Matapos ang almusal nila ni Francis ay hinatid siya nito sa opisina. May balak pa itong tumambay roon ngunit tahasang pinalayas niya ito roon. Nakaka-distract kasi ang presensiya nito at hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Pumayag naman ito sa kondisyon na sabay silang manananghalian at mag-di-dinner. Siyempre no choice siya kaya pumayag siya para lamang umalis ito at nang makatrabaho siya dahil tambak na ang trabaho niya. "So how's the vacation?" bungad ni Joyce na may dalang mga papeles na pipirmahan niya. Nangalumbaba siya sa table niya at hinarap ang hipag. Kakaiba ang ngiti nito kaya naman alam na niya kung ano talaga ang pakay nito sa kanya. "It was fun," maikling sagot niya. Joyce took a seat and copied her position. "What was fun?" nanunudyong tanong sa kanya ni Joyce.

