AKIHIRO LANDEZ' POV
So ayun na nga! Ilan araw na nag-sulat ako ng story ay dito na nagsimula ang Contest ngayon.
Umaga palang ay nasa School muna kami ngayon for preparation naman.
Bitbit ko ang isang puting notebook ko na naka-plastic cover sa aking mga kamay habang dala ko ang excitement para sa Contest.
Manalo o matalo basta hindi ako mapapahiya sa madla, ito ang ultimate goal ko. Baka may magdiskober sa akin.
"Ngayon Akihiro, handa kana ba???" Tanong ni Sir Chan sa akin.
"Lahat na pagsubok ay dadaanin ko." wika ko. "Kahit sa Jolo pa gaganapin ang contest ay ayos lang."
"Talagang may Fighting spirit ka ah." sabi pa ni Sir sa akin. "Nga pala! Sa CCP tayo pupunta dahil doon ang event."
"Ah, si-sige po!" Linya ko.
Mayamaya ay dumating na nga si Erika sa tabi ko. Dala niya ang bag naming dalawa ni Erika sa mga balikat niya at mayroong ngiti sa kanyang mukha.
"Oh, Romulo?" Linya ni Sir Chan.
"Sasamahan ko po si Landez bilang Assistant niya." Sabi naman ni Erika. "Alam ko rin po ang CCP kaya kailangan rin niya siguro ng taga guide at syempre kailangan rin niya ng Personal Assistant na kagaya ko."
"Ah... Eh..." Hindi na ako makapagsalita sa sinabi ni Erika sa akin.
"Papayag ako diyan, Misis Romulo." Sabi ni Sir. "Para may kasama parin si Akihiro na kaklase niya."
"Salamat sir dahil piyagan mo po ako." Erika.
"Ahhh... Hintayin nalang po namin sila Mama." Sabi ko naman kay Sir.
Dahil sa sinabi ko, dito na dumating sila Mama, Papa at si Tita Elijah.
Naka-white dreas lang ang aking ina, naka-puting polo at itim na pantalon naman ang aking ama habang naka-rosas na palda at puting blouse naman si Tita Elijah
"Oh, anak." linya ni Mama sa akin habang pasan niya si Papa. "Saan ba magaganap ang event?"
"Sa.... Sa CCP po." Sagot ni Sir. "Nawa magawa ang best ng anak ninyo."
"Magagawa naman talaga ang best ng aking anak kahit hindi siya manalo." Wika ni Papa.
"Basta anak gawin mo ang lahat." Sabi naman ni Mama sa akin. "Landez Family tayo, diba?"
"O-opo, Mama!"
"So, baka mahuli pa tayo sa CCP." Sir Chan.
"Tara na po!"
****
Ilan oras na nakalipas ay nakarating na kami sa Cultural Center of the Philippines or mas kilala natin sa tawag na CCP.
Kakarating lang naming lahat roon, dala ang aking excitement at kaba at the same time.
Excited ako dahil nasa CCP na kami at iilang oras nalang ay magsisimula na ang event pero may kaba naman dahil baka matalo ako or mapahiya sa gagawin ko.
Habang kami'y naglalakad, nag-uusap kami ni Erika sa likuran nila Mama.
"Akihiro, hindi ka ba natatakot na matalo?" Tanong ni Erika sa akin.
"Bakit ako matatakot na matalo?" Sabi ko naman.
"Eh baka kasi na kinakabahan ka or baka mayamaya eh maihi ka sa short." Sabi naman ni Erika sa akin.
"Kinakabahan pero mawawala naman iyon pag ako na ang sasalang sa stage." Wika ko.
"Baka lalo ka lang kabahan." Erika.
"So noong Flag Ceremony natin-"
"Basta Akihiro, nandito lang ako ah." Saad nalang ni Erika. "Tignan mo nalang ako para mawala yung kaba mo."
"Talaga lang ah."
"Oo naman Akihiro."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Erika, humina na ang kaba ko kaya sinabi ko nalang sa kanya na "Salamat ah."
"Walang anuman at Good Luck." Pangiting wika ni Erika sa akin.
Mayamaya ay huminto na kami sa isang malawak na area sa CCP, napaupo nalang sila Mama sa isang mahabang upuan malapit sa amin habang kami naman ni Erika ay nakatayo lang.
May isang lalaki na dumating sa amin, siya lang naman ang isa sa labing-isang konsehal ng Pasay. Siya si Tiburcio Cuneta.
"Oh! Nandito na pala ang mga taga Port Cannova." Sabi ni Konsehal. "Asaan ba ang pambati ninyo?"
Kaagad na tumayo ako habang hawak ko ang notebook ko na nilalaman ng aking story na ginawa at lumapit ako kay Konsehal. "Ako po, Konsehal."
"Ah... ano ba name mo?"
"Landez." Sagot ko. "Akihiro Landez po."
"Ah sige! Huwag mo ipahiya ang Port Cannova ah." Bilin ni Konsehal sa akin. "Wala pang naipanalo ang Port Cannova sa ganitong contest."
"Sir, kayang-kaya po ni Akihiro iyan." Sabi ni Sir Chan. "Ibibigay niya ang best para sa paaralang Port Cannova."
"Opo, Konsehal!" Sagot ko naman.
"Mabuti naman kung ganoon." Wika pa ni Konsehal.
Mayamaya ay biglang narinig kami ng isang announcement na "Lahat na mga makikilahok sa contest ay pumunta na sa entablado."
Dito muna sinabi kila Mama na "Mama, mauna na po ako."
"Good luck sa iyo, anak." Pangiting wika ni Mama sa akin.
Kami ay umalis na para pumunta roon kasama si Sir Chan at si Konsehal.
Pero si Erika ay sumama sa akin, Personal Assistant pa more!
Nagtataka ako sa kanya kung bakit siya nasa tabi ko. "Oh! Erika-"
"Akihiro...", nakikita ko sa mata niya na something.
Huminto nalang ako sa isang table na kung saan ay chineck kung nasa list kami ng mga sasali.
Noong nasa harap na namin iyon, dito ako tinanong na "Saan paaralan ka po?"
"Port Cannova National High School po." Sagot ko naman.
Approve! Kasali ako.
May binigay siya sa akin na ribbon, number twenty ang nakalagay at tinanggap ko iyon.
Ibig sabihin ay panghuli ako, advantage ko iyon dahil unti-unting bababa ang kaba ko pero hindi ako kakapante dahil may manonood.
Papasok na sana kami pero hinarangan ng sekyu si Erika.
"Miss, hindi ka po contestant." Sabi ni Sekyu habang hinarangan si Erika.
"Pero Personal Assistant ko siya." Sabi ko naman.
"Kuya, pwede po pagbigyan naman siya?" Pakiusap na sabi ni Sir Chan.
"Hindi! Okay lang po ako, Sir." Ganito nalang ang sabi ni Erika sa amin. "Mauna na kayo roon."
"Pero-"
"Akihiro, hindi ako aalis." Saad pa ni Erika.
Nanahimik nalang ako sa kanya, tumungo nalang ako at dumiretso papunta sa isang silid.
Si Erika ay nasa labas nalang, sana pinapanood niya ako.
ERIKA LANDEZ' POV
Noong pumasok na si Akihiro, lumayo nalang ako roon at pinuntahan ko nalang sila Mama.
"Oh! Erika." Linya ni Mama sa akin.
"Nakapasok na si Akihiro roon." Wika ko habang napaupo ako sa isang mahabang upuan.
"Eh bakit hindi ka pumasok roon?" Tanong ni Tito Jei sa akin.
"Tanging contestant at coach lang ang pwede pumasok roon." Sabi ko pa.
Mayamaya ay sinimulan na ang contest.
"Mga kaibigan, magsisimula na ang paliksahan."
Napatayo ako sa announcement na iyon at nakatingin sa stage, dala ang aking kaba dahil kay Akihiro.
Napakilala na ang mga kalahok sa contest at bente sila, isa na roon si Akihiro.
"Ika-apat na taon sa Sekundarya mula sa Port Cannova National High, Akihiro Landez."
Noong tinawag na ang pangalan niya, dito ako sumigaw na "GO AKIHIRO!!!"
Nakatingin lang siya sa amin na may ngiti, sa tingin ko ay hindi siya kinakabahan.
Nakangiti ako kay Akihiro, pero dala parin ang kaba baka matalo siya.
Iniisip ko na mapapahiya lang si Akihiro sa gagawin niya.
Pero kaya ni Akihiro ang lahat. May tiwala ako sa kasintahan ko.
AKIHIRO LANDEZ' POV
Ilan minuto na nakalipas ay ako na susunod.
Ako ngayon ay nasa silid, binabasa ko ang storya na nasa notebook ko na paulit-ulit bilang rehersal ko.
Nang matapos ay dito ko naisip na makakaya ko pa ba ang lahat? Hindi ba ako mapapahiya sa harapan ni Erika?
"Akihiro, ikaw na sunod." Sabi bigla ni Sir Chan.
"O-opo.", kaagad na tumayo ako at pumunta sa likod ng stage habang dala ang aking notebook na nilalaman ng storyang ginawa ko.
Nang nasa likod ako, sinilip ko muna ang stage, ang daming tao at
Mayamaya ay natapos na ang huling contestant bago ako. Kaagad na pumasok na siya sa backstage bilang outro niya.
"Thank You so much, contestants number nineteen. Now, let proud of applause for our last contestants as he tell a story about his work. From Port Cannova Nationa High School, Mr. Akihiro Landez."
Dito na ako lumabas ng stage habang nasipalakpakan sila.
Huminto ako sa cauldron, nilapag ko ang notebook ko roon at binuksan.
"Magandang araw sa inyong lahat, ako po si Akihiro Landez at ngayo'y aking ikuwento sa inyo ang aking gawa na ang pamagat ay 'Si Ganda na may Lakas'" paninulang wika ko.
Pagkatapos ko ng intro na iyon, isang kurap lang ng mga mata ko ay tangin si Erika ang nakikita ko.
Oo! Si Erika ang nakikita ko.
(Eto nga pala yung link sa ginawa ni Akihiro.
https://w**************m/100050444510913/posts/447737700251043/?app=fbl
Nasa One Shot Book rin iyon. SALAMAT!)
Binabasa ko ang istoryang ginawa ko sa maamomg mukha ni Erika. Oo! Sa kanya binabasa ko ang istoryang ginawa ko.
Ang istoryang ginawa ko ay sa kanya ang na-inspire dahil siya lang ang Ganda na may Lakas sa puso't isip ko.
Nang matapos basahin, biglang nasipalakpakan ng napakalakas habang bumalik sa dati ang paningin ko.
Nagulat nalang ako at nagtataka ako na ano nangyari sa akin habang binabasa ko ang istoryang ginawa ko? May problema ba?
Nakita ko si Erika na pumapalakpak sa sulok, dito tuloy nasulot bigla ang puso ko sa ngiti niya at nakita ko na naluluha ang mata niya.
Maging ang iba pang nakikinig sa istorya ko ay ganoon rin.
Ibig sabihin ba nito au may umiyak ba sa istorya ko?
Hindi na bali!
Kaagad na sinarado ko ang notebook at dinala. Nag-bow ako sa harap ng maraming tao at pumasok kaagad sa backstage.
"Thank You for inspiring story for our last contestant."
Nang mahinto ako sa backstage, napangiti nalang ako bigla dahil hindi ko aakalain na magagawa ko na magkwento ng istorya na hindi ko alam ang nangyayari sa paligid.
Hindi na baling manalo basta nagawa ko na ang best ko.
????? ???????'s POV
Sa aming kaharian, ako ngayon ay naglalakad mag-isa sa daanan.
"Hmmmm! Magiging reyna ba ako ng kaharian?" Ito ang mga salitang lumalabas sa aking bibig. "Okay naman ako maging reyna ah pero bakit si Tiya ang susunod bago si Inay?"
Tuloy lang ako sa paglalakad habang tinatanong ko ang aking sarili.
Mayamaya'y napaisip nalang ako na ako'y naligaw na.
"Sandali! Hindi maari na ako'y-"
"Prinsesa...", may isang lalaki na dumating sa akin.
"Ginoo, maari bang magtanong. Eh ano tawag sa kantong kinaroroonan natin?"
"Gatewing street, aking mahal na prinsesa." Sagot niya.
Napaisip nalang ako bigla sa sagot ng lalaking kausap ko.
Ibig sabihin ay nasa daanan ako papunta sa...
Sandali!
"Mahal na prinsesa?"
Dahil roon ay nais kong malaman ang nasa labas ng tarangkahan na iyon at gusto ko makita iyon kung ano pa ang ibang nilalang na nandoon maliban lang sa tao.
"Maari bang sabihin sa aking ina at maging sa aking tiya na papasok ako sa tarangkahan papunta sa mundo ng mga tao?"
"Pero mayroon ka bang susi?"
"Mayroon naman ako Yfel Eage sa aking mga balintataw para buksan na paulit-ulit ang tarangkahan." Wika ko pa. "Huwag ka mag-aalala, babalik ako."
"Ma-masusunod po, aming prinsesa.", kaagad na umalis ang lalaki na iyon sa akin.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad na tahimik hanggang nakarating ako sa pinaroonan ko.
Huminto ako sa harapan ng tarangkahan at ako'y napalula sa laki na iyon.
"Isang dambuhalang tarangkahan naman ito." Sabi ko.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya kaagad na nalitaw ang mapulang balintataw sa aking mga mata.
Dito na kusang bumukas ang tarangkahan na dahan-dahan.
"Inay, babalik lang ako saglit." Huling wika ko sa kaharian na tinapakan ko ang teritoryo namin bago ako lumabas ng tarangkahan.
Hindi naman ako malulupitan ng aking ina sa ginawa ko, matutuwa nga ako dahil ako'y nakapasok sa mundo ng mga tao.
Hindi ko lang gusto na pumasok roon dahil ayoko lang maranasan ang nangyari kay Prinsesa Dameenie, pumasok lang siya roon pero hindi na siya bumalik.
Hindi na ako nagbahala sa sarili ko dahil mag Yfel Eage ako na nakalitaw sa aking mga mata.
ERIKA LANDEZ' POV
Nasa labas kami ng bahay nila Akihiro ngayon dahil natapos na ang contest at ang nanalo at walang iba kundi ang asawa ko sa hinaharap.
Oo! Nanalo siya at siya ang kauna-unahang estudyante mula sa Port Cannova High na nanalo sa contest.
Ngayon ay natayo muna kami sa labas ng bahay, nag-uusap muna kaming lima tungkol sa balita na nanalo ang aking asawa sa hinaharap.
Dumating bigla si Cheska at Maggie sa amin at pambungad na wika nila na "Kuya!!!"
Kaagad niyakap nila ang kanilang kuya dahil nakita nila ang isang medalya na nakasuot kay Akihiro.
Ngumiti nalang ako habang nakasulyap kila Akihiro.
Bumitaw sila sa pagyakap at linya ni Maggie na "Kuya, pwede pahiram ng medalya mo?"
"Ako din!" Linya naman ni Cheska. "Minsan lang naman ako makasuot na medalya mula sayo tapos bago pa."
"Oo nga!" Maggie.
"Akihiro, anak?" Tita Rina.
"Sige na nga!", hinubad ni Akihiro ang medalya at sinuot naman iyon kay Maggie, pagkatapos binigay naman kay Cheska ang malaking trophy na bitbit ni Akihiro.
"Yehey!!!" Kinatuwa naman ang dalawa.
Binigay ko naman ang notebook na nilalama ng storya ni Akihiro sa dalawa. "Gayahin ninyo naman Kuya Akihiro ninyo."
"Alam ko po magkwento at paano ito basahin"
"Sige! Kunwari ako judge tapos ikaw naman si Kuya, sa kwarto tayo ni Kuya gawin yun."
"Sige!", kaagad na umalis ang dalawa papunta sa kwarto ni Akihiro.
"Huwag ninyo sirain yan ah!" Bilin ni Akihiro.
"Opo!!" Tugon ng dalawa at sila'y nakalayo na.
"Hayyyzz! Mare, mauna na tayo maghapunan." Sabi ni Mama kay Tita Rina.
"Oo nga! Naghihintay na ang pagkain." Linya naman ni Tita Rina.
Kaagad naman na umalis ang dalawa kaya kami nalang ni Akihiro ang natira sa labas.
"Hayyyyz! Ang saya ng araw ko." Sabi ni Akihiro.
"Bakit naman?" Tanong ko.
Tumingin si Akihiro sa akin at sabing "Maliban sa nanalo ako, napanood mo ako."
"Ano ka ba? Numero uno fan mo ako, Akihiro." Wika ko. "Lagi naman ako nasa tabi mo at lagi ako sumusuporta sayo."
"Ang swerte ko nga na mag Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez sa tabi ko."
Nagtataka ako sa sinabi niya, yung ERIKA ROBINNAH NICOLE ROMULO-LANDEZ.
Alam mo eh nagkatotoo yan, pero not this time around. Basta! Malalaman ninyo kung bakit.
"Erika Robinnah Nicole... Nani?!"
"Gusto ko kasi Misis Landez ang maaring itawag sa iyo." Linya pa ni Akihiro. "Ngayon ko lang narealize na ikaw ang gusto ko mahalin."
"Akihiro..."
"Alam kong ang bata natin para sa ganito pero handa na ako maging ama ng magiging anak natin at asawa mo, Erika." Ani Akihiro. "Kung nanalo ako, ikaw rin ay nanalo ka sa puso ko."
"Akihiro, ano pinagsasabi mo? Eh ang bata pa natin para-"
"Erika, I want you as my Fiancé."
Nagulat ako bigla sa sinabi ni Akihiro, totoo ba ito?
Hindi! Ang bata pa namin.
Pero pag tumutol ako, masasaktan si Akihiro.
Tapusin muna namin pag-aaral saka na kami magpakasal. Sinisigurado ni Akihiro iyon para ako na talaga ang babaeng makakasama niya habang buhay.
Lumuhod si Akihiro sa harapan ko, may dala siyang singsing at tinanong niya ako na "You will be marry me soon, Erika Robinnah Nicole Romulo-Landez?"
Ngumiti nalang ako at sinabing "Yes..."
Kaagad na niyakap niya ako na mahigpit. Masayang-masaya siya lalo dahil ako na ang Fiance niya.
Sinagot ko siya dahil may tiwala ako kay Akihiro, alam niya ang tama at mali kaya mas pinili ko na siya ang gusto ko makasama habang buhay.
Kaagad na hinalikan ko si Akihiro sa lips na matagal at sinabayan niya ang halik ko.
Ang sarap ng future husband ko. Parang gusto ko kaagad gumawa ng Richane Landez noong panahon na iyon.
Seven years later ay nagkaroon kami ng unang supling which is si Richane, then nagmahalan na talaga kami sa isa't isa kaya dumagdag pa ng dalawa which is si Jadren at si Aron James.
Minahal parin niya talaga ako kahit mawala siya sa mundo. Ganoon ako ka-swerte kay Akihiro.
Noong nandito at noong wala na siya ay nagkakakaroon ng miracle dahil ang swerte talaga naming dalawa sa isa't isa. Dahil sa akin ay naging Second Chairman Siya ng Capital State habang dahil naman sa kanya ay naging Fourth Chairman naman ako kahit nasa heaven siya.
Ang swerte naming dalawa pero hindi itong taon (1988) na ito.
Habang kami'y naghahalikan ay may narinig kaming isang salita.
"How dare you to kiss my son???"
Huminto kami sa paghalik at tumingin kami roon sa nagsabi ng ganoon.
Hindi ko aakalain na si Tita Rina pala iyon.
Nagulat nalang kaming dalawa dahil sa kanya.
"Anong ibig sabihin ng pinagagawa ninyong dalawa?" Pagalit na wika ni Tita Rina. "Bakit naghahalikan kayo sa harapan ko?"
Hindi na kami makapagsalita sa harapan niya.
Halong kaba at takot ang aking dala na nararamdaman ngayon, hindi ko aakalain na mahuhuli kami ni Tita Rina.
Oo na! Sinira ko kaagad ang promise niya after niya sabihin iyon.
Ayokong iwan si Akihiro pero hindi ko na alam kung paano ko ipaliwanag sa kanya.