Chapter 7

2728 Words
AKIHIRO LANDEZ' POV Bawat araw ay hindi na niya ako pinapansin, parang multo lang ako sa paningin niya. Hindi niya ako kinakausap na kagaya ng dati. Kung kailan lang ako may feelings talaga kay Erika, isang malaking alon ang natangay sa aming dalawa kaya kami nagkahiwalay. Bawat araw ay masakit sa damdamin dahil wala kaming kung ano meron sa aming dalawa. Kahit sa praktis man o sa labas ng paaralan eh wala parin iyon. **** Ilan araw na nakalipas ay graduation na naming lahat. Nakasuot ako ng puting toga na may ribbon na kulay bughaw sa kanang dibdib at may mga bulaklak pa bilang pangdekorasyon lang sa toga ko. Kasama ko sila Mama, Papa, Cheska at Maggie sa labas ng paaralan na kung saan idaraos ang graduation namin. "Anak, ako ngayon ay excited na dahil ikaw ang pangalawa sa may mataas na honor." Pangiting linya ni Mama. "Nakaka-proud ka, Kuya." Wika naman ni Cheska. "Sana may honor rin ako." "Ako rin." Sabi naman ni Maggie. "Gusto ko maging kagaya mo, Kuya." "Kayong dalawa eh mag-aral kayo at isa-oras ninyo ang libangan." Payo ko sa dalawa kong kapatid. "Huwag ninyo rin dayain ang sarili ninyo at panigurado niyan ay magiging Honor student kayong dalawa." "Opo!" Tugon ng dalawa. "Anak, you made it as your high school student. Ako'y nakaka-proud sa ginawa mo." Wika naman ni Papa sa akin. "Ginagawa ko po ang lahat para sa inyo, Papa." Sabi ko naman. Biglang napalila nalang ako sa malayo dahil nakita ko si Erika at si Tita Elijah na magkasama. Nakita ko nag-uusap ang mag-ina na may halong ngiti sa kanilang mukha habang sinasabitan ni Tita Elijag ng mga bulaklak sa toga ni Erika. "Anak, ano meron??" Pagtatakang tanong ni Papa sa akin. Hindi ako makasagot dahil tahimik na nakatingin lang ako kila Erika. Napatingin nalang sila Mama, Papa at ang dalawa kong kapatid sa lugar kung saan ako nakatingin. Dahil roon, napasabi si Mama sa akin na "Anak, magsisimula na ang programa kaya tayo na mauna." Wala na akong magawa kundi sumunod kay Mama, kaagad na kami'y umalis roon at pumasok sa paaralan. Dala ko parin ang sakit sa tuwing nakikita ko si Erika, hindi ko matanggal sa aking dibdib ang nararamdaman ko. **** Noong nagsimula na ang programa, kami nalang ang natitirang para pumunta roon sa harapan. Naka-kapit-bisig ako kay Mama habang ako'y atat na maglalakad sa red carpet. Pero nabago iyon dahil may biglang narinig ko ang boses ng dalawang babae sa likuran ko, boses ng dati kong kasintahan at ang kanyang ina. "Mama, ang ganda ng dekorasyon na nasa entablado at maging sa upuan." "Kaya nga anak eh, talagang nag-effort silang nag-ayos at nagpaganda para aa pagdiriwang ng iyong pagtatapos, anak." Nadala ko na naman ang sakit na nararamdaman kahit hindi ko siya nakikita. Maging sa boses niya ay ako'y nasasaktan. Noong kami na ay lalarga ay napasabi muna si Mama sa akin na "Tara na Akihiro." Dito na kami naglalakad sa red carpet at huminto muna sa bandang kalagitnaan ng hall. "Ready, One... Two... Three!" Kaagad na ngumiti ako at kami'y kinuhanan ng litrato ng photographer. Bumitaw si Mama sa pagkapit-bisig niya habang sabing "Goodluck, Akihiro." Kaagad na naghiwalay muna kami, pumunta na ako sa pinakaharap habang sa pinakaharap sa may kalagitnaan naman nakaupo si Mama. Habang ako'y naglalakad, napalingon ako sa likod at nakita ko na naglalakad sila Erika at Tita Elijah. Huminto sila sa gitna at habang kinukuhanan sila ng litrato ay nakita ko ang ngiti sa maamong mukha ni Erika. Napangiti nalang ako na kaunti habang ako'y nasasaktan at kaagad na tumingin sa dinadaanan ko. Kaagad na umupo ako sa kinauupuan ko at nakatingin kay Erika. Habang siya'y lumalapit, nakikita ko ang liwanag na nasa likuran niya. Ako'y napalula nalang sa kanya, ako'y nagagandahan sa maamo niyang wangis dahil napakaputi niya at bilugin ang mukha niya, may bangs at kulay rosas ang kanyang labi. Nang umupo siya sa tabi ko, hindi ko nalang siya kinausap dahil alam na alam ko na hindi niya ako papansinin na tila ba'y baliw at kausap ko nalang ang sarili ko. Tumingin nalang ako sa mga napaparating na guro, mga goverment officials at mga school staff. Dala ko parin ang sakit dahil sa ginawa niya, pero masaya naman ako dahil muli ay katabi ko muli si Erika. ????? ???????'s POV Kinabukasan rito sa mundo ng mga tao, ako'y nasa isang pook kung saan maraming tao. Masyadong ingay pero komportable naman sa pakiramdam dahil wala akong nararamdaman sakit at hapdi sa aking tenga. "Oh! Baboy! Baboy! Isang daan nalang kilo!" "Saging! Sampu kalahati na oh!" "Pasok mga suki! Presyong Divisoria..." Paulit-ulit silang sumisigaw ang mga sinasabing tindero at tindera para ma-akit sa kanilang mga mamimili. Ako ay naglalakad lang habang tinitingnan ko ang bawa tindahan na nasa kinaroroonan ko. Mga pagkain na lulutuin, mga kasuotan, mga tela, mga pagkain na maari nang kainin at iba pang bagay na tinitinda ng mga tao na nasa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa lupang kinatatayuan ko habang huminto ako sa paglalakad at may nakita akong dalawang larawan na halos magkaparehas. Isang mukha lalaki na nasa kanang litrato habang may nakasulat naman na 'ANG BAGONG LIPUNAN'. Kaagad na umupo mula roon para kunim ang dalawang litrato mga iyon at tiningnan ko habang ako'y tumayo at naglalakad na dahan-dahan. Napaisip ako na sino nga ba itong lalaking nasa litrato na iyon. Napatingin muna ako sa isang ginang at kaagad lumapit ako sa kanya para magtanong. "Ah... Ginang, pwede magtanong?" "At ano naman iyon." Wika ng ginang naka-puti ang kanyang kasuotan na mahaba. "Ah... Sino po itong lalaki na nasa litrato na ito?" Tanong ko sa kanya habang tinuro ko ang mukha na nasa litrato. Nagulat nalang siya bigla dahil sa tanong ko at sabing "Miss? Hindi mo kilala kung sino yan? Siya si Manuel Roxas, ang ika-limang presidente ng Pilipinas." "Sino po?" "Si Manuel Roxas nga, neng!" Wika pa niya. "Si-sino po siya?" "Siya naman ang ika-limang presidente ng Pilipinas." Sagot pa niya. "President ng Pilipinas po? Ano po yung presidente ng Pilipinas?" Tanong ko pa sa kanya. "Ang Pilipinas lang naman ang bansang kinatatayuan natin ngayon." Sagot ni ginang sa tanong ko. "Ang Presidente o Pangulo naman ang namumuno rito sa bansa, si President Cory? Hindi mo ba kilala? Si Marcos, presidente rin iyon bago pa nagka-EDSA eh baka sabihin mo rin na hindi mo siya kilala?" Napa-isip nalang ako sa sinabi ng ginang sa akin. Presidente pala ang namumuno rito sa mundo ng mga tao at Pilipinas ang tawag rito sa lugar na ito. "Nga pala! Ang hawak mo ay pera iyan, neneng." wika naman niya sa akin. "Pe-pera?" Pagtataka ko naman. "Ang pera ang ginagamit para ipalit sa bagay-bagay kagaya ng damit, pagkain at mga pangangailangan sa buhay kagaya ng kuryente, tubig at bahay." Ani ni Ginang. "Ito po yung ginagamit ninyo para makapagbayad?" "Oo naman, neneng!" Wika pa niya. "Nga pala, ano pangalan mo?" "Ah... Ako po si Akane." Pagpapakilala ko. Oo! Ako nga si Akane Achinamonte Men- (Opppps! Wait lang, Akane!) Gusto mo patayin kita? (Gusto mo ba tanggalin kita rito? Useless lang yang mga fireball mo NYAHAHAHA) Hayyyz Sige na! paumanhin na, bossing. (Good!) Bakit tayo sa kwento ko. "Akane... ano apelyido?" "Apelyido?" "Huling pangalan mo, neneng." Ayoko kasing sabihin na Achinamonte ang apelyido ko. Kailangan ko palitan muna bilang isang tao. Napatingin ako sa kung saan-saan para kung ano makita ko ay iyon ang akin apelyido. Hanggang sa may nakita ako isang salita mula sa isang malaking pader sa itaas. Dahil roon ay sinabi ko sa kanya na ang apelyido ko ay "Mendoza... Akane Mendoza ang aking ngalan." "Ah!!! Baka naman naghahanap ka ng trabaho?" Wika pa niya sa akin. "A-ano pong trabaho?" Tanong ko naman. "Gagawin sana kitang diswasher." Wika pa niya. "Magiging taga-hugas ka ng mga kubyertos, mga pinggan at plato sa isang kainan malapit rito." "A-ano pong kapalit?" Tanong ko pa. "Kung aabot ka ng labinglimang araw, yang hawak mong dalawang siyentos ay baka apat na siyentos pa o mahigit." Ani pa niya sa akin. "Ta-talaga po?!" "Basta may maipasa kang requirements." Sabi pa niya. "A-anong requirements po?" "Biodata lang naman, neneng." Wika niya. "Biodata? W-wala po akong biodata." "Hayyyz! Sumama ka nalang sa akin para gawan kita ng biodata." Wika pa niya habang sa tingin ko'y nasusukot siya sa akin. "Ipapangako ko po ang magiging trabaho ko po." Sabi ko pa sa kanya. "Madali lang maghugas ng mga kagamitan sa kainan." "Sigurado ka ah." "Opo!" "Tara." Kaagad na umalis na kami para gumawa kami ng aking biodata. Ang biodata lang naman ang magiging susi para gawin ang trabaho ko. Ilan araw na nakalipas ay ginawa ko ang aking trabaho bilang isang taga-hugas ng pinggan at ako'y nagkaroon ng malaking pera. Ang dalawang daang piso ay naging limang daang piso. Dahil rito ay ginagawa ko ang trabaho ng mga tao. AKIHIRO LANDEZ' POV Nasa kalagitnaan na kami ng Graduation event, magkatabi kaming dalawa ni Erika sa pila. Habang wala pa kami sa entablado, kinausap ko si Erika habanh siya'y hindi ako pinapansin na nilalabas sa kabila niyang tenga ang mga salitang binibitawan ko sa kanya. "Erika, kung mahal mo ako eh bakit mo hinayaan na makipag-hiwalay ka sa akin?" Wika ko. "Diba, mahal mo naman pa ako? Hindi mo ba alam na ako ang nagpakulay ng mundo sa iyo kaya hindi kana naging P-O-K na dalawang beses kung mai-ulit?" Nakatingin lang siya sa entablado habang hindi niya ako pinapansin. "Erika, bakit ganoon nalang ang ginawa mo sa atin? Hindi ba sabi mo, kahit ano mangyari ay mahalim mo ako?" Sabi ko pa sa kanya kahit hindi niya iyon pinakinggan. "Erika, bakit mo ako iiwan sa ere dahil lang sa isang bagay na maari pa nating ayusin? Magkakasundo naman kayo ng nanay ko, Erika." Dito na tinawag ang aking pangalan para pumunta sa entablado. "Pangalawang may mataas na karangalan, Akihiro Sanchez Landez." Napatingin nalang muna ako kay Erika at bago ako lumayo sa kanya para umakyat sa entablado ay may iwan akong salita na sa kanya. "Erika, kahit anong mangyari ay mahal kita." Kaagad na umakyat na ako sa entablado na walang kaba at tuwa dahil tila ba'y umakyat lang ako sa entablado bilang praktis lang. Nasa harap ko naman ang aking ina na mayroong ngiti sa kanyang mukha, may hawak siyang medalya sa kanyang mga kamay at dito niya akong sinuutan ng medalyang hawak niya sa aking leeg. Pagkatapos ay kaagad na bumaba kaming dalawa sa entablado habang tinitingnan ko ang huling aakyat roon. "Ang pinaka-una at may pinakamataas na karangalan, Erika Robinnah Nicole Panderama Romulo." Dito na umakyat si Erika at maging si Tita Elijah, sinuutan na ng medalya kay Erika at siya'y nagyakapan. Nakikita ko sa aking mga mata na masaya si Erika sa kanyang ina pero sa akin ay hindi na. Ngayon ko lang nalaman sa sarili ko na mas masaya si Erika pag wala na pala ako. **** Ilan oras na nakalipas ay natapos na ang programa. Naabutan na kami ng gabi kaya kaagad na naming umiwi sana sa bahay pagkatapos kumuha ng mga litrato. Naglalakad na kaming magkapamilya palabas ng paaralan na mamimiss ko kahit transferee lang ako noong pumasok rito. Sila ay tuwang-tuwa sa akin dahil ako'y nakapagtapos ng sekundaryang may mataas na karangalan habang ako ay lumgkot na aking dala sa katawan ko. Hindi dahil mamimiss ko ang paaralan na ito, dahil kay Erika. "Ang galing talaga ng anak natin, sweetheart." Wika ni mama kay papa na may halong tuwa. "Hindi ko aakalain na magkakaroon ng honor ang panganay na anak natin." "Eh syembre, Akihiro Landez pa ba?" Linya naman ni Papa. "Eh ikaw nga dati nakikipagbugbugan ka noon ah." Linya naman ni mama. "Bakit naman ikaw? Naghahanap ng pasaway tapos pinapalo?" "Edi ikaw na ang matalino." "Mama! Papa! Ang mahalaga ay magulang ka po namin kayo." Saad naman ni Cheska. "Oo nga naman!" Tugon ni Maggie. "Ang swerte na isang gangster na tatay, isang School Supreme Council ang nanay tapos ang magiging supling ay ang mga pinakamatalinong nga kapatid sa balat na lupa." "Matalino pala ah! Yung grade mo nga eh C minus." Cheska. "Eh sayo nga D plus." Maggie. "Okay! Tama na! Maging proud nalang kayo kay Akihiro." Linya pa ni Papa. Napatingin lang sila sa akin pero sila'y nagtataka naman dahil nakatingin lang ako sa langit na maraming bituin. at napapaisip nalang ako sa isang babae na naging liwanag sa buhay ko. "Ah... Anak?" Pag-alala ni mama sa akin. Humiling ako sa mga bituin na isang taon makalipas ay makikita pa muli kami ni Erika kahit hindi namin alam na nakatagpo na kami o hindi. Kahit makita ko lang ang maamo niyang mukha ay masaya na ang dekada ochenta ko. "Anak?" "Wa-wala?" Napatingin nalang ako sa kanila na parang wala lang nangyari. "M-mauwi nalang tayo sa bahay para bukas na umaga ay makalipat na tayo ng bahay sa Valenzuela." "Sure ka ah." "Opo, Mama at Papa." "Edi tara na." Kaagad na kami'y nagkalalakad na diretso para umuwi na sa aming bahay. **** Kinabukasan ng umaga ay nagliligpit na kami ng mga gamit sa bahay para dalhin sa truck dahil lilipat na kami papunta sa bagong bahay sa Valenzuela. Lahat na gamit namin ay nailagay na sa loob ng truck hanggang wala na matira sa bahay na iyon. Nang matapos na ang lahat, napaupo nalang ako sa tapat ng magiging dati naming bahay dahil sa sobrang pagod. Natatalaktak ang mga pawis sa aking mga katawan, kaagad iyon pinunasan para maiwasan magka-asthma at uminom ako ng tubig na mineral sa boteng dalang-dala ko sa aking kamay. Mayamaya ay nakita kong dumaaan sila Erika at Tita Elijah, huminto sila sa harap ng gate at kinausap ni Tita Elijah ang aking ina habang tahimik lang nakatingin roon si Erika. Dito na ako may pagkakataon pang sabihin kung ano ang gusto ko pang sabihin sa kanya, hindi na ako makapag-ligoy-ligoy pa kaya kaagad na tumayo ako roon at lumapit ako sa kanya. Mabuti na nakalayo sila Mama at Tita Elijah kay Erika, pagkakataon ko na ito. Noong nasa harapan ko na si Erika, kaagad sinabi ko sa kanya na "Mabuti na dumating ka, Erika." Hindi naman niya ako pinansin, nakatingin lang siya kila Mama. Parang multo lang ako sa paningin niya, iniiwasan niya ako kaya alam na alam ko ang kinikilos ni Erika sa akin Dahil rito ay kaagad na pumunta ako sa harapan niya at sabing "Erika, nandito na sa harapan mo ang taong mahal mo." "PWEDE BA HUWAG MO NA AKO KAUSAPIN PA, AKIHIRO." Pagalit na linya ni Erika sa akin. Dito ako lalong nagulat sa kanya, hindi ko aakalain na sasabihan niya ako ng ganitong salita. "Erika..." "Akihiro, nagtitimpi na ako sa iyon kaya pwede ba?" "Erika... h-hindi ka naman ganyan dati, diba?" Pag-aalala kong sabi sa kanya. "Diba mahal mo ako?" "Akihiro, nagsusukot na ang salita, boses, ugali, pagpapansin mo at maging ang pagmumukha mo." Pagalit na linya pa ni Erika sa akin. "Hindi ko pa alam kung bakit pa kita nakilala, Akihiro. Hindi ko nalang sana ginawa pa ang lahat na magkasama tayo." "Erika, maayos pa natin ito-" "Hindi na ito maayos ang lahat, Akihiro." Wika pa niya. "Dahil hindi na kita mahal." Dahil sa sinabi niya, nag-iba na ang mundo ko. Tila'y lalong sumikip ang damdamin ko at parang wala na ang lahat. "Erika..." "Simula ngayon Akihiro, huwag mo na akong tatawaging Erika, Ekang o kahit buong pangalan ko pa at huwag ka nang mapapakita pa sa akin kahit penpal mo pa dahil hindi na kita kilala." Hindi na ako makapagsalita pa dahil sa sinabi niya. "KUYA, LALARGA NA TAYO!" Narinig ko ang sigaw mula kay Cheska sa truck. Nakatingin parin ako kay Erika habang lumuluha ako sa harapan niya na tahimik. Wala na ako choice kundi sundin siya, tumalikod nalang ako sa kanya at dahan-dahan na naglalakad papunta sa truck habang nakayuko ang ulo ko at dala ang aking sakit mula sa aking nararamdaman. Ilan sandali ay nakarating na ako sa truck at sumakay. Umalis na kami roon papunta na sa bago namkng bahay pero dala ko parin ang sakit na nararamdaman sa puso ko. Ang sakit na ganoon nalang ang nangyari sa akin at si Erika pa mismo ang sasaktan sa aking dibdib. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa ito, dala-dala ko na ito hanggang sa pagtanda ko. Nanalangin pa naman ako na magkita pa kami, pero mukhang wala na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD