AKIHIRO LANDEZ' POV
Hindi ko inaasahan na mangyayari ito ngayon. Nahuli na kami ni Mama na nagmamahalan.
Hindi na ako makapagsalita ngayon, hindi ko na alam kung paano ko ipaliwanag kay Mama ang lahat tungkol sa aming dalawa ni Erika.
"Oh! Bakit hindi na kayo makapagsalita ngayon?" Pangising wika ni Mama sa aming dalawang nagyayakapan. "Totoo ba na may relasyon kayong dalawa?"
Hindi ko na alam kung ano gagawin ko ngayon, ayokong sabihin na nagmamahal talaga kami dahil magagalit pa lalo si Mama.
Pag hindi naman namin sinabi, hindi matatapos itong away na ito.
Nahuli na kami, wala na kami magagawa kundi tumahimik nalang.
"Akihiro? Erika?"
Nakikita kong naluluha na si Erika habang nakatingin kay Mama.
Ano ba mayroon si Mama kung bakit ayaw niya ako mahalin sa ibang babae?
Bakit nagkaasawa siya kung ganito lang din naman ang mangyayari sa amin? At saka alam ko naman ang kinikilos ko ah, hindi porket nagkajowa eh pamilya na kaagad? Bawal bang magkajowa? Bat nagkajowa ba ako ikamamatay ba niya? Masisira ba pag-aaral ko? Kung hindi ko ilugar at isa-oras eh pwede pa pero alam ko naman ang ginagawa ko ah.
Hindi! Kailangan ko na sabihin ang side ko, pag sinabi niya na sumasago ako eh sasabihin ko na IBA ANG SAGOT (REPLY) sa SAGOT (ANSWER).
"Isang tanong, nagmamahalan ba-"
"Nagmamahalan naman po kami, mama." Mahinahon na sabi ko.
Mahinahon ang accent ko para smooth at chill lang.
"Aba! Talagang sumasagot ka, Aki-"
"Iba po ang sagot sa sagot." Saad ko pa pero mahinahon lang. "Nga pala! Ano po ba masama sa pagmamahalan naming dalawa?"
"Eh bakit sa p*kp*k ka pumatol, ah?" Pagalit na tanong ni Mama.
"Ti-ta..." paiyak na linya nalang ni Erika at humagolgol.
"Huwag mo akong tatawaging Tita, p*kp*k"
Mayamaya ay dumating si Tita Elijah at pambungad na sabing "Anong p*kp*k? Bakit sinabihan mo ng p*kp*k ang anak ko?"
"Totoo naman na p*kp*k ang anak mo Elijah." Wika ni Mama kay Tita Elijah na ito ang dahilan ng pagkasira ng imahe ni Erika.
"Hindi kailanman naging p*kp*k ang anak ko." Pagalit na sabi naman ni Tita Elijah. "Wala kang proweba at ebidensya na-"
"So bakit may perang pinapadala sayo na libo? Ah?" Sabi pa ni Mama. "Ang daming lalaki na pinatungan at nilindulan niya, pati na rin anak ko ginawa din niya."
Nagtataka na si Tita Elijah sa sinabi ni Mama habang nakatingin siya kay Erika.
Lalong humagolgol pa si Erika dahil sa sinabi ni Mama kay Tita Elijah.
"Erika, totoo ba?" Tanong ni Tita Elijah.
Hindi na makapagsalita si Erika, tuloy lang siya
"ERIKA SAGOT!"
"MAMA, I'M SORRY!!", nilapitan ni Erika si Tita Elijah at balak niya iyon yakapin
Pero tinulak nalang ni Tita Elijah si Erika.
Hindi nalang ito natuloy na yakapin pa ni Erika si Tita Elijah dahil rito.
"SO TOTOO NGA?"
"GUSTO KO LANG PO NAMAN KAYO TULUNGAN EH."
"Umuwi na tayo sa bahay."
"Pero-"
"UWI SA BAHAY!", hinila ni Elijah si Erika palabas ng gate.
Tanging kami nalang ni Mama ang natira.
Sa sobrang inis ko sa kanya, lalo na ako nagigil na sabihin na "MAMA, WALA KANG SILBING INA!"
Biglang sinampal ako ni Mama sa mukha dahil sa sinabi ko.
Wala na ako magawa kundi tanggapin iyon, masakit pero ayos lang.
"Pinalaki kita na maayos tapos ganito lang ang sagot mo sa akin?" Mama.
"Malala ka pa kay Adolf Hitler sa ginagawa mo ah." Wika ko. "Hindi mo po ba ako bigyan ng kahit konting space para sa sarili ko."
"Para sa sarili mo rin naman ang ginagawa ko ah."
"Pero huwag mo po akong idiktatorhan."
Kaagad na pumasok ako sa bahay at nakarating ako sa CR.
Pagkasara ko ng pinto, naupo nalang ako sa may inidoro at nilabas ko na ang luha ko sa aking mga mahal habang humagolgol.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon, nahuli na nga ako ni Mama tapos sinirahan pa niya ang kasintahan ko.
Ako na ang nasasaktan sa sarili ko. Nanalo lang ako kanina tapos ganito na ang kapalit.
May magsasakripisyo nga sa aming dalawa pagkatapos marating ang hinahangad ko na isang beses ko lang siya kailangan at makakalimutan ko na pagkatapos.
Pinalit lang sa malaking bagay ang pagkuha ko sa isang maliit na bagay.
Ewan ko ba bakit ganito ang araw ko ngayon.
????? ???????'s POV
Nang lumabas na ako sa mundo na kung saan ako'y komportable na manirahan.
Nakapasok sa Mundo ng mga tao na walang nakakakita sa akin na kung sinu-sino.
Ako ngayo'y nasa isang kagubatan, maraming naglalakihang puno ang nakapalibot sa kinatatayuan ko.
"Ito pala ang mundo ng mga tao." Aking wika habang pinagmamasdan ang mga puno.
Dahan-dahan kong nalakad padiretso habang nakalula sa dambuhalang mga puno na dinadaanan ko.
Ramdam ko ang simoy na hangin, mas komportable at masarap huminga sa mundo ng mga tao kaysa sa mundo ko.
Mayamaya ay may narinig akong sigaw ng babae.
"TULONG!!!!"
Huminto ako bigla dahil sa sigaw na iyon.
May nakita akong isang babae at isang lalaki malapit sa kinatatayuan ko.
Nakasandal ang babae sa puno habang ang lalaki ay hinawakan niya ang babae at balak niya hubaran ang kasuotan ng babae.
"Kuya, please! Maawa ka sa akin." Pagmamaka-awang wika ng babae.
"Minsan lang ito sa buhay mo, miss." Pangising sabi naman ng lalaki habang balak niyang tanggalin ang butones ng babae sa kanyang kasuotan.
"Kuya, ilan beses na po ako ginahasa kaya maawa ka naman po sa akin."
"Wala akong pakialam kung ginahasa ka pa o hindi." Pangising sabi pa ng lalaki. "Mas masarap kang babae kaya maraming gumahasa sa iyon."
"Kuya..."
Kaagad na napalitaw ang aking Yfel Eage, ang mapulang balintataw na magsisilbing paglakas sa aking kapangyarihan.
Kaagad na sumugod ako sa lalaki na nakapabihis at kaagad binangga ko siya.
Kaagad na tumalsik ang lalaki dahil sa ginawa ko at natumba, pero kaagad naman tumayo ang lalaki.
"Talagang gusto mo din ah.", kaagad na may hawak siyang maliit na espada bilang kanyang sandata.
Nakatingin lang ako sa kanya na walang takot, alam na alam ko sa sarili ko na kaya ko siyang patayin.
Kaagad na sumugod siya sa akin at balak niyang tusukin ang aking tiyan bilang atake niya.
Pero dahil sa mata ko ay hindi nagawang tusukin pa ang tiyan ko, may humahadlang sa kanya at ito ang 'Invisible Shield' kung maiitawag sa wikang ingles.
Paulit-ulit ng lalaki na itusok iyon pero ni isa ay walang nabasag sa hadlang na ginawa ko.
"Bakit... A-ayaw-"
"Nawa madala ka ang iyong kaluluwa sa maapoy na mundo." Wika ko.
"Anong ibig mong sabihin? Alien ka? Bakit-"
Biglang kinanat ko ang labi ko habang nakatingin ako sa kanyang mata.
Dito na naging paralisado ang lalaki at bumagsak sa sahig na kadahilanan ng kanyang pagkamatay.
Nakatingin nalang ako sa isang bangkay na nakahandusay na sa harapan ko.
"Mi-miss.. B-bakit mong pinatay?" Pagtatakang tanong ng babae sa akin.
Humarap ako sa kanya at sabi "Papatayin ka ba niya?"
"Gagahasin niya po ako, Miss." Ani babae. "Ilan beses na po ako ginahasa ng mga lalaki simula noong bata pa po."
"Ano bang ibig sabihin ng g****a?" Tanong ko.
"Ka-kasi po..."
"Pwede ko bang ikwento kung ano po ang g****a?"
"Ahhhh..." dito ko kinuwento sa akin ng babae ang ibig sabihin ng g****a o 'r**e' sa wikang ingles.
Ang 'r**e' ay isang uri ng pang-abusong sekswal na kadalasang kinasasangkutan ng pakikipagtalik nang walang pahintulot ng taong m************k sa kanya.
Ang kalalakihan ang mga suspek sa ganitong krimen kaya ito ang dahilan kung bakit gusto ko mawala amg kalalakihan sa mundong ito.
Dahil rito ay gusto ko malutas ang lahat ng ganitong bagay, babae rin ako kaya gusto ko ay babae ang makontrol ng mundong ito na kagaya rin sa mundo na kung saan ako nagmula.
ERIKA LANDEZ' POV
Nang nakauwi na ako sa bahay na maiyak-iyak dahil sa nangyari kakanina.
Pinahiya ako ni Tita Rina sa harapan ni Mama, sinabi niya na isa akong prostitutor kay Mama at dito na tuloy nagalit siya sa akin.
Hinila niya ako papasok sa bahay at binitawan niya ako sa sala habang ako'y paulit-ulit sa pag-iyak.
"Mama..."
Biglang sinampal ako sa kanang pisngi na napakalakas, dito na ako mamuntikan na matumba sa sampal niya.
Kaagad na tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya habang umiiyak.
"Erika, ano klase kang babae? AH?!" Pagalit na wika ni Mama sa akin.
"Tinutulungan ko po namin kayo na-"
Kaagad na inulit pa ng isang pang beses sa kaliwang pisngi ko.
Mamuntikan na talaga ako matumba sa sampal niya na napakalakas at napakasakit. Kaagad humarap muli ako sa kanya habang umiiyak, kinapa ko ang kaliwang pisngi ko at ang kumukulot-kulot ang buhok ko.
"Mama...."
"Bakit mo nilabag ang kaisa-isang rule na para sa iyo?"
"Mama, makinig ka sa akin-"
Sinampal niya ako ng dalawang beses, isa sa kanan at isa pa sa kaliwang pisngi.
Dito na ako matumba sa ginawa niya sa akin.
Umupo si Mama sa sahig sa tabi ko at hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko.
"Akala ko nagtrabaho ka habang nag-aaral para makatulong ka sa amin habang wala ako rito sa Pinas." Pagalit na sabi ni Mama sa akin. "Akala ko maganda ang buhay mo rito dahil may trabaho ka pero bakit mo ginawa ang pagiging kalapating mababa ang lipad mo para kumita?"
Hindi na ako makapagsalita habang ako'y umiiyak at nakatingin sa pagalit na maamong mukha ni Mama.
"Ayokong malaman ng iyong ama dahil sa pinaggagawa mo, Erika." Wika pa ni Mama habang may luha na nakadapo sa kanyang mukha. "Ano ba ang pagkukulang namin sa iyo, Erika? Bakit mo ito ginagawa? May problema ka ba sa buhay na hindi mo sinasabi?"
"Kumapit po ako sa patalim para tulungan ko po kayo sa hirap noon." Ani ko. "Wala-"
"Kung kumapit ka sa letcheng patalim na yan, edi sana hindi mo ginawa iyon." Pagalit na saad ni Mama. "Tapos may kasintahan ka pa!"
"Wala po kinalaman si-"
"Huwag mo rin sabihin na nag-yugyugan kayo?"
Natahimik nalang ako bigla dahil sa sinabi ni Mama sa akin.
"Oh? Bakit hindi ka makasagot, Ekang?"
"Pero wala naman po masama-"
Kaagad na sinampal ako na napakalakas at dito na ako nakahiga sa sahig, umiiyak parin ako at naramdaman ko ang sakit ng sampal na tila ba'y sakit na nararamdaman sa kanina.
Tumayo si Mama at tinalikuran niya ako sa may Pinto.
Dahan-dahan lang akong tumayo habang umiiyak at kapa ko ang kaliwang pisngi ko dahil ramdam ko parin ang sakit.
"Tutal tatlong linggo ay graduation ninyo na, ayoko pang nasaktan muli si Akihiro dahil sa pinaggagawa mo." Ani Mama. "Ayokong manakit ka ng nararamdaman ng ibang tao dahil sa pinagagawa mo, Erika."
"Mama..."
"Simula ngayon, magkakasunod na kami ng mga magulang ni Akihiro at ng mga teacher ninyo na maghiway kayong dalawa." Wika ni Mama. "Simula ngayon araw na ito, maghiwalay na kayong dalawa bilang magkasintahan."
"Mama, bakit relasyon namin ni Akihiro?!"
Humarap si Mama sa akin at sabing "Mamili ka, pagtatrabahuhin kita sa Bar pero bagsak at kayo parin ni Akihiro or maghiwalay kayo pero magkokolehiyo ka?"
Nagulat nalang ako sa katanungan ni Mama sa akin.
"Bakit? Mahal mo parin si Akihiro? Edi magtatrabaho ka nga sa-"
"Sige po! Hihiwalayan ko na po si Akihiro at papangako ko po a magkokolehiyo ako at hindi ko muli gagawin iyon." Saad ko. "Gagawin ko po ang gusto ninyo basta ipapangako ko po na hiwalayan ko na po si Akihiro."
Lumapit si Mama sa akin at sabing "Ayokong masaktan pa si Akihiro dahil sa madumi mong karanasan bilang isang teenager. Siguraduhin mo lang ang salitang binitawan mo sa akin."
Kaagad na pumasok si Mama sa kwarto at sinarado niya ang pinto mula roon.
Napaupo nalang ako sa sofa at umiiyak dahil sa pangyayari mula kanina.
Kung kailan lang ako naging masaya, naging masalimuot naman ang sumunod na pangyayari.
Ito ba ang tinadhana namin dalawa ni Akihiro? Kung Oo, wala na akong magagawa pa.
AKIHIRO LANDEZ' POV
Kinabukasan, dumating ako sa school.
Pero noong pumasok ako sa roon eh napagtataka ako na bakit ang layo ni Erika sa akin.
Nasa Row 2 sa harapan na si Erika habang ako'y Row 1 sa dulo.
Anong ibig sabihin nito? Bakit doon na nakaupo si Erika instead sa tabi ko?
"Goodmorning Class." Pambungad na pagbati ni Miss Arevalo sa amin.
"Goodmorning, Ma'am Arevalo. Welcome to Section Ferdinand E. Marcos... MABUHAY!!!" Pagbati naman namin habang nakatayo.
"Oh siya! Maupo muna kayong lahat."
Umupo na kaming lahat sa kanyang upuan.
"So nandito ako ngayon kasi may kaunting announcement tayo, since we are Section one eh mayroon na tayong dalawang higher honors inyo."
"Sino po?" Tanong ng isang kaklase namin.
"Top Two... Akihiro Landez." Tinawag ako ni Ma'am Arevalo.
"Oh! Si Transferee."
"Sabi na eh! Magiging top honors si Akihiro."
"Akihiro, punta ka rito sa harapan." Linya ni Maam sa akin.
"Ma-maam?" Pagtataka ko.
"Akihiro, punta ka sa harapan."
So wala na akong magawa kundi tumayo sa aking kinauupuan at pumunta sa harapan.
Nakatingin lang ako kay Erika habang si Erika naman ay nakatingin kay Ma'am.
Iniisip ko na iniiwasan na niya ako ngayon.
Pero hindi! Wala lang siya siguro sa mood ngayon.
"At meron pa tayong isa pang honor student mula rito."
"Sino naman po iyon?" Tanong ko.
"Top one at almost malalagpasan mo na ang average ng pangalan ng Section ninyo sa board exam... Erika Robinnah Nicole Romulo."
Nagsi-taasan sila ng kilay ang mga kaklase ko, maging ako ay nagulat sa kanya.
Hindi ko aakalain na top one si Erika sa lahat.
"Ma-ma'am, bakit po ako?" Tanong ni Erika kay Ma'am.
May nilapag si Ma'am Arevalo ng isang envelope sa lamesa. "Dito sa loob ng envelope ang kasagutan kung bakit ka top one."
"Ano po meron? Bakit po siya top one?"
"Siya lang ang nakaperfect sa exam, siya rin lang naman ang representative ng section ninyo during Quiz Bee sa different Subject at siya rin lang naman ang nagka-kompleto sa task at walang absent."
Napatayo nalang si Erika at pumunta sa harapan, katabi ko siya sa left side.
"Congrats, my loves..." pagbati ko sa kanya.
Pero hindi niya ako pinangkingan.
"Since kayo naman ang may highest honor sa inyo, si Akihiro ang panimula habang si Erika naman ang mag-speech."
"Opo!" Tugon naming dalawa ng asawa ko sa hinaharap.
"So palakpakan ninyo ang dalawang Highest Honors ng Section natin."
Dito kami pinalakpakan ng mga kakaklase ko.
Hindi ko aakalain na highest si Erika sa amin at ako naman ang pangalawang sa pwesto.
Dahil lang ba siguro sa akin kaya magsipag ito.
Sabi ko na eh magagawa niya ang lahat, alam na alam mo iyon.
****
Uwiian, sinundan ko si Erika palabas ng eskwelahan habang paulit-ulit ko tinatawag ang pangalan niya.
"Erika? Erika? Pwede mag-usap tayo, Erika?"
Hindi man niya ako pinansin, parang multo lang ako sa kanya.
"Erika? Bakit hindi mo na ako pinapansin? May problema ba?"
Hindi talaga sumasagot si Erika sa bawat sabi ko.
Noong nakalabas na kami sa eskwelahan ay dito na namin nabungad sila Mama at si Tita Elijah.
"Akihiro, nakauwi kana." Mama.
"Erika, mabuti na hindi mo pinapansin si Akihiro." Tita Elijah.
Nagtataka ako sa kinatatayuan ko ngayon, bakit nandito sila Mama at Tita Elijah.
"Ah... ba-bakit po kayo nandito?" Tanong ko.
"Akihiro, tapusin na natin kung ano meron sa ating dalawa." Biglang sinabi ni Erika ang ganito sa akin.
Nagulat nalang ako bigla sa winika niya sa akin at napatingin ako sa kanya muli. "Anong tatapusin?"
"Akihiro, malaya kana..." wika pa ni Erika sa akin habang may luha sa mukha niya.
"Erika, pinipilitan ka nila na maghiwalay pa tayo." Wika ko naman. "Pwede naman natin pag-"
"Huli na ang lahat, Akihiro." Saad nalang ni Erika. "Para sa kinabukasan natin naman ito at safe na safe ka kung wala ako sa tabi mo."
"Pero ikaw ang kinabukasan ko, Erika." Sabi ko pa.
"Akihiro, kalimutan mo na ako." Wika pa ni Erika sa akin. "Wag mong sisihin ang sarili mo dahil ayoko lang masaktan ka."
"Pero-"
"Akihiro, hindi Compatible ang Anak ni Rizal at ng Spice Girl sa isang istorya."
"Pero isa kana ring anak ni Rizal ah!"
"It's over Akihiro, pasensya kana at salamat sa lahat."
Dito na umalis si Erika palayo sa akin.
"Akihiro, Mars... Mauna na kami.", sinundan naman ni Tita Elijah si Erika at nakaalis na rin siya.
Nakatingin lang ako kay Erika at umiiyak.
Ang sakit na iiwanan nalang ako bigla ni Erika sa ere, pinipilitan lang naman siyang paghiwalayin kami eh pero bakit niya sinunod?
Pero wala na akong magagawa pa, mahal na mahal ko si Erika at tatanggapin ko nalang ang desisyon niya.
Pero nawa magkabalikan pa kaming dalawa ni Erika, alam kong mahal parin niya ako.