusaling magiging tirahan ko at nakikipag-negosasyon kami sa kanya. "Two hundred per buwan tapos mura lang naman ang kuryente at tubig rito." Ani Ginang. "Mga magkano po?" Tanong ko pa sa kanya. "Depende sa kung ano maikukunsumo ninyo." Wika pa ng ginang. "Ah sige! Ilaw, TV, Electric Fan at Rice Cooker lang ang maari namin makunsumo." Wika naman ng aking ina. "Si-sige." "Bayad na kami sa downpayment ah." "Kunin ko lang ang resibo ninyo." "Sige po." Kaagad na umalis ang ginang para kunin ang resibo namin. Kinausap ko muna ang aking ina dahil marami akong katanungan sa kanya. "I-inay, kaya mo pala makipag-negosasyon sa mga tao?" "Alam ko ang lahat kung paano mag-salestalk sa mga tao." Wila ng aking ina. "Salestalk?" "Yan yung tawag sa pagkikipag-negosasyon sa kapwa tao kung bibilhin ang isang bagay o lupa." Ani inay. "Mayroong Buyer at Seller na tinatawag, anak." "Ano pong Buyer at Seller?" Tanong ko pa. "Malalaman mo yan kung makapag-aral ka sa Kolehiyo." Wika nalang niya sa akin. "Eh bakit naman?" "Pag-aralan mo nalang iyon kung ang kurso mo ay HRM o Accountancy." Ani pa niya. "At saka anak, ikaw na bahala sa bahay na ito." "O-opo, inay." "Babalik ako rito kasa isang linggo." Wika niya. "Kaya huwag kang mag-alala sa akin." "Opo, inay." "Pagkatapos nito ay samahan mo akong isangla ang gintong dala ko sa sanglaan para gawin pera." Sabi pa niya. "At gagamitin natin iyon para bilhin natin ang pangangailangan mo rito sa bahay at ipapasok na rin kita sa kolehiyo na pinasukan ko noon para makapag-aral ka naman." "Si-sige po." Ilan oras na nakalipas ay sinangla na niya ang gintong dala niya ay pinambili iyon ng mga gamit para sa magiging tirahan ko. Pinapasok rin niya ako sa isang unibersidad kung tawagin ay Arellano University, isang malaking paaralan malapit sa bahay ko. Kinuha ko ang kursong Journalism kaysa sa kinuhang kurso ng aking ina na Accountancy at Political Science. Sinasabi raw nila na mas maganda ang trabaho ng Jornalism at dito ko naisipan gumawa ukol sa kaharian namin balang araw kung ako'y makapagtapos ng pag-aaral at magtrabaho. Nga pala! Matagal na nanirahan ang akong ina rito sa mundo ng mga tao, dito rin siya nagkaroon ng maraming kaibigan at kaya niyang makipagsabayan sa galaw ng mga tao kahit reyna na siya ng kaharian namin. Kaya madali nalang sa kanya ang lahat maliban lang sa makabagong bagay kagaya ng teknolohiya at mga tinatawag na 'arcade' maliban lang sa larong 'tetris' dahil sabi niya ay walang nakakatalo sa kanya. Ano ba yung larong tetris? Makalaro nga sa susunod na araw. Pero tuloy parin ako sa trabaho ko bilang taga hugas ng pinggan sa isang kainan. Lumaki ang aking sahod dahil walang aberya sa ginagawa ko. Nagiging mas komportable na ako sa mundo ng mga tao, pero hindi itatapon ang pagiging witchcrafter ko. Pag-iisipan ko pa kung magiging tagapagligtas ako rito sa mundong ito para masugpo ang 'r**e'. Gusto ko lang naman mawala ang mga karamihan na gumagawa ng ganitong krimen sa mundo at panigurado ay mga kalalakihan talaga ang puntirya ko. Mga lalaki nga naman, walang ginawa kundi gawin ang kalibugan kahit ayaw ng mga kababaihan. ERIKA LANDEZ' POV Kakagaling ko lang sa paaralan ko which is Arellano University. Isa akong first year college at Journalism rin ang kinuha kong kurso noong panahon na iyon. Mas ginusto ko ang Journalism kaysa sa ibang course dahil pangarap ko maging isang new journalist at maibalita ko sana ang kalagayan sa probinsya namin. Ngayon ay naglalakad na ako palabas ng paaralan, bitbit ang aking mga libro at may bag sa likuran ko. Nakasuot ako ng palda at blouse na may ID na nakasabit sa leeg ko. Mayamaya ay dumating si Amygee. "EKAAAAANG!" Linya niya habang lumalapit siya sa akin. "Ano na naman, Ameh?" Linya ko naman na may halong konting inis kaya nahinto ako sa pag-lalakad. Parati na niya akong nirereto sa ibang lalaki, kung hindi naman ay balak niya akong i-avail. Nagbago na talaga ako, mas pokus ko ang pag-aaral kahit hindi na ako birhen. Ang mahalaga ay hindi ako nabuntis. "Ekang-" "Ayoko na ng mga reto mo, Ameh." Sabi ko naman. "Ikaw ah! Gusto mo parin si Akihiro ah." "Wala na ako pake sa lalaki na iyon." Linya ko naman. "Pinahiya ako ng pamilya niya kaya mas maganda na hiwalayan ko nalang siya." "So paano ba yan?" "Ayokong mag karelasyon pa sa ibang lalaki, babae, bakla o tomboy pa." Sabi ko naman. "Magiging Asexual muna ako hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo." "Talagang nagbago kana ah." Wika ni Amygee. "Gusto ko lang naman makabawi sa nanay ko, Ameh." Ani ko. "Ayokong maulit pa ang nangyari noong nakaraan at sak gusto ko i-maintain ang pagiging Honored Student ko." "Nga pala eh sabay na tayo dahil kakain tayo mamaya malapit sa Baclaran." Pag-aaya ni Amygee sa akin. "Ahhh... Mauna kana roon, Ameh." "Luh? Bakit naman?" "Magsusurvey ako mag-isa malapit sa Divisoria." Sabi ko naman. "Kailangan ko muna tapusin ang survey sa research ko dahil bukas ay mag-anaylze na ako ng data." "Ah.... Si-sige! Mauna na ako sa iyo ah." "Susunod ako Amygee, promise." "Sure ka ah.", kaagad na umalis na si Amygee sa akin para pumunta sa kainan na nadoon rin ang mga dati naming kaklase noong sekundarya. Mayamaya ay pumara na ako ng Jeep at noong huminto sa harapan ko ay kaagad na sumakay papuntang Divisoria. **** "Salamat po." Kaagad na tinanggap ko ang papel na mayroong sulat na kung tawagin ay Survey Questionaire. Kaagad naman na umalis ang mga respondent na nagboluntaryong sumagot sa survey questionaire ko para sa research ko. Malapit na ako sa kahabaan ng Divisoria. Nasa isang parke ako noon, sa kasalukuyan ay ang parkeng kinatatayuan ko ay Special Force Center na ngayon. Kakatapos ko lang magbigay ng survey sa mga tao at nakakolekta ako ng dalawampung survey questionaire na may sagot mula sa mha respondents. Mayamaya ay tahimik lang na naglalakad ako sa daan. Unti-unting kumukonti ang tao sa dinadaanan ko hanggang sa nakarating ako sa lugar na walang katao-tao. Wala na akong marinig na ingay ng tao kahit tunog lang ng ibong. Napapaisip nalang ako na nasa delikadong lugar na ako dahil walang kahit ano na naririnig ko. Ang tahimik at paramg nadadala ang kaba ko kada yapak sa aking mga paa. Hanggang sa nakita ko na may isang portal, kulay purple ang itsura ng portal. Nakatingin nalang ako roon na mayroong mangha at pagtataka sa aking expression. Napatanong nalang ako sa sarili ko ng "Anong portal toh?" Dahan-dahan lang muna ako lumapit habang mayroon parin pagtataka sa aking isipan pero nalulula ako sa ganda ng portal. Huminto ako sa lalapit at napalingon ako sa kanan at kabila kung mayroon tao. Mabuti naman ay wala, wala naman ako nakakarinig na kung anu-ano sa lugar na kinaroroonan ko. Wala na ako magawa pa kundi pumasok roon kaagad. Nang pumasok ako sa portal na iyon, dito ko nakita na kakaiba, mas kakaiba pa sa mundong tinitirhan ko. Ibig sabihin nito ay nasa ibang mundo pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD